Sandara Park naki-join sa mundo ng TikTok, trending ang first dance video: ‘Ayan na si Madam!’
HINDI talaga nagpapahuli sa uso ang South Korean star at tinaguriang Pambansang Krung Krung ng Pilipinas na si Sandara Park.
Dahil ngayon ay pinasok na rin niya ang mundo ng TikTok!
Yes, yes, yes mga ka-Bandera, gumawa na ng sariling account ang K-Pop idol sa nasabing video-sharing app.
At siyempre, dahil mabilis kumalat ang balita ay agad itong dinumog ng kanyang fans.
Dalawang TikTok video pa lang ang uploaded ni Sandara, pero umaani na siya ng mahigit 200,000 followers.
Baka Bet Mo: Sandara Park ‘super excited’ sa solo album, mala-tropical vibes ang peg
Sa katunayan nga, nag-trending agad ang kanyang kauna-unahang dance video.
As of this writing ay mayroon na itong halos 4 million views at kalahating milyon na likes.
Kinaaliwan ng maraming netizens ang pagsasayaw niya ng hit song mula sa dati niyang K-Pop girl group na 2NE1, ang “I am the Best.”
“My first Tiktok video. Many more to come!,” caption ni Dara sa kanyang first video.
@sandarapark.official 원조가 나가신다라😎 #산다라박 #SandaraPark #내가제일잘나가 #IAMTHEBEST ♬ 내가 제일 잘 나가 – 2NE1
Mababasa pa sa comment section ang matinding suporta ng kanyang fans.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Welcome to TikTok Dara! [orange heart emoji] I hope we get more videos from you and also some dance challenges on your upcoming album!”
“I hope you’ll have a lot of dance challenge with other groups [orange heart emojis].”
“Waaahhhh!!!! Welcome to tiktok follow agad [blushing face emojis].”
Kung maaalala, kamakailan lang ay bumisita si Sandara sa Clark sa Pampanga upang i-shoot ang kinabibilangan na variety show.
Samantala, nitong nakaraan lang din ay inanunsyo ng talent agency ng K-Pop idol na maglalabas siya ng debut album sa Hulyo.
Related Chika:
Lolit Solis todo puri kay Sandara Park: Para siyang tunay na Filipino kung magsalita at kumilos
Sandara Park namangha, napatanong kung bakit hindi pa rin limot ng mga Pinoy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.