Sandara Park nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; Joross Gamboa may nakakalokang reaksyon | Bandera

Sandara Park nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; Joross Gamboa may nakakalokang reaksyon

Ervin Santiago |January 02,2023
facebook
share this

Sandara Park nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; Joross Gamboa may nakakalokang reaksyon

Ervin Santiago - January 02, 2023 - 12:10 PM

Sandara Park nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; Joross Gamboa may nakakalokang reaksyon

Sandara Park

PAK! PAK! PAK! Ganern! Ganyan inilarawan ng ilang netizens ang  pasabog ng K-pop idol at dating Kapamilya star na si Sandara Park.

Ginulat ng Korean singer-actress ang kanyang mga tagasuporta kabilang na ang mga kaibigan niyang celebrities na ipinost niyang sexy photos sa social media.

Talagag pinusuan at tumanggap ng sandamakmak na positibong komento ang ibinahagi niyang bikini photos sa Instagram pagpasok ng Bagong Taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)


Kuha ang nasabing mga litrato habang nagbabakasyon ang tinaguriang Pambansang Krung-Krung sa isang napakagandang beach sa Bohol.

Makikita ang miyembro ng dating all-female K-pop group 2NE1 na nagtatampisaw sa dalampasigan kung saan ibinilad nga ng dalaga ang kanyang seksi at super flawless na katawan.

Ang tanging caption na inilagay ni Sandara sa kanyang IG photos ay, “Happy new year.”

Sunud-sunod naman ang comments ng kanyang mga IG followers kabilang na ang mga kaibigan niya sa local showbiz.

Sabi ng kapwa niya “Star Magic Quest” graduate na si Joross Gamboa, “Hayyy… ‘Di na kita mapipigilan. Malaki ka na… 2023 na.”

“Dara.. im so proud of you po…. U got it gurl… Always be confident in everything.!”

“Happy new year and hope to hear the new album soon!”

“Happy new year, it’s nice to see that u are more confident now hope also reveal your only one… soon. we love u and we are here to support u always.”

“Dropping this at this hour!? Hot, hot hot!!!”

“Happy new year sa nag iisang krung krung ng pilipinas.”

Yan ang iba pang comments ng netizens sa hot photos ni Dara.

Matatandaang nagpasabog din ng kaseksihan si Sandara noong magdiwang siyang ng kanyang 38th birthday last November kung saan nagbahagi rin siya ng swimsuit photos sa isang beach getaway.

Sa Bohol nagdiwang ng Pasko ang Korean actress at pagkatapos nga nito ay nagtungo naman siya sa Pattaya, Thailand para sa isang New Year countdown event bilang guest performer.

Lolit Solis todo puri kay Sandara Park: Para siyang tunay na Filipino kung magsalita at kumilos

Sandara minahal ang Pinas ‘sa isip, sa salita at sa gawa’; Vhong madalas umihi kaya nagpalagay ng CR sa sasakyan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sandara Park may pa-surprise kay Lolit Solis: ‘Please get well soon para magkita tayo ulit sa Korea!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending