Sandara tuwang-tuwa nang muling maka-bonding si Sarah, nagpa-picture pa kasama ang DonBelle; excited na sa ‘SB19 collab’
BITIN na bitin na naman ang pagbisita ng K-pop superstar na si Sandara Park sa Pilipinas kaya looking forward na uli siya sa muli niyang pagbabalik sa bansa.
Pinusuan at ni-like ng libu-libong netizens ang mga litratong ipinost niya sa Instagram na kuha sa isang concert event na dinaluhan niya rito sa Manila na naganap kagabi.
Super happy nga raw siya dahil nakita at nakasama niya uli ang kanyang kaibigan na si Sarah Geronimo at na-meet pa niya ang phenomenal loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
View this post on Instagram
Sabi ni Sandara sa caption ng kanyang IG post, “So happy to see my old friend Sarah and nice meeting you Don&Belle.
“PH Daralings & Blackjacks~!!! Mahal ko kayo. Hope to be back soon~!!!” ang mensahe pa ng Korean star sa milyun-milyon niyang fans all over the universe.
Baka Bet Mo: Sandara minahal ang Pinas ‘sa isip, sa salita at sa gawa’; Vhong madalas umihi kaya nagpalagay ng CR sa sasakyan
Sa nasabing event, sinabi ni Sandara na gustung-gusto niyang maka-collaborate ang Popstar Royalty na si Sarah G na ikinatuwa ng kanilang respective fans.
View this post on Instagram
Excited din niyang ibinalita na tuloy na tuloy na ang bonggang collaboration niya with super P-pop group SB19 ngayong darating na Christmas.
“Gusto ko, gusto ko (collab with Sarah). Pero for now, collaboration with SB19. Sa Christmas pa pero abangan niyo. I’m looking forward to it. I’m really excited,” pahayag pa ni Sandara na unang nakilala sa ABS-CBN reality talent show na “Star Circle Quest” noong 2004,
View this post on Instagram
Nakatakda sanang mag-concert sa bansa sa August 11 sa Mall of Asia Arena, ang Korean singer-actress para sa kanyang “The Super Stage by K-pop” pero nakansela nga ito sa hindi pa malamang dahilan.
Matatandaang noong 2009, naging member ng K-pop girl group na 2NE1 si Sandara na na-disband naman noong 2016.
Lolit Solis todo puri kay Sandara Park: Para siyang tunay na Filipino kung magsalita at kumilos
Sandara Park namangha, napatanong kung bakit hindi pa rin limot ng mga Pinoy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.