Nadine Lustre na-bad trip sa nagsabing cheater ang dyowa: 'Di ba siya pwedeng magka-friends na girls? Di ko kaya backwards mentality mo teh!' | Bandera

Nadine Lustre na-bad trip sa nagsabing cheater ang dyowa: ‘Di ba siya pwedeng magka-friends na girls? Di ko kaya backwards mentality mo teh!’

Ervin Santiago - August 21, 2023 - 12:30 PM

Nadine Lustre na-bad trip sa nagsabing cheater ang dyowa: 'Di ba siya pwedeng magka-friends na girls? Di ko kaya backwards mentality mo teh!'

Christophe Bariou at Nadine Lustre

BINASAG ng award-winning actress na si Nadine Lustre ang mga taong nagbibigay ng malisya sa pakikipagkaibigan ng boyfriend niyang si Christophe Bariou sa ibang babae.

Nabwisit ang dalaga sa mga nababasa niya sa social media tungkol sa kanyang  non-showbiz boyfriend, partikular na ang tsismis na niloloko raw siya nito at nakikipaglandian at nakikipag-flirt sa ibang girls.

Isang netizen na may handle na @satorreedgar ang nagpakalat umano ng balita sa pagiging unfaithful daw ng dyowang French-Filipino businessman ni Nadine base na rin sa comment nito sa post ni Christophe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa kanya namang X account (dating Twitter), sinupalpal ni Nadine ang naturang netizen. Talak nito, “Stop acting like you’re concerned. You’re just another hater tryna create drama. 2023 na, gawa nalang tayong vegan cheese.”

Isa pang X user ang nagbigay ng malisya sa pakikipagkaibigan ni Christophe sa ibang babae at inakusahan pa itong cheater.

Resbak sa kanya ni Nadine, “How rude and offensive. Lagi ko ding kasama yung mga guy friends ko recently, but that doesn’t mean Im cheating.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre sa pagpapakasal kay Christophe Bariou: ‘Ay wala pa, hindi pa ready!’

“Di ba siya pwedeng magka friends na girls? Di ko kaya yung backwards mentality mo teh,” aniya pa.

Kahapon, nagbahagi rin siya sa kanyang X account para ibandera ang saloobin tungkol sa mga taong nakikipagkaibigan sa opposite sex kahit may mga dyowa na.

“Normalize girls having guy friends. Normalize guys having girl friends,” sey ni Nadine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine)


Para naman sa mga taong tumawag sa kanya ng tanga, “In complete awe that some of ‘my fans’ actually called me ‘tanga’ in their gc just cause they think they can live my life better than I can.

“Also the same people that send chismis to others. grateful the real ones never engage with their (b*llsh*t) tbh.

“Also pls don’t come at me with your self righteous + condescending lecture if you believe in chismis. It’s toxic (as f***),” dagdag pa niya.

Matatandaang ibinandera nina Nadine at Christophe ang kanilang relasyon  noong January, 2022. Nagsimula ang kanilang love story nang magsimulang manirahan ang aktres sa Siargao Island kung saan naka-base ang kanyang boyfriend.

Rabiya walang malisya ang relasyon sa ex-PBB housemate: I’m not available…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza Soberano kakaririn ang Hollywood dream; relasyon kay Enrique Gil iniintriga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending