Nadine Lustre, Christophe Bariou nagdaos ng feeding program sa Siargao | Bandera

Nadine Lustre, Christophe Bariou nagdaos ng feeding program sa Siargao

Therese Arceo |February 19,2022
facebook
share this

Nadine Lustre, Christophe Bariou nagdaos ng feeding program sa Siargao

Therese Arceo - February 19, 2022 - 11:19 AM

Nadine Lustre, Christophe Bariou nagdaos ng feeding program sa Siargao

TULOY pa rin ang pagpapabot ng tulong at suporta ng aktres na si Nadine Lustre para sa mga residente ng Siargao na labis na naapektuhan ng bagyong Odette.

Nitong February 17, sa kanyang muling pagbabalik sa isla, nagdaos ang aktres kasama ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou ng feeding program sa bayan ng Caridad Pilar, Surigao del Norte.

Halos dalawang buwan na ang nakakalipas pero marami pa rin sa mga mamamayan ang hindi pa rin tuluyang nakakabangon sa matinding pananalasa ng bagyo.

Base sa mga larawang uploaded sa Instagram fan page na @alwaysjdn, makikita na hands on si Nadine at ito rin mismo ang nagsasandok ng pagkain para sa ating mga kababayan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ; | ALWAYS JDN (@alwaysjdn)

Bukod sa magdyowa ay present rin si Kim Cruz na isa ring aktibo sa pagpapaabot ng tulong sa mga apektado ng bagyong Odette lalo na sa Siargao.

Bago pa man ang kanyang pagbabalik sa isla ay nag-trending si Nadine matapos siyang makita ang Kapamilya actress na si Liza Soberano.

Maraming fans ang na-excite na makita ang dalawa sa mga big stars ng henerasyon ngayon na masayang magkasama.

Bukod pa rito, spotted rin si Nadine sa naging intimate birthday celebration ng kanilang kaibigang si Andrea Luis kung saan reunited siya sa mga kaibigang sina Kiana Valenciano at Lauren Reid, kapatid ng kanyang ex-boyfriend na si James Reid.

Speaking of James Reid, tuluyan na nga nitong nilisan ang Pilipinas upang manirahan sa Los Angeles, USA upang isakatuparang ang kanyang matagal nang pangarap, ang maging international singer.

Matatandaang noong October 2020, isang taon matapos siyang umalis sa Viva Entertainment kung saan dati silang magkasama ni Nadine ay pumirma naman siya sa Los-Angeles based record label Transparent Arts na humahawak sa mga sikat na talents gaya na lang nina Tiffany Young at Far East Movement.

Related Chika:
Relasyong Nadine Lustre-Christophe Bariou Instagram official na, sweet photos pinusuan ng netizens
Christophe Bariou pormal nang ipinakilala ni Nadine sa ama?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending