Ivana emosyonal na binalikan ang alaala ng ama: 'Wag n'yo hintaying mawala 'yung tao | Bandera

Ivana emosyonal na binalikan ang alaala ng ama: ‘Wag n’yo hintaying mawala ‘yung tao

Therese Arceo - September 28, 2021 - 08:43 PM

IVANA ALAWI

EMOSYONAL na inalala ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi kasama ng kaniyang pamilya ang mga moments nila kasama ang yumaong ama.

Nagluto sila ng paborito niyong pagkain pati na rin ng paborito nitong cake para na rin i-celebrate ang birthday ng ama.

Dito na ikinuwento ni Ivana ang huling moment niya bago tuluyang mamayapa ang ama.

“Tumawag siya sa ‘kin na nasa ospital siya. Nagbakasyon siya doon sa Subic. Sabi niya, ‘Mariam, I’m in the hospital now. Can you come and pick me up?’.

“Sabi ko, ‘oo naman’. Eh may taping ako non. Kapag mah taping ka, di ka puwedeng umalis pero sabi ko, ‘Dad makakapunta ako pag pack up ko. Eh na-pack up ako doon mga 3AM na tapos after ng 3AM dumiretso na kami sa Subic,” umpisa ng aktres.

Umaga pa lang raw ay nasa ospital na ang kaniyang ama at balak nilang ilipag sa BGC para malapit sa kanilang tinitirhan.

Tinawagan naman niya agad ang ina para sunduin ang kaniyang tatay pero bago pa ‘yun ay nakakaramdam na siya ng kakaiba.

Share naman ni Mama Alawi, nagulat daw siya noong biglang nag-flash ang mukha ng asawq sa screen ng kaniyang cellphone na agad niyang pinagtaka.

Nang dumating raw si Ivana sa hospital ay agad siyang nakilala ng mga staff na siyang ikinagulat niya.

“Pagdating, nakakatuwa kasi sabi ng mga doktor, ‘Uy, ayan ‘yung sa probinsyano. ‘Yan ‘yung anak ni Sir.

“Sabi ko, ‘Paano n’yo nalaman?’, sagot nila, ‘Eh kanina pa pinagmamalaki ni Sir na nasa probinsyano ka daw,” kuwento ni Ivana.

Na-touch daw ang aktres dahil kahit sexy ang role niya sa nasabing teleserye ay pinagmamalaki pa rin siya ng kaniyang ama.

Matapos raw noon ay umupo ang kaniyang ama para makapagpa-picture silang dalawa. Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay agad nang inasikaso ni Ivana ‘yung ambulansya para mailipat na ang ama sa BGC ngunit pagtalikod niya ay namatay na ang ama.

Dito na nga tuluyang naiyak ang dalaga.

Kuwento pa niya, nang makausap niya ang doktor ay nagulat ito nang malamang umupo ang kaniyang ama para magpa-picture dahil pinagbawalan raw niya itong umupo.

Kahit raw malungkot ang nangyari ay masaya siya dahil alam niyang minahal nilang lahat ang ama at wala silang ginawang makakasakit dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya ‘yung advice ko sa inyo, dapat habang buhay ang parents nyo o may kaaway kayo, wag n’yo hintayin na mawala ‘yung tao. Just forgive and always love that person and give time,” payo ng aktres sa kaniyang mga manonood.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending