Matanda, mayamang negosyante na nambasted kay Kris guni-guni lang | Bandera

Matanda, mayamang negosyante na nambasted kay Kris guni-guni lang

Alex Brosas |February 19,2014
facebook
share this

Matanda, mayamang negosyante na nambasted kay Kris guni-guni lang

Alex Brosas - February 19, 2014 - 03:00 AM


Nakatikim rin si Kris Aquino ng pananaray sa kanyang suitor na hindi naman niya mapangalanan. Kris unabashedly admitted na tinarayan siya ng kanyang bagong manliligaw.

“Ang sad, it hurts, kasi ako ang nasabihan na ‘I never want to talk to you or text you for the rest of my life.’ That’s life. Kung pwede ko lang talaga ma-rewind at ma-edit kung ano ang nangyari.

Nasabihan ako talaga. Kina-shock ko talaga. ‘Yun din ang sinabi ko, ‘Ouch, how harsh,’” kuwento ni Kris sa kanyang show.
Pero parang may bawi ang hitad when she said na, “Pero at least walang lokohan…

Siguro grabe rin ang nasabi ko. At least inaamin ko mayroon din akong fault. Kagabi pinray ko talaga, ‘Don’t let me be bitter, God.””

Sa nangyari ay nasabihan tuloy si Kris ng kanyang ate na, “Well he had a courage to take you out and like you, so that’s why malakas din ang loob niya to tell you na ayaw na niya sa iyo.

Reality. Sabi ng ate ko, ‘If he doesn’t like my sister he’s not good enough for my sister.’ Sabi ko, ‘Tama, ate.’” ““Tapos sabi ko, ‘Ate di man lang pinaabot sa birthday ko nakakainis.

Doon ako buwisit na buwisit talaga. Fault ko din naman. Kasi di ba if you won’t give yourself a chance, how will you ever get a chance? I’m giving myself a chance,” she added.

Teka, parang imaginary admirer lang yata meron itong si Kris. Bakit hindi niya mapangalanan ang sinasabing suitor niya? Ang maganda lang sa kuwentong ito, at least may isang guy na malakas ang loob na tarayan si Kris at sabihin nang walang takot ang kanyang saloobin.

That is, kung totoo ngang merong suitor ang TV host. Kasi naman, parang mahirap paniwalaang ang kanyang sinasabi dahil walang identity ang guy sa kanyang kuwento.

Ano ito Kris, kuwentong kutsero? Name names para maging credible ang chika mo, ‘no!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending