Nadine Lustre ayaw makisawsaw sa pag-aresto sa manager ni Liza at kasosyo ni James sa negosyo: 'It’s very unfortunate that this is happening' | Bandera

Nadine Lustre ayaw makisawsaw sa pag-aresto sa manager ni Liza at kasosyo ni James sa negosyo: ‘It’s very unfortunate that this is happening’

Ervin Santiago |August 15,2023
facebook
share this

Nadine Lustre ayaw makisawsaw sa pag-aresto sa manager ni Liza at kasosyo ni James sa negosyo: ‘It’s very unfortunate that this is happening’

Ervin Santiago - August 15, 2023 - 11:29 AM

Nadine Lustre ayaw makisawsaw sa pag-aresto sa manager ni Liza at kasosyo ni James sa negosyo: 'It’s very unfortunate that this is happening'

Nadine Lustre, James Reid, Jeffrey Oh at Liza Soberano

HININGAN ng reaksyon ng mga miyembro ng entertainment media ang award-winning actress na si Nadine Lustre tungkol sa kinasasangkutang kaso ng producer na si Jeffrey Oh.

Dating talent ng Careless Entertainment si Nadine na pinamumunuan ng Korean-American na si Jeffrey Oh (CEO) at ng ex-boyfriend niyang si James Reid. Isa si Liza Soberano sa mga artist ngayon ng naturang talent management.

Sa naganap na 2023 FAMAS Awards last Sunday, natanong ang dalaga kung ano ang masasabi niya sa pag-aresto at pagkakulong ng negosyante dahil umano sa pag-o-operate ng business sa Pilipinas ng walang kaukulang dokumento.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine)


“I’d rather not talk about that just because I’m not involved in it anymore, so I don’t want to comment on that anymore.

“But of course Jeff is so… I’ve worked with him too. It’s very unfortunate that this is happening,” ang naging tugon ni Nadine.

Kamakailan ay kinumpirma ng spokesperson ng Bureau of Immigration na si Dana Sandoval ang paghuli sa CEO ng Careless noong July 28 ngunit nakapagpiyansa na rin last August 4.

Base sa report ng BI, kahit pa nakapag-bail si Jeffrey ay tuloy pa rin ang deportation case laban sa kanya.

Unang na-blind item dito sa BANDERA si Jeffrey Oh nang ireklamo raw ng tatay ni James Reid dahil sa puhunan sa negosyo na hindi na naibalik.

Baka Bet Mo: True ba, kasosyo ni James sa negosyo at talent manager ni Liza baka ipa-deport dahil sa patung-patong na reklamo?

Kinumpirma naman ito ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang online show at sinabing ang isa sa nagrereklamo ay ang ama ng business partner niyang si James na si Ginoong Malcolm Reid dahil ito ang nangangasiwa sa kinikita ng anak.

Sabi ni Nanay Cristy sa co-host niyang si Romel Chika, “Hulaan mo sa dami ng nagrereklamo (ay) isa pala ang tatay ni James Reid laban dito kay Jeffrey Oh dahil ‘yung pera ng anak niya na parang sosyo sila, di ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine)


“Hindi nakakarating kay James Reid ‘yung kaukulang pangako na perang ibibigay partner parang ganu’n. Hayan na sila na mismo ang nag away-away.

“Itong si Jeffrey Oh, ginawa pa tayong sinungaling, di ba sabi niya, ‘mga sinungaling kayo! Kampi lang kayo kay Ogie Diaz at sa ABS-CBN that you keep on telling that were wrong’ mga ganu’n pa. O, sino ang wrong ngayon?

“Minanage po si Liza, pinapaniwala mo si Liza na matutupad moa ng kanyang Hollywood dream, wala ka naman palang SEC registration at wala ka naman palang karapatang mag negosyo dito sa Pilipinas dahil banyaga ka!” ayon sa batikang manunulat.

Tanong ni Romel Chika, “Naku, e, paano ngayon ‘yan Nanay si Liza? Ano na ngayon ang mangyayari?”

Nagbiro si Nanay Cristy na kakanta raw ang aktres ng “Aabutin nito ang Bituin.”

Bea hiningan ng hubo’t hubad na litrato ng ex-dyowang aktor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vhong dinedma lang ng kaibigang hiningan ng tulong; Billy malungkot na malungkot dahil sa sinapit ng kaibigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending