Rabiya walang malisya ang relasyon sa ex-PBB housemate: I'm not available... | Bandera

Rabiya walang malisya ang relasyon sa ex-PBB housemate: I’m not available…

Ervin Santiago |May 27,2021
facebook
share this

Rabiya walang malisya ang relasyon sa ex-PBB housemate: I’m not available…

Ervin Santiago - May 27, 2021 - 02:38 PM

“WALANG malisya!” Yan ang paglilinaw ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kumakalat na chika tungkol sa kanila ng dating “Pinoy Big Brother: Otso” housemate na si Andre Brouillette.

Hot topic kasi ngayon sa social media ang umano’y relasyon ng beauty queen at ng hunk model-actor matapos kumalat ang kanilang mga litrato na magkasama.

Binigyan ng kulay ng mga netizens ang kanilang mga litrato sa Instagram, lalo na ang pagkain nila together sa isang restaurant sa California.

Kahapon, ibinahagi nga ni Andre sa  IG ang picture nila ni Rabiya habang kumakain. Nilagyan niya ito ng caption na, “Lunch with the lovely and beautiful Miss Universe Philippines @rabiyamateo.”

Sa kanya namang Instagram story, ipinost ng Pinay beauty queen ang mga kaganapan sa kanilang “lunch date.” Dito makikita ang dalaga at si Andre na tawa nang tawa habang nagkukuwentuhan.

At dahil nga rito, inisip ng kanilang mga social media followers na may “something” ngang namamagitan sa dalawang celebrity lalo pa’t mainit ding pinag-uusapan ngayon ang diumano’y paghihiwalay ni Rabiya at ng non-showbiz boyfriend niyang si Neil Salvacion.

Kumalat ang tsismis na hiwalay na sila nang mapansin ng mga netizens na binura na ni Neil ang mga litrato nila ni Rabiya sa kanyang Instagram page.

Ngunit bago pa nga lumala ang issue, agad na nilinaw ni Rabiya ang tsismis. Ni-repost ng dalaga ang litrato nila ni Andre sa IG Stories at sinabing magkaibigan lang sila ng binata.

Ito’y sa pamamagitan ng paggamit ng ilang hashtags sa kanyang IG post tulad ng “#Friends, #Workmates, #NoMalice, #Empire at #Mercactor.

Isa pang hashtag na inilagay ni Rabiya sa kanyang mensahe ay ang “#ImNotAvailable”. Maaaring ito na rin ang sagot ng dalaga sa mga ispekulasyon na nag-break na sila ng kanyang boyfriend.

Nasa Amerika pa rin ngayon si Rabiya matapos lumaban sa ginanap na 2020 Miss Universe sa Florida. Si Andre naman ang nagsilbing Miss Universe pageant online host para sa Empire Philippines.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending