Angeline umaming siya ang unang nag-'I love you' kay Nonrev Daquina: Tsaka, ayaw talaga sa kanya noon ng manager ko... Bandera

Angeline umaming siya ang unang nag-‘I love you’ kay Nonrev Daquina: Tsaka, ayaw talaga sa kanya noon ng manager ko…

Ervin Santiago |August 04,2022
share this

Angeline umaming siya ang unang nag-‘I love you’ kay Nonrev Daquina: Tsaka, ayaw talaga sa kanya noon ng manager ko…

Ervin Santiago - August 04, 2022 - 11:20 AM

Nonrev Daquina, Angeline Quinto at Baby Sylvio

WALANG arte-arte at walang hiya-hiyang ipinangalandakan ni Angeline Quinto na siya ang unang nag-“I love you” sa kanyang live-in partner na si Nonrev Daquina.

Ito ang inamin ng Kapamilya singer-actress nang magbigay ng ilang nakakakilig na detalye tungkol sa pagsisimula ng love story nila ni Nonrev.

Sa bagong YouTube vlog ni Luis Manzano na may title na, “LUIS LISTENS TO ANGELINE & NONREV (Sana palagi namin piliin ang isa’t isa),” ikinuwento nga ni Angeline at ng tatay ng kanyang anak na si Baby Sylvio ang unang pagkikita nila hanggang sa magkainlaban.

Pagsisimula ni Angeline, nagkakilala sila ni Nonrev through their common friends pero wala raw talagang nangyaring reto-reto. Nagkapalagayan daw sila agad ng loob kaya nagtuluy-tuloy ang kanilang pagkikita.

Sa isang bahagi ng vlog, inusisa ni Luis sina Angeline at Nonrev kung kailan sila unang nagpalitan ng “I love you.”

“After noong out of town namin sa San Rafael, Bulacan, ayun yung una naming labas.


“So, after nu’n, nag-uwian na kami ng mga kaibigan ko. Tapos, nag-thank you siya sa akin. ‘Thank you,’ ganyan-ganyan. Tapos, ako unang nag-‘I love you’ sa kanya sa message,” pag-amin ng celebrity mom.

Ang sabi naman daw sa kanya ni Nonrev, “I love you too, Angge.”

Tanong pa ni Luis, naging madali ba para sa kanila ang pagsisimula ng kanilang love story o dumaan din sila sa mga pagsubok.

Sagot ni Angeline, “Noong una talaga, yung manager ko, ayaw sa kanya. Ako, ang priority ko rin ay trabaho. So, parang doon ako nahirapan na sino ang uunahin ko, itong manager ko na nagbibigay sa akin ng trabaho.”

Inamin naman daw niya kay Nonrev na ayaw sa kanya ng kanyang manager, “Medyo nahihirapan din ako, ayoko na itago lang sa akin. Karapatan din naman kasi niyang malaman yun since kaming dalawa yung magkarelasyon.

“’Hindi ko alam yung gagawin ko ngayon, sa tingin mo itutuloy pa ba natin? E, may taong may ayaw sa relasyon nating dalawa,'” sabi pa ng biriterang singer.

At dahil love na love nga ni Nonrev si Angeline, “Tinuloy ko pa rin. Pinakita ko na gusto ko talaga siya, na mahal ko siya.”

Sey naman ni Angeline, “Tinuloy namin, ang dami kong pinaliwanag sa manager ko. Ipinakita rin naman namin na mahal namin ang isa’t isa.”

Dugtong pa ni Angeline, “Yung dumating si Sylvio, sobra siyang naging love na rin ng manager ko, wala nang kuwestiyon-kuwestiyon.”

Samantala, napansin daw ni Luis na ibang-iba raw ang aura ngayon ni Angeline at ramdam na ramdam daw niya ang kaligayahan nito mula nang maging nanay.

Reaksyon naman ni Angeline, “Iba, Kuya, never nangyari sa buhay ko na ganoon kasaya yung sarili ko.

“Nu’ng una kong nakita si Sylvio, kasi medyo groggy pa ako nu’n, hindi siya agad sa akin pinahawak kasi nga baka mabitawan ko.

“Yung narinig ko yung iyak niya, unang-una kong naisip, ang Mama Bob. Parang ang naisip ko, ‘Pangarap din ito ng Mama Bob.’ Pero parang siya na kasi yung baby na Mama Bob ngayon, e, kahit na wala na ang Mama Bob,” chika pa ni Angge.

“Lagi ko kasing sinasabi noon, ‘Ready na ba akong maging nanay?’ Pero noong narinig ko yung iyak niya, nawala ang lahat ng tanong sa sarili ko. Lahat ng takot sa sarili ko, sa pagiging nanay, nawala lahat,” sabi pa ni Angeline.

Sa mga hindi pa aware, si Mama Bob ang adoptive mother ni Angeline na sumakabilang-buhay noong November, 2020.

Angeline Quinto may pa-face reveal ni Baby Sylvio, nagulat sa natuklasan sa partner na si Nonrev

Dyowa ni Angeline Quinto na plano raw pumasok sa showbiz inokray ni Lolit Solis: Feeling pogi at pa-yummy

Dyowa ni Angeline Quinto na plano raw pumasok sa showbiz inokray ni Lolit Solis: Feeling pogi at pa-yummy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending