Angeline wala pang balak magpakasal kay Nonrev kahit engaged na, priority pa rin ang anak: 'Gusto ko munang magtrabaho nang magtrabaho' | Bandera

Angeline wala pang balak magpakasal kay Nonrev kahit engaged na, priority pa rin ang anak: ‘Gusto ko munang magtrabaho nang magtrabaho’

Ervin Santiago |April 05,2023
facebook
share this

Angeline wala pang balak magpakasal kay Nonrev kahit engaged na, priority pa rin ang anak: ‘Gusto ko munang magtrabaho nang magtrabaho’

Ervin Santiago - April 05, 2023 - 08:51 AM

Angeline wala pang balak magpakasal kay Nonrev kahit engaged na, priority pa rin ang anak: 'Gusto ko munang magtrabaho nang magtrabaho'

Nonrev Daquina, Angeline Quinto at Baby Sylvio

SINIGURO na ng aktres at biriterang singer na si Angeline Quinto na hindi mangyayari ngayong taon ang kasal nila ng live-in partner na si Nonrev Daquina.

Napag-uusapan na raw nila ang tungkol sa kanilang wedding pero wala pa ito sa listahan ng kanilang top priorities dahil mas gusto muna nilang ibuhos ang kanilang atensyon sa anak nilang si Baby Sylvio.

Sa isang panayam, natanong ang Kapamilya singer at celebrity mom kung kailan nga ba sila magpapakasal ng kanyang fiancé matapos ang kanilang engagement last year.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


“Napag-uusapan naman namin. Sabi ko lang sa kanya ayoko kasing madaliin. Kung kailan nating maramdaman na pwede na talaga, di ba? Pero sa ngayon po kasi ang priority namin ay si Sylvio,” chika ni Angeline.

“So hindi this year?” ang hirit na tanong ng press kay Angeline na sinagot niya ng, “Hindi pa naman po.”

Baka Bet Mo: Angeline Quinto engaged na kay Nonrev Daquina: It’s time to write a different story…

Inamin din niya ayaw niyang madaliin ang pagpapakasal kay Nonrev, “Opo, dahil nga rin po talaga gusto kong maging priority namin si Sylvio. Kasi maliit pa po.

“Siguro dahil din sa work ko, gusto ko munang magtrabaho nang magtrabaho dahil ilang buwan din akong hindi nakapagtrabaho nu’ng buntis ako. Parang gusto ko lang bumawi ulit,” katwiran pa niya.

Sa sundot na tanong naman kung gusto na ba nilang sundan ni Nonrev si Baby Sylvio, “Siguro po kapag gumaling na ang tahi ko. Ha-hahaha!

“Pero sa totoo lang, gusto ko. Siyempre gusto kong magkaroon ng kapatid si Sylvio. Siguro mga tatlo, ganyan,” sey pa ng singer. Gusto niya raw ay mga two years ang pagitan ng kanyang panganay sa susunod niyang baby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Samantala, pinaghahandaan na rin ni Angeline ang first birthday ng anak sa darating na April 27.

“Actually, nag-start na rin po kaming magplano. Ayoko naman din ng sobrang bongga.

“Pero ang gusto ko lang po na ‘yung mga espesyal na tao rin, family ko, family ng fiancé ko. At saka gusto ko lang mas ma-feel din ng mga guests ‘yung mas pambata talaga ‘yung party,” chika ng aktres.

Ilan sa mga ninong at ninang ni Baby Sylvio ay sina Vice Ganda, Coco Martin, Luis Manzano, Jessy Mendiola, Kim Chiu, at ang Star Magic head na si Lauren Dyogi.

Korina Sanchez itinangging namimirata ng ABS-CBN talents para lumipat sa TV network ni Villar

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeline umaming siya ang unang nag-‘I love you’ kay Nonrev Daquina: Tsaka, ayaw talaga sa kanya noon ng manager ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending