Luis Manzano 'sinasaktan' ni Baby Peanut: Sana mailapit ko ito kay Sen. Tulfo | Bandera

Luis Manzano ‘sinasaktan’ ni Baby Peanut: Sana mailapit ko ito kay Sen. Tulfo

Therese Arceo |July 27,2023
facebook
share this

Luis Manzano ‘sinasaktan’ ni Baby Peanut: Sana mailapit ko ito kay Sen. Tulfo

Therese Arceo - July 27, 2023 - 11:59 PM

Luis Manzano 'sinasaktan' ni Baby Peanut. Sana mailapit ko ito kay Sen. Tulfo

TAWANG-TAWA na naman ang mga netizens sa kwelang hirit ng TV host na si Luis Manzano sa social media.

Ibinandera kasi nito ang video niya ng pakikipagkulitan sa kanilang anak ni Jessy Mendiola n si Isabella Rose o mas kilala ng madlang people bilang si Baby Peanut.

Makikita sa video na naglalaro ang mag-ama habang nakahiga saisang playing map at tila fresh pa mula sa pagkakagising dahil naka-pajama pa si Luis at Isabella.

Mapapansin rin na inaaliw ng “I Can See Your Face” host na inaaliw nito ang anak sa pamamagitan ng isang laruan.

Makikita naman na pilit inaabot ni Baby Peanut ang laruan na hawak ni Luis dahilan para matamaan ang mukha ng ama ng maliliit na kamay ng anak.

Baka Bet Mo: Luis rumesbak nang ikumpara sila ni Jessy kina Drew at Iya sa pagiging magulang: ‘Kung maka-comment ka naman akala mo ikaw magpapadede sa bata

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sana malapit ko kay Sen Tulfo to, sinasaktan ako ni Isabella Rose Tawile Manzano [kapag] walang tao,” saad ni Luis sa caption ng kanyang post.

“Sorry nalang anak na aabot na to reklamo,” dagdag pa niya.

Marami naman sa mga netizens ang natawa at nakisakay sa kwelang trip ni Luis sa comment section.

“Hehe..cute naman..naku mas papanig pa si sen.tulfo kay bebe rosie sa sobrang.cute. hehe,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa,”Hahaha ang cute ng terno pajama mo Luis akala ko ikaw yung baby.”

“Sana magkabati na kayo bago pa mahuli Ang lahat,” sey naman ng isa.

Hirit naman ng isa sa post ni Luis, “pag ang ank sinasaktan sabi dinidisiplina lng daw,pro pag ank nanakit ng magulang ippa tulfo na. just for fun.”

Well, hindi naman ito ang unang pagkakataon na bumanat ang TV host sa social media.

Kamakailan lang ay havey na havey ang post ni Luis kung saan tinatanong niya ang inang si Vilma Santos kung si Michael Jackson ba ang ama nito at kung alam ito ng kanyang daddy na si Edu Manzano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot ni Ate Vi sa anak, “Yesssss anak !!! Sorry … I kept it a secret . Now you know … He is your father !!! Happy ????”

Related Chika:
Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n’yo na niyuyurakan ang pagkatao ko

Luis Manzano kinuwestiyon si Vilma, nagduda kung sino ang tunay na ama: Hihingi ako ng paliwanag

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending