Ryan Bang basted sa lahat ng artistang niligawan, mas pinili ang Pinas kesa sa Korea: 'Dito ako lumaki, dito ako mamamatay' | Bandera

Ryan Bang basted sa lahat ng artistang niligawan, mas pinili ang Pinas kesa sa Korea: ‘Dito ako lumaki, dito ako mamamatay’

Ervin Santiago |August 09,2023
facebook
share this

Ryan Bang basted sa lahat ng artistang niligawan, mas pinili ang Pinas kesa sa Korea: ‘Dito ako lumaki, dito ako mamamatay’

Ervin Santiago - August 09, 2023 - 07:54 AM

Ryan Bang basted sa lahat ng artistang niligawan, mas pinili ang Pinas kesa sa Korea: 'Dito ako lumaki, dito ako mamamatay'

Kim Chiu, Vice Ganda, Ion Perez at Ryan Bang

IBINUKING ng Kapamilya TV host-comedian na si Ryan Bang na marami siyang niligawang artista noon na  nambasted sa kanya.

Yan ang inamin ng South Korean comedian sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon kung saan nakasama rin niya ang kapwa “It’s Showtime” host na si Jhong Hilario.

Ayon kay Ryan marami raw siyang pinormahang Pinay celebrity pero walang nagkagusto sa kanya kahit isa. Tanong sa kanya ni Tito Boy sa “Fast Talk” segment, “Artistang nambasted sa ‘yo?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Bang (@ryanbang)


Mabilis na sagot ni Ryan, “Ay! Ang dami nila!” Hirit pa niya, “Magsisi kayo, ang dami niyo!”

Mensahe pa ng komedyante sa lahat ng artistang nambasted sa kanya, “Gumawa kayo ng group chat.” Ang isa sa mga  niligawan niya noon ay ang singer-songwriter na si Yeng Constantino.

Sa ngayon ay maligaya na si Ryan sa kanyang non-showbiz girlfriend na naipakilala na niya sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng FaceTime.

Baka Bet Mo: Ryan Bang nakatanggap ng offer mula sa isang Korean entertainment group, mas pinili ang Pilipinas

“I wanna live my life forever here in the Philippines with my forever Filipina,” sey pa ni Ryan.

Samantala, natanong din siya ni Tito Boy ng, “Nagdesisyon ka na talaga na dito ka na sa Pilipinas?”

“Yes Tito Boy, dito ako lumaki eh, dito ako mamamatay. Yes Tito Boy, habambuhay ako dito,” sabi ni Ryan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Bang (@ryanbang)


Nag-explain din siya kung bakit gusto niyang permanente nang manirahan sa bansa, “Kasi mahal na mahal ko ang Pilipinas. ‘Yung ugali ko, Pilipinas, tsaka gusto kong bumaha ‘yung pagmamahal nila sa akin.”

“Gusto ko, nagpe-pray ako gabi-gabi kay Lord, kay Jesus Christ na ‘Lord gamitin niyo po ako, dati kasi gusto kong magpasaya ng mga Pilipino. Ngayon gusto ko maraming maraming Pilipino ‘yumaman dahil sa akin,” sabi pa niya.

“Hindi lang trabaho, gusto ko kapag may chance, basta marami ang yumaman dahil sa akin, ‘yun ‘yung pine-pray ko kay Lord. Lahat ng Pilipino.

“Kasi ‘yung binibigay nilang pagmamahal sa akin, ‘yun ang ipambabawi ko sa mga kababayan nating mga Pilipino,” sabi pa ni Ryan.

Bakit nagtatakbo si Coco habang kumakanta si Sharon at iba pang cast ng Ang Probinsyano?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending