Awra hindi totoong nagkipag-ayos sa kampo ni Mark Christian

Awra Briguela hindi totoong nagkipag-ayos sa kampo ni Mark Christian Ravana, binitawan na nga rin ba ni Vice Ganda?

Reggee Bonoan |August 21,2023
facebook
share this

Awra Briguela hindi totoong nagkipag-ayos sa kampo ni Mark Christian Ravana, binitawan na nga rin ba ni Vice Ganda?

Reggee Bonoan - August 21, 2023 - 04:12 PM

Awra Briguela hindi totoong nagkipag-ayos sa kampo ni Mark Christian Ravana, binitawan na nga rin ba ni Vice Ganda?

PHOTO: Instagram/@awrabriguela

MAY mga naririnig kaming binitawan na ng TV host na si Vice Ganda ang pagma-manage sa actress-comedienne na si Awra Briguela.

Ang rason daw, kasalukuyang hindi na siya matutukan ng “It’s Showtime” host dahil may personal din itong pinagdadaanan.

Ayon sa chika na nakuha namin ay inasikaso naman ni Vice si Awra sa unang kaso nito hanggang sa pansamantala itong nakalaya sa pamamagitan ng piyansa.

At sa mga panibagong kasong kinakaharap ni Awra na isinampa ni Mark Christian Ravana kasama ang abogadong si Atty. Nick Nangit ay ang grave coercion, light threats, at violation of the Safe Spaces Act.

Itinanggi ng abogado ni Mark ang balitang nakikipag-ayos ang kampo ni Awra sa kanila, wala raw ganu’n pangyayari.

And to quote Atty. Nangit, “Hindi po totoo ‘yun na nagkaayos kami. Wala pong lumapit sa akin.”

Anyway, napakinggan namin kanina ang report ng kolumnistang si Cristy Fermin sa radio program nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 TRUE FM na binitiwan na ni Vice si Awra.

Baka Bet Mo: Awra Briguela tinulungan ni Vice Ganda na makalaya, PA ni Ion Perez ang sumundo sa kulungan

“Maraming nagsasabi na binitiwan na ni Vice Ganda bilang manager itong si Awra Briguela. Ang daming nagsasabi na dagdag stress lang daw si Awra dito kay Vice kaya minabuti na ng TV host na siguro’y bigyan na ng leksyon ang kanyang alagang si Awra. Ano na si Awra ngayon, paano na Romel?” kuwento ng CFM host.

Sagot ni Romel, “kaya nga paano na kasi sa mga nangyari kasi unang-una di ba ‘nay nu’ng nakulong si Awra na inisip ng ibang tao na pupunta si Vice pero no-show kaya inisip na baka kakausapin at maglalabas na lang ng statement pero no statement at all.”

“At nadagdagan pa ang kasong kinakaharap niya ngayon. Kaya kung minsan kailangang latiguhin ng pangaral. Kung kailangan bigyan ng matinding leksyon ang isang tao kailangang mangyari ‘yun para lang matuto, ‘di ba? Sabi nga natin napakabata pa ni Awra Briguela hindi naman siguro habang panahong ganyan na lamng ang gagawin niya sa buhay niya.

“Tawag ito ng kabataan, tawag ito ng kawalan ng disiplina baka naman isang araw matuto rin pero kung ganito ang nangyayari ay parang hindi naman niya tinatanggap na siya ang nagkamali, e, teka lang muna,” paliwanag ni nanay Cristy.

Kasabay niyan ay sinabi rin na maraming problemang kinakaharap ngayon si Vice dahil nga sa kasong kinakaharap nila sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na hanggang ngayon ay wala pang desisyon kung ano ang ipapataw na parusa ng nasabing ahensya ng gobyerno.

“Ang dami ring dala-dalang problema at bitbit ngayon si Vice Ganda natural kung baga sa puno ika nga pag masyado ka nang nabibigatan sa mga kulisap na nakakapit, ipagpag mo na para mabawasan, ‘di ba? Para gumaangaan naman ang buhay mo,” sey ni ‘nay Cristy.

At naungkat din ang hindi pagsasabi ng totoo ni Awra kay Vice dahil ang paalam ng una sa magulang niya ay nakatira siya sa condo unit na pag-aari ng nasabing TV host.

Opinyon ni ‘nay Cristy, “kung ikaw ang nagtitiwala sa taong humahawak ng iyong propesyon dapat ay cards on the table ka (at) sinasabi mo ang katotohanan pero ang daming nakatiklop na baraha kaya maganda na rin itong ginawa ni Vice Ganda na bibigyan niya ng leskyon si Awra.”

Nabanggit pa na nakahihinayang ang talento ni Awra dahil magaling naman talaga siya at naibibigay niya ang hinihingi ng direktor.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ng kampo nina Awra at ni Vice Ganda.

Related Chika:

Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra Briguela nagsinungaling daw sa tatay, pati tuloy si Vice Ganda nadamay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending