Aktor na feeling sikat hindi bet suportahan ang mga baguhang artista; Janine, Francine nilantad na magkapatid sa ‘Dirty Linen’
SOBRANG nagugulat kami sa character actor na kaya pala iniwan ng kanyang manager ay dahil bukod sa matigas ang ulo ay feeling sikat pa.
Kung ‘yung ibang aktor ay okay lang silang sumuporta sa mga baguhan o hindi pa gaanong sumisikat ay kakaiba ang bida sa blind item namin dahil hindi niya bet.
“Susuporta lang ako sa sikat, ba’t naman ako susuporta sa hindi sikat?” ito ang katwiran ng character aktor sa bago niyang manager na abut-abot ang paghingi ng pasensya sa producer na kaibigan niya.
Kaya naman pala hindi makasipa ang career ng character actor na ito kahit mahigit isang dekada na siya sa showbiz ay dahil sa ugali nito na feeling sikat.
Kaya pala sa tagal niya sa industriya ay iilan lang ang nagawa niyang pelikula at hindi naman lahat ay lead role.
In terms of acting ay magaling naman talaga siyang umarte pero sa level niya para sa amin ay wala siya sa level na magsabing ayaw niyang sumuporta sa hindi sikat dahil unang-una siya mismo ay hindi rin sikat.
Teka naalala namin, sumuporta na siya sa mga upcoming actors dati kaya anong dahilan bakit ayaw niya ngayon? Choosy na?
Naalala namin ang kuwento ni Konsehala Aiko Melendez sa panayam niya kay Snooky Serna na sobra siyang nagpapasalamat noon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez dahil pumayag itong maging leading man sa pelikulang first starring role niya.
Sabi nga ni konsi Aiko, “Super sikat si Richard noon, nasa top siya ng career niya pero pumayag siyang maging leading man ko, kung tutuusin sino ba ako noon.”
Marami pa kaming narinig na mga premyadong aktor/aktres na sumusuporta sila sa mga hindi sikat dahil gusto nilang ibalik ang pabor noong nagsisimula sila na sinuportahan din sila ng mga sikat.
Wala bang sumuporta sa character actor na ito noong nagsisimula palang siya kaya wala siyang dapat ibalik na pabor.
Tsinek namin ang mga awards ng character actor, susme iisa lang pala. Ano ang dapat niyang ipagmalaki pala?
***
Todo-todo na ang mga rebelasyon sa “Dirty Linen” matapos aminin ni Mila (Janine Gutierrez) kay Chiara (Francine Diaz) ang totoo niyang pagkatao na magkapatid sila sa nalalapit na pagtatapos ng revenge drama series ng ABS-CBN.
Hindi na nakapagtimpi pa si Mila at inilantad na niya na iisa lamang ang ina nila ni Chiara at ang kanyang tunay na identidad bilang Alexa Salvacion, na kasama sa grupong naghihiganti sa mga Fiero para makamit ang hustisya para sa mga mahal nila sa buhay.
Dahil sa mga ini-spluk ni Mila, nasa matinding panganib na ang buhay niya, pati ng kanyang mga kasabwat, dahil ibinulgar na rin ni Chiara sa pamilya Fiero ang sikreto ni Mila at desidido silang pagbayarin si Mila sa panloloko niya.
Bukod sa rebelasyon ni Mila, nabulgar na rin sa serye na hindi pala tunay na Fiero si Feliz (Angel Aquino). Nabuntis kasi si Doña Cielo (Tessie Tomas) ng ibang lalaki at sinikreto niya ito sa lahat kaya hindi na rin sila nabigyan ng ni isang kusing ng mana.
Makakaligtas pa ba si Mila sa kamay ng mga Fiero? Sino ang totoong ama ni Feliz?
Huwag palampasin ang “Dirty Linen” gabi-gabi ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Related Chika:
Mga taong malapit kay Cristine botong-boto kay Marco: ‘Deserve niya ang lalaking paninindigan siya’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.