Jillian Ward first honor nang magtapos sa senior high, gustong maging doktor at abogado; dating inventory clerk CEO na ngayon | Bandera

Jillian Ward first honor nang magtapos sa senior high, gustong maging doktor at abogado; dating inventory clerk CEO na ngayon

Ervin Santiago - July 31, 2023 - 01:33 PM

Jillian Ward first honor nang magtapos sa senior high, gustong maging doktor at abogado; dating inventory clerk CEO na ngayon

Jillian Ward, Shed Garcia at Rabiya Mateo

MARAMING magulang at mga estudyante ang humanga at napa-“sana all” sa mga bagong achievements na nakamit ng Kapuso young actress na si Jillian Ward.

Bukod kasi sa tagumpay na tinatamasa ng kanyang afternoon series sa GMA 7 na “Abot-Kamay Na Pangarap“, naka-graduate na rin siya sa senior high school and with highest honors pa.

Ibinahagi ng dalaga sa Instagram graduation picture niya suot ang toga habang hawak ang kanyang diploma at first-honor certificate mula sa Homeschool of Asia Pacific (HAP), na affiliate ng Sanston Academy, na naka-base sa Texas, USA.

Aniya sa caption, (na mula sa isang linyahan sa anime series na Full Metal Alchemist), “A lesson without pain is meaningless. That’s because no one can gain without sacrificing something—but by enduring that pain and overcoming it, you shall obtain a powerful, unmatched heart.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Sa panayam naman ng GMA, nabanggit ni Jillian na, “Sobrang symbolic po e, na nasa gala po ako tapos graduation ko po so kumbaga, I feel super blessed kasi na-balance ko din po ‘yung school and ‘yung work.”

Balak daw ng young actress na kumuha ng business course sa college o kaya’y  kumuha ng law, ang magdoktor tulad ng role niya sa “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Narito naman ang mensahe ni Jillian sa lahat ng mga working students tulad niya, “Fight, fight, fight lang ng fight and tandaan n’yo lang kung ano ba ‘yung nagbibigay sa inyo ng drive.

“Kung minsan pagod kayo or tinatamad na kayo, tandaan n’yo lang ‘yung nagpapa-inspire sa inyo. Kasi ako, nagpapa-inspire sa akin sina mama, papa, so lagi kong ginagalingan talaga sa work and pati na rin sa studies ko and para maabot ‘yung mga pangarap ko,” paalala pa ni Jillian.

Samantala, dahil sa pagiging role model ng mga kabataan, parami rin nang parami ang mga endorsements ni Jillian, kabilang na nga riyan ang beauty brand na Perfect Formula.

Baka Bet Mo: Jillian Ward sa pagbili ng ‘dream car’ na milyun-milyon ang halaga: I think deserve ko na po yun

In fairness, isa talaga si Jillian sa mga prinsesa ng GMA lalo pa’t ang kanyang teleserye na “Abot-Kamay Na Pangarap” ang number one ngayon sa ratings game kaya naman maraming kumukuha sa kanya bilang brand ambassador.

Tulad na lang ng kumpanya na pagmamay-ari ng tinaguriang The Woman of Action na si Shed Garcia na nagsimula last July 30, 2021 sa beauty industry, bilang isang start-up brand na perfect para sa all skin types.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Ang nasabing brand ay matagal nang naka-tie up sa Brilliant Skin Essentials by Miss Glenda, ang isa ring lady boss na pinsan ni Miss Shed.

Si Miss Shed ay isa sa mga pioneering staff ng Brilliant Skin Essential since 2016 — former production staff, inventory clerk, logistics coordinator, production manager, at ngayon nga ay isa nang CEO ng sarili niyang brand.

Hindi lang ang mga pangarap ni Miss Shed ang nabigyan ng chance but also the online sellers that have been part of her trusted brand. Yan din ang paniniwala ni Jillian at ng isa pang ambassador ng naturang brand, ang beauty queen-actress na si Rabiya Mateo.

Sa pagse-celebrate ng kanilang second anniversary, na may temang #SweetVicTWOry, ibinalita ni Miss Shed ang ilang awards na nakuha nila nitong mga nagdaang taon at ang kanilang pagbandera sa international skincare market na nagsimula sa Malaysia.

The company has already established three international business partners and 943 distributors in the country.

Bukod pa iyan sa nakuhang Exemplary Women CEO of the Year sa Asean Excellence Achievers Awards 2022 at Woman of Dedication and Remarkable Business Leader mula sa Maharlikang Filipino Awards 2023.

Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jillian Ward ibinandera ang bagong sports car, binansagang ‘Kylie Jenner ng Pinas’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending