Christophe Bariou pormal nang ipinakilala ni Nadine sa ama? | Bandera

Christophe Bariou pormal nang ipinakilala ni Nadine sa ama?

Therese Arceo |October 16,2021
facebook
share this

Christophe Bariou pormal nang ipinakilala ni Nadine sa ama?

Therese Arceo - October 16, 2021 - 03:40 PM

Christophe Bariou pormal nang ipinakilala ni Nadine sa ama?

HINDI pa rin humuhupa ang usap-usapan ng mga netizens ukol sa aktres na si Nadine Lustre at sa rumored boyfriend nitong si Christophe Bariou.

Si Christophe ay isang French businessman na namamalagi sa Siargao. Ito rin ang founder at managing director ng isang luxury resort sa Siargao na Maison Bukana.

Bagamat madalas silang nagkikitang magkasama at kamakailan nga ay nag-trending pa habang magkahawak kamay na naglalakad sa mall, wala pa ring kumpirmasyon ang aktres kung ano nga ba ang papel ni Christophe sa kanyang buhay.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring kumpirmasyon ang aktres ukol sa namamagitan sa kanila ni Christophe kaya mas lalong naku-curious ang madlang pipol sa businessman.

Muli na namang umiingay ang pangalan ng aktres at ni Christophe dahil sa kumakalat na chika sa social media.

Nukhang pormal na ngang ipinakilala ng aktres si Christophe sa ama nitong si Ulysses Lustre.

“Nice meeting you,” ito ang saad ng ama ng aktres sa isang post na ngayon ay deleted na. Maging ang official Facebook account nito ay hindi na rin ma-search.

Makikita sa mga natitirang screenshot sa social media ang mga stolen photos kung saan makikita sa iisang frame si Cristophe pati na rin ang ama ng aktres.

Mukhang seryoso na talaga kung ano ang namamagitan kina Nadine at Christophe lalo na’t ipinakilala na niya ito sa ama. Kumbaga, may basbas na ng magulang kung anuman ang kanilang relasyon.

Another heartbreak na naman ito para sa mga JaDine supporters na hindi pa man nakaka-move on sa last photo ni Nadine at Christophe na magka-holding hands ay may panibago na namang viral post na nakita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siguro ay humahanap lang ng tamang tiyempo ang aktres para ipagtapat ang kanilang relasyon ni Christophe lalo na’t hindi rin naman naging biro ang pinagsamahan nila ng ex dyowa nitong si James Reid.

Karagdagang ulat:
Vin, Sophie ipinakilala na sa publiko ang kanilang ‘giant baby’, pinangalanang Avianna Celeste
Ivana emosyonal na binalikan ang alaala ng ama: ‘Wag n’yo hintaying mawala ‘yung tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending