Pagbabalikan nina Jomari Ylanna at Abby Viduya matapos maghiwalay 30 years ago parang eksena sa teleserye: 'Nakakaiyak talaga!' | Bandera

Pagbabalikan nina Jomari Ylanna at Abby Viduya matapos maghiwalay 30 years ago parang eksena sa teleserye: ‘Nakakaiyak talaga!’

Ervin Santiago |August 15,2023
facebook
share this

Pagbabalikan nina Jomari Ylanna at Abby Viduya matapos maghiwalay 30 years ago parang eksena sa teleserye: ‘Nakakaiyak talaga!’

Ervin Santiago - August 15, 2023 - 07:10 AM

Pagbabalikan nina Jomari Ylanna at Abby Viduya matapos maghiwalay 30 years ago parang eksena sa teleserye: 'Nakakaiyak talaga!'

Abby Viduya at Jomari Yllana

PARANG mga eksena sa teleserye at pelikula ang naganap na pagbabalikan nina Jomari Yllana at Abby Viduya makalipas ang tatlong dekada.

Kinumpirma ni Abby o kilala rin sa kanyang screen name na Priscilla Almeda na wala na talaga siyang balak bumalik sa Pilipinas dahil okay na ang buhay niya sa Canada.

Ngunit nang dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Jomari ay nagdesisyon siyang bumalik sa bansa upang magsimula uli.

Sa guesting ng engaged couple sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, ibinahagi ni Abby kung paano sila nagkabalikan ni Jom makalipas ang 30 years nang hindi nila pagkikita at pagsasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Simulang pagkukuwento ni Jomari, “Naisip ko lang siya. Naisip ko lang siya talaga, kumusta siya. Then, ‘yun lang, socials. And then I saw her.”

“Yeah, I saw her. Sabi ko, ‘Siya ba ‘to? Siya ba ‘to?’ Minessage ko. Anong sabi ko? ‘Hi, Kumusta?’ And then she called me up right away,” chika pa ni Jomari.

“Yeah, I made sure it was him. And I’m like, ‘Hi! Ikaw ba ‘yan?’” hirit naman ni Abby.

Nag-start muna sila uli bilang magkaibigan at noong 2015 daw ay pareho silang may pinagdaanan ni Abby sa kanilang personal life.

Baka Bet Mo: Jomari Yllana, Abby Viduya ‘husband & wife’ na ang tawagan sa isa’t isa, ikinasal na nga ba?

“Marami kaming pinagdaanan, pareho kami. Maraming kuwentuhan, maraming sharing, maraming guidance, maraming laughter.

“Pero talagang magkaibigan lang kami, long lost friend na bigla mong nakakausap ulit and kahit ano nakukuwento mo na very comfortable, and then we became single pareho,” pagbabalik-tanaw pa ng aktor at public servant.

Nang malaman ni Jom na pareho na silang single ni Abby, naisip niyang yayain si Abby na bigyan ng second chance at part 2 ang kanilang love story.

“I said, ‘Come home.’ You know why? Because she said na, ‘I will never come back to the Philippines,’” sey ni Jomari kay Tito Boy.

Paliwanag naman ng dating sexy star, “I had my life there. Sabi ko, ‘Why am I gonna go back here when there’s nothing for me to go back to? Like my family is all there, right?’ So I said, this was probably like in 2015, I said, ‘I’m not gonna go back there.’”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jomari Yllana (@jomariyllana)


Kuwento pa ni Jom, feeling niya hindi na raw talaga babalik sa Pilipinas si Abby hanggang sa isang araw, “I asked her (kung pwedeng sila na lang uli). Then she said yes.”

Siya raw talaga ang sumundo kay Abby sa airport, “Tumawag siya. Palabas na raw siya (sa airport), and then I saw her for the first time. Nakakaiyak. Kasi parang I saw the same person. She looked exactly the same.”

“Then she saw me, nanginginig ‘to (panga), nanginginig ‘yung buong katawan nito. Nanginginig ‘yung baba niya. Sabi ko, ‘Are you okay?’ Pagyakap nang ganyan, nanginginig siya,” pagbabalik-tanaw ni Jomari sa muling pagkikita nila ni Abby makalipas ang 30 years.

“I was so scared, I was nervous of what I did, I came back home and I’m gonna be with him. Pag-uwi ko dito, diretso kami live-in eh,” pag-amin pa ng aktres.

Samantala, nauna nang ibinalita nina Jomari at Abby na dalawang beses silang magpapakasal, isang civil rites at isang church wedding.

Sey ni Jomari, balak niyang pakasalan si Abby sa Peñafrancia Shrine sa Naga, kung saan ikinasal ang kanyang mga magulang.

Mark Anthony binigyan ng ‘expiration date’ ang ‘pagbabalikan’ nila ni Claudine: Pag lumagpas ng 4 years, wala na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abby Viduya love na love si Jomari Yllana: ‘He is my first and last!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending