Chynna Ortaleza may paalala sa mga nanay kapag nagkasakit ang anak: 'Do not delay, bring your child to the doctor ASAP' | Bandera

Chynna Ortaleza may paalala sa mga nanay kapag nagkasakit ang anak: ‘Do not delay, bring your child to the doctor ASAP’

Ervin Santiago |July 20,2023
facebook
share this

Chynna Ortaleza may paalala sa mga nanay kapag nagkasakit ang anak: ‘Do not delay, bring your child to the doctor ASAP’

Ervin Santiago - July 20, 2023 - 07:20 AM

Chynna Ortaleza may paalala sa mga nanay kapag nagkasakit ang anak: 'Do not delay, bring your child to the doctor ASAP'

Chynna Ortaleza, Kean at Salem Cipriano

NAKAHINGA na nang maluwag ang actress-producer na si Chynna Ortaleza ngayong medyo okay na ang kundisyon ng anak nila ni Kean Cipriano na si Salem.

Ibinalita ng Kapuso actress na dinala nila sa ospital ang bagets kamakailan dahil sa karamdaman nito kaya naman talagang inatake na naman siya ng stress dahil sa matinding pag-aalala bilang nanay.

Nag-post si Chynna ng litrato ng anak na kuha sa loob ng hospital room nito na naka-smile patunay na bumubuti na ang kalagayan nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza)


May picture din na ibinahagi ang aktres kung saan binabantayan naman si Salem ng kanyang tatay.

Ang caption na isinulat ni Chynna sa kanyang IG post, “That Smile…

“I just want to take this time to thank our pedia @docbistek & the formidable team of ER doctors, nurses & patient care representatives at SLMC-QC for helping us get his smile back.

Baka Bet Mo: Kean binalikan ang proposal kay Chynna: Alam kong gusto mong tumakbo palabas ng pinto nu’ng lumuhod ako, pero buti na lang naka-lock!

“It is so sad when your child is ill & in distress. Today, he is much better.. and I thank God that He has instilled the seed of gratefulness despite the circumstances in us. Our faith remained strong,” mensahe pa ng celebrity mom.

Pinaalalahanan din niya ang lahat ng mga magulang na umaksyon agad kapag may nakita o naramdaman na silang parang may mali sa kanilang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza)


“All I can say is trust your instinct…it is rarely wrong. Parents know when something is off. Do not delay, bring your child to the doctor asap.

“To the many parents who are also fighting with their kids. Stay strong & wishes of complete healing be upon your family.

“We humbly ask that you include Salem in your prayers. We claim in the mighty name of Jesus that he will make a complete recovery with no further complications. Amen!” ang pahayag pa ni Chynna.

Marami naman sa kanyang IG followers ang nangakong ipagdarasal nila ang total recovery ni Salem, kabilang na riyan ang mga kapwa niya celebrity mommy na sina Iza Calzado at Saab Magalona.

Bukod kay Salem, may isa pa silang anak ni Kean, ang kanilang panganay na si Stellar. Ikinasal sila via civil wedding noong 2015 at muling nagpakasal muli sa simbahan dalawang taon ang nakalipas.

Chynna, Kean takang-taka kung bakit tinamaan pa rin ng COVID: Ang mahal magpa-RT-PCR! Aguy!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kean may ginagawa kay Chynna kaya happy ang pagsasama: Siya lang ang may kaya, I swear!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending