Sandara Park namangha, napatanong kung bakit hindi pa rin limot ng mga Pinoy
HINDI makapaniwala Ng South Korean superstar at dating miyembro ng 2NE1 na si Sandara Park dahil hanggang ngayon ay kilala pa din siya ng mga Pinoy.
Sa kanyang tweet ay ipinahayag niya ang kanyang pagkamangha at pagkagalak na kahit ilang taon na siyang wala sa bansa ay kilala pa rin siya ng madlang pipol.
“Question! Pano nyo ba ako naalala hanggang ngayon kahit matagal nako wla sa Phil. Tv show,” tweet ni Sandara.
Pagpapatuloy niya, “Sa halos lahat ng generation, naalala pa nila ako. Kahit sa mall, sa market, sa restuarant, sa lahat ng places kakagulat hehe I’m so happy!!!”
Marami namang mga netiens ang sumagot sa tweet ni Sandara.
Clark photo dump 🌴
Sobrang nakakagulat at nakakaflatter na hanggang ngayon, kilalang kilala pa ako ng mag Pinoy. Maraming salamat sa love & support nyo sakin~!!! 😀🙏🏻 mahal ko kayo~!!! Forever~!!! 🇵🇭♥️ pic.twitter.com/ATnRPrYgzs— Sandara Park (@krungy21) June 8, 2023
Baka Bet Mo: Sandara Park mas gustong maging single kesa magdyowa, may galit nga ba sa mga lalaki?
“Kasi phenomenal ang pagsikat mo accla. Hahaha! Miss you krungkrung!” saad ng isang netizen.
Komento naman ng isa, “Sino ba namang makakalimot sa isang Sandara Park, ang Pambansang Krung Krung ng Pinas.”
Hirit naman ng isa, “A legend will forever be a legend. Mahal na mahal mo kami kaya mas mahal ka namin. From all generations of Filipinos, nag-iisa ka.”
Sa ngayon ay nsa Pilipinas si Sandara para mag-shoot ng Korean variety show na “Idol Truck Project”.
Kasama niyang dumating ang WINNER member na si Jinu pati na rin ang rapper na si DinDin at ang NU’EST members na sina JR at Aron.
Related Chika:
Sandara Park nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; Joross Gamboa may nakakalokang reaksyon
Lolit Solis todo puri kay Sandara Park: Para siyang tunay na Filipino kung magsalita at kumilos
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.