Kathryn umaming hindi pa handa magpakasal kay Daniel: 'Kailangan pa naming magtrabaho nang magtrabaho' | Bandera

Kathryn umaming hindi pa handa magpakasal kay Daniel: ‘Kailangan pa naming magtrabaho nang magtrabaho’

Ervin Santiago - August 27, 2023 - 08:21 AM

Kathryn umaming hindi pa handa magpakasal kay Daniel: 'Kailangan pa naming magtrabaho nang magtrabaho'

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

MUKHANG matatagalan pa nga bago nating makitang ikinakasal ang Kapamilya celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Mismong si Kath na ang nagsabi na hindi pa mangyayari anytime soon ang wedding nila ni Daniel kahit pa nga ilang taon na ring tumatagal ang kanilang relasyon.

Paliwanag ng Box-office Queen, wala pa sa mga top priorities nila ni DJ ang pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya, lalo pa’t marami pa silang gustong marating sa kanilang buhay at career.

Gusto raw muna nilang samantalahin ni Daniel ang magagandang opportunities na dumarating sa kanila ngayon na aniya’y para na rin sa kanilang kinabukasan as partners.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Well matagal pa yata (magpapakasal). Kasi ngayon, nandito kami sa peak namin ni Deej na kelangan naming magtrabaho nang magtrabaho especially may bahay na ipinagawa, ang daming gastos,” paliwanag ni Kathryn nang ma-interview ng ilang members ng press pagkatapos ng presscon ng pelikula niyang “A Very Good Girl.”

Karamihan kasi sa mga ka-batch nina Kath at DJ sa showbiz ay nagpapakasal na kaya naman natanong ang dalaga kung may pressure ba ito sa kanila lalo na kapag sinasabi ng mga fans na excited na silang makita siyang naka-bridal gown.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa showbiz career ngayong 2023: ‘Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga ‘ko!’

“Parang alam din namin sa sarili namin (ni Daniel) na hindi pa, hindi pa time, and open kami about it, di ba?

“Iba-iba naman yung time ng lahat, so ngayon attend lang kami ng mga kasal, mga ganyan, kunin niyo na lang kaming bridesmaids, ganyan, okay lang yun sa amin,” katwiran ng Kapamilya actress.

Pero inamin naman ni Kath na may mga pagkakataong napag-uusapan din nila ni DJ ang tungkol sa pagpapakasal bilang matagal-tagal na rin naman silang magdyowa at ipinagdarasal nila na doon din mauuwi ang lahat.

“Yes of course. But then he respects my timing din sa.. alam ko rin na di pa ako ready so ayaw mong pilitin mga ganu’n, importante, masaya kayo ngayon,” ani Kathryn.

Samantala, handa nang manggulat sina Asia’s Box-Office Superstar Kathryn Bernardo at BAFTA at Golden Globe nominee Dolly de Leon para sa kanilang papel bilang Philo at Mother Molly sa 30th anniversary kick-off film ng Star Cinema na “A Very Good Girl” na mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa simula September 27.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Umiikot ang kwento ng “A Very Good Girl” mula sa direksyon ni Petersen Vargas, sa buhay ni Philomena Angeles (Kathryn) na gustong wasakin ang kapwa socialite at business tycoon na si Mother Molly Suzara (Dolly).

Sa pagpasok ni Philo sa marangya, pero misteryosong buhay ni Mother Molly, magiging komplikado ang planong paghihiganti niya.

Magsisilbing theatrical comeback ni Kathryn ang “A Very Good Girl” sa 2019 box-office hit na “Hello, Love, Goodbye,” habang ito naman ang unang lead role at unang ABS-CBN film ng internationally-acclaimed actor na si Dolly de Leon.

Bukod kay Kathryn at Dolly, tampok din sa cast ng “A Very Good Girl” sina Chie Filomeno, Jake Ejercito, Gillian Vicencio, Kaori Oinuma, Ana Abad Santos, Nour Hooshmand, Donna Cariaga, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, at Angel Aquino.

Korina Sanchez itinangging namimirata ng ABS-CBN talents para lumipat sa TV network ni Villar

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeline wala pang balak magpakasal kay Nonrev kahit engaged na, priority pa rin ang anak: ‘Gusto ko munang magtrabaho nang magtrabaho’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending