Warning ni Alden Richards sa mga baguhang artista: ‘Mag-ingat kayo sa mga tao sa paligid n’yo’
UMANI ng papuri ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil sa ipinakita niyang akting sa Kapuso drama anthology na “Magpakailanman.”
Naging isa sa mga top trending topic sa X (dating Twitter) ang nasabing episode kung saan binigyang-buhay ni Alden ang kilalang marathon runner na si Jirome De Castro.
Tinalakay sa kuwento ang pagkakaroon ng sakit na dystonia ni Jirome, isang movement disorder na nagreresulta sa “involuntary muscle movements” ng isang indibidwal.
View this post on Instagram
Umariba sa X ang mga hashtag na #ALDENRichards at #ALDENxAugMPK kasabay ng sandamakmak na comments sa galing ng pag-arte ng Kapuso award-winning actor at TV host.
Sa mga susunod pang Sabado ng Agosto, mapapanood ang iba pang espesyal na pagtatanghal ng “Magpakailanman” hosted by Mel Tiangco.
Next Saturday, mapapanood ang “Epal Dreamboy: The Richard Licop Story”, kung saan gaganap siya bilang isang social influencer na palaging bina-bash dahil sa pagiging “epal” at “mayabang”.
Susundan ito ng “The Lost Boy” episode na isa namang action-drama at ang “Sa Puso’t-Isipan: The Cantillana Family Story” na may kaugnayan sa isyu ng mental health.
Samantala, sa mahigit isang dekada ni Alden sa showbiz ay marami na rin siyang realizations sa buhay, kabilang na riyan ang pakikisama at pakikipagkaibigan sa mga taga-industriya ng pelikula at telebisyon.
“Aside from being a hardworker, ‘yung pinaghihirapan mo lahat, ‘yung motivation, ‘yung puso, ‘yung fire, mag-ingat kayo sa mga tao sa paligid n’yo.
“’Yun ang nakakalimutan ng lahat, especially ng mga bago na, huwag po kayong masyadong available. Don’t be too available to strangers that you’ve just met.
View this post on Instagram
“Because you’ll never know, may masabi ka diyan, masyado kayong masaya, masyado kayong emotional, may ikuwento ka, something personal about your life. And then ginamit ‘yun against you.
“’Yun ‘yung mga ganu’ng moments po kasi, na hindi siya naiiwasan in our industry. So, ingat,” ang paalala ni Alden sa isang interview.
Dagdag pa niya, “It doesn’t matter if you have a small group. Kahit bilang sa daliri. Basta these people, mapagkakatiwalaan mo sa lahat. Puwede kang malasing na kasama ‘tong mga taong ‘to.
“Itong mga taong ito, kapag may problema kang kahit 3 in the morning pupunta ‘yan kahit saan ka. Those people are the ones you should treasure and keep in your life, especially when you’re in this industry,” pahayag pa ng Pambansang Bae.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.