Anne Curtis inalala ang life journey, feeling blessed sa ‘support system’: I find myself even more motivated!
TILA napa-senti mode ang TV host-actress na si Anne Curtis sa kanyang latest social media post.
Makikita sa kanyang Instagram account ang ilang mga litrato na kung saan ay binalikan niya ang kanyang life journey mula sa pagsisimula niya sa showbiz career hanggang sa naging sikat na artista at magkaroon ng sariling pamilya.
Kasabay niyan ay inihayag ni Anne ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “support system” na siyang gumabay sa kanya.
Sabi pa niya, maswerte siya na biniyayaan siya ng mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya at kabilang na riyan ang kanyang pamilya, mga kaibigan at fans.
“Recently, I reflected on my journey so far, and I realized how lucky and blessed I am to have constant support and encouragement from my friends, my fans, and of course my family,” caption niya sa post.
Baka Bet Mo: Anne Curtis inokray ng netizens sa GMA Gala 2023, nagmukha raw ‘lumpiang shanghai’ sa suot na gown
Lahad pa niya, “I am so so sooooo grateful that I’m living my dream.”
“I have my loving family and the love and support from my fans throughout the years,” patuloy niya.
Sinabi rin ni Anne na ang support system na meron siya ang naging dahilan kaya natutupad niya ang mga pangarap sa buhay.
Sey niya, “When you have a solid support system, ang dami mong talagang magagawa.”
“I find myself even more motivated to go outside my comfort zone, challenge myself, and do more to achieve my biggest dreams,” aniya pa.
View this post on Instagram
Libo-libong fans naman ang napakomento sa post ng aktres at karamihan sa kanila ay naantig sa mga sinabi ni Anne.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“I LOVE YOU, we love love love you so much!!!!! You deserve all the blessings you are always getting dahil sobrang buti ng puso mo [white heart emoji].”
“You will always have us – to support and love you in whatever you wish and love to do. We thank you for continuously seeing the effort we exert for you, but best believe that we do all those because you DESERVE it… we love you ALWAYS.”
“We are grateful also, you’ve been a part of us. You really inspired us @annecurtissmith. Thank you for bringing a smile to our life. You are really a happy pill for us. We love you so much [heart emojis].”
Kung maaalala, taong 1997 pa nang magsimula sa showbiz career si Anne.
Pagkatapos niyan ay opisyal na siyang pumirma ng kontrata with Viva Films at GMA Network.
Ang kauna-unahan niyang pelikula ay ang “Magic Kingdom: Ang Alamat ng Damortis, habang ang una niyang television appearance ay ang drama series na pinamagatang “Ikaw na Sana.”
Related Chika:
Catriona nagselos ba pasabog na love scene nina Sam at Ivana sa ‘A Family Affair’?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.