Sandara Park may pa-surprise kay Lolit Solis: 'Please get well soon para magkita tayo ulit sa Korea!' | Bandera

Sandara Park may pa-surprise kay Lolit Solis: ‘Please get well soon para magkita tayo ulit sa Korea!’

Ervin Santiago |August 02,2022
facebook
share this

Sandara Park may pa-surprise kay Lolit Solis: ‘Please get well soon para magkita tayo ulit sa Korea!’

Ervin Santiago - August 02, 2022 - 07:40 AM

Sandara Park at Lolit Solis

TUWANG-TUWA si Manay Lolit Solis sa pa-surprise sa kanya ng K-pop idol at Korean actress na si Sandara Park.

May natanggap kasing video message ang talent manager at online host mula kay Sandara nitong nakaraang araw matapos ngang mabalita ang kanyang pagkakasakit.

Ibinahagi ni Manay Lolit sa Instagram ang ipinadala sa kanyang video ng Korean singer-actress na nagpasaya sa kanya nang bonggang-bongga sa gitna ng kinakaharap na problema sa kalusugan.

Mensahe ni Sandara sa talent manager, “Hello po, Nanay Lolit! Si Sandara po ito. Please get well soon para magkita tayo ulit sa Korea, okay? Hi, Salve, ingat kayo lahat!”

Sa caption na isinulat ni Manay Lolit, nagpasalamat siya kay  Sandara dahil kahit sikat na siya sa Korea ay naaalala at pinahahalagahan pa rin nito ang Pilipinas at ang mga nakatrabaho at kakilala niyang mga Filipino.

Sey ng veteran entertainment columnist, “Sobrang saya ko Salve ng ipadala ni Elena Budingding ang video greeting ni Sandara Park sa atin dalawa. Bongga talaga si Sandara na kahit sa Korea talagang naging mabait sa atin.

“Kaya nga hangang hanga ako sa kanya dahil mas mabait pa siya kesa ibang celebrities eh international ang standing ni Sandara.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


“Kaya nga isa rin sa assets ni Sandara mga katulad ni Elena Budingding na maayos ang pag aalaga sa kanya, kaya hindi nawawala ang bonding niya sa mga friends niya dito sa Pinas. Salamat Sandara, forever grateful,” pahayag pa ni Manay.

Muling bumisita sa Sandara sa Pilipinas para mag-guest sa “Kpop Masterz in Manila 2022” nitong nagdaang Biyernes, July 29, kung saan tampok ang grupong Treasure, at ang GOT7 members na sina Bambam at Jackson Wang.

Sandara minahal ang Pinas ‘sa isip, sa salita at sa gawa’; Vhong madalas umihi kaya nagpalagay ng CR sa sasakyan

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Wish ni Sandara Park ngayong Pasko: Sana makabalik uli ako sa Pilipinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending