Nadine Lustre sa pagpapakasal kay Christophe Bariou: 'Ay wala pa, hindi pa ready!' | Bandera

Nadine Lustre sa pagpapakasal kay Christophe Bariou: ‘Ay wala pa, hindi pa ready!’

Ervin Santiago |December 29,2022
facebook
share this

Nadine Lustre sa pagpapakasal kay Christophe Bariou: ‘Ay wala pa, hindi pa ready!’

Ervin Santiago - December 29, 2022 - 06:56 AM

Nadine Lustre sa pagpapakasal kay Christophe Bariou: 'Ay wala pa, hindi pa ready!'

Christophe Bariou at Nadine Lustre

HANDA na nga bang magpakasal si Nadine Lustre sa kanyang Filipino-French boyfriend na si Christophe Bariou para bumuo ng sarili nilang pamilya?

Yan ang isa sa mga naitanong kay Nadine nang makorner siya ng ilang members ng entertainment media sa ginanap na Gabi Ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 kamakalawa sa New Frontier Theater sa Cubao, Araneta City.

Nagtilian ang kanyang mga fans nang tawagin ang pangalan niya bilang pinakamahusay na aktres sa festival ngayong taon para sa entry nilang “Deleter” mula sa Viva Films.

Sa kanyang acceptance speech kasi ay nabanggit ni Nadine ang kanyang non-showbiz businessman boyfriend at isa nga ito sa mga taong pinasalamatan niya.

“Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa MMFF. Sobrang unreal sa pakiramdam na pinili nila yung Deleter kasi hindi talaga namin in-expect na makakasama yung Deleter sa MMFF.

“Itong award na ito, idi-dedicate ko ito sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko na patuloy na sumusuporta sa akin, sa boyfriend kong si Chris, and of course sa Viva family ko, and sa team Deleter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


“Sobrang saya namin. Hindi talaga namin in-expect yan. Masayang masaya kaming lahat na nagbabalik na ang mga pelikulang Pilipino sa sinehan. Mabuhay ang MMFF at mabuhay ang pelikulang Plipino,” bahagi ng speech ng aktres.

Kuwento ni Nadine, hindi raw talaga fan ng horror films si Christophe pero talagang nanood daw ito para suportahan siya.

“He was very supportive talaga kahit nu’ng nagsu-shoot kami. Nagpupunta siya sa location, hinahatid niya ako minsan. He understands I guess how tiring and how taxing kasi nga horror.

“And usually we would shoot every night, medyo late na din. So he knows how taxing it could be.

“He’s just there to support me and always inspire me and tell me to always give my 110% kahit na may mga days na ‘Ah sige bahala na yan!’ He would always remind me to always give my 110%,” lahad ni Nadine.

At sa tanong nga kung malapit na rin ba silang magpakasal ni Christophe, “Ay wala pa, hindi pa ready. Ha-hahahaha!”

Samantala, nag-react din si Nadine sa ulat na bukod sa paghakot ng awards ng “Deleter” ay may posibilidad din na mag-number one ang kanilang entry.

“It’s just numbers. As an actress, as someone who loves her craft, yung pinaka una talaga sa akin is yung alam kong na-entertain ko yung mga Pilipino, na-entertain ko yugn audience.

“So if ever man that is true, I’m really, really happy that Deleter is doing really well. Sobrang unreal. Hindi ko ma-explain. Kasi talagang hindi kami nag-expect ng anything. So yun lang, parang hindi pa nagsi-sink in.

“Honestly, I was more happy that the MMFF is back. I know na yung panunuod ng sine every holiday season is a huge tradition for Filipinos so more than anything I was happy that MMFF is finally back,” pahayag ng dalaga.

Rumored BF ni Nadine, aprub nga ba sa kanyang pamilya?

Relasyong Nadine Lustre-Christophe Bariou Instagram official na, sweet photos pinusuan ng netizens

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine Lustre, Christophe Bariou nagdaos ng feeding program sa Siargao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending