Bea hiningan ng hubo't hubad na litrato ng ex-dyowang aktor Bandera

Bea hiningan ng hubo’t hubad na litrato ng ex-dyowang aktor

Reggee Bonoan |May 12,2021
share this

Bea hiningan ng hubo’t hubad na litrato ng ex-dyowang aktor

Reggee Bonoan May 12,2021 - 02:44 PM

SINO kaya ang aktor na ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hiningan siya ng nude photos para raw anytime ay puwede siyang tingnan kapag nami-miss siya nito.

Ito ang naging mainit na topic nina Ogie Diaz at partner nitong si Mama Loi sa Ogie Diaz Showbiz Update nitong Martes.

Kuwento ng talent manager at vlogger, “Ang alam ko noong araw buti na lang matalino si Bea kasi dati nabalitaan ko lang ewan ko kung sino ‘no? Noong nagka-boyfriend si Bea ay mayroong ex niya, hindi ko alam kung sino, na nagre-request ng nude picture niya.”

Sabi ni Mama Loi, “Ha? Oh my God! (sabay hawak sa magkabilang pisngi).”

Dagdag pa ni Ogie, “Piktyuran (ang sarili) ganoon. Mabuti hindi bumigay si Bea. Yes, pipiktyuran. Ang rason daw ng guy para kapag hindi sila magkita at may taping sila pareho, e, ‘yun na lang ang tinitingnan, ‘yung hubad na larawan ni Bea.”

“Ay teka, may taping sila pareho, so artista ‘to?” mabilis natanong ni Mama Loi.

Say naman ni Ogie, “Ano ka ba! Hindi ba’t puro artista ang naging boyfriend ni Bea? Hindi lang natin alam kung sino.”

Pangungulit ng partner ni Ogie, “Hindi mo talaga alam? Mamatey?”

“Hindi! (sabay impit ni Ogie sa bibig niya). Nabalitaan ko lang, hindi ko naman alam kung confirmed ‘yun. Balita lang sa akin na mayroon ngang ganoon,” sambit ni Ogie.

Paliwanag pa niya, “Kasi Loi, usong-uso na ngayon ‘yung mga ganyan. Ang dami ko ring nababalitaang artista na ang dami pang compilation na mga guy na nagbabatibot na nagpapadala ng mga video call sa mga jowa nila kasi nga hindi sila nagkikita lalo na ngayong lock in taping.

“Kaya dapat mag-iingat tayo kasi hindi natin alam kung ‘yun bang boyfriend o girlfriend natin ay pang habambuhay nating kasama.

“Pero mas maganda huwag na tayong magdalawang-isip, ‘wag na magpadala at all. Kasi hindi natin alam, may screen recorder na ang cellphone ngayon, gusto n’yo ba ‘yun?” payo pa ni Ogie.

Hmmmm, ang nakalambuchingan kaya ni Bea sa kotse na inamin niya sa “Never Have I Ever” episode sa vlog niya nu’ng Mother’s Day ay siya ring humiling ng hubad na larawan nito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending