ChiKapalaran (July 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (July 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - July 17, 2023 - 06:59 AM

ChiKapalaran (July 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

HELLO there, Ka-Bandera! Cancer season is about to end. Naging emotional na ba ang lahat dahil sa ulan? Nasa playlist na ba ang “Raining in Manila”? Chareng! Huwag papahuli sa latest at siyempre sa huwag ring kalilimutang basahin ang iyong ChiKapalaran this week!

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Arat na!

ARIES (March 21-April 19)

Sizt, ako lang ba o talagang nawawalan ka na ng gana ngayon sa work, sa love, pati na rin sa personal mong buhay?

Habang maaga pa, agapan mo na ang nawawalang driver sa buhay. Baka it’s time to revisit your goals para ma-ignite ulit ang desire mo to excel sa mga bagay bagay. Or maybe, resigning and looking for a new work environment is the answer. Ikaw ang makakasagot niyan.

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 16

Song of the day: Minsan by Munimuni

TAURUS (April 20-May 20)

Wala namang madali sa Earth, marse. Kaya kung ano man ‘yang ganap mo sa ngayon, kung mahirap man, for sure ay worth it ang yan kapag nalagpasan mo.

Hindi naman ito ang unang dagok sa buhay na nalagpasan mo. Ngayong ka pa ba bibitaw? Matitigas ulo natin, dapat in character lang tayo lagi.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 29

Song of the Day: Ex by Callalily

GEMINI (May 21-June 20)

O ano? Ikaw na naman? Chareng. Kumusta ka na? Masaya ka ba sa pag-iwan mo sa kanya? Worth it ba? Hindi. Personalan na ‘to. Chariz.

Wala namang tama o mali sa mundo. Nasa sa ‘yo naman ‘yun kung paano mo paninindigan ang desisyon mo. Kung anuman ang naging dahilan para bumitiw, as long as sumaya ka noong pinalaya mo, wala kang dapat ipaliwanag sa mundo.

Lucky Color: White

Lucky Number: 3

Song of the Day: Captivated by IV of Spades

CANCER (June 21-July 22)

Hindi masamang manahimik paminsan-minsan. What if try mo? Hindi naman kasi palaging kailangan ng opinyon mo sa ilang bagay. Sapat na minsan ‘yung makinig ka, sumang-ayon.

Huwag mong gawing kakumpetensya ang mga taong dapat kakampi mo. Sure ka bang kaya mo panindigan ‘yan? Naku, naku!

Lucky Color: Green

Lucky Number: 15

Song of the Day: Paligoy-ligoy by Nadine Lustre

LEO (July 23-August 22)

Ay si anteh, ginawa na namang personality ang “all eyes on me, I’m the best in this room” vibes.

From 1 to bida bida, pwede kang pumalit kay Jollibee. Ayaw mong gawing personality ang “Ako’y tahimik lang sa umpisa” ni Mommy Oni? Malay mo, mag-work. Try mo lang. Please. Puro boombastic side eye na natatanggap mo sa madlang pipol. Do you want more?

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 23

Song of the Day: Ako Na Lang by Zia Quizon

VIRGO (August 23-September 22)

Lo and behold, Virgo is here to slaaaaay! This is your moment na matagal nang inaantay. Kumapit ka sa mga pasabog. Handa ka na ba?

Deserve naman ang lahat ng paparating na blessing dahil ilang breakdown rin ang naganap bago ang big day! Congratultions, mima! Beke nemen. Char!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 14

Song of the Day: Eroplanong Papel by December Avenue

LIBRA (September 23-October 22)

Alam mo, okay ka naman e. Ginagawa mo naman ‘yung best mo. You exert effort to make your life a journey worth taking.

Pero hindi kasi laging nasa atin ang panig ni universe. Hindi tayo palaging panalo. Pero tuloy lang. Ang mahalaga, lumalaban ka nang patas.

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 10

Song of the Day: Maybe The Night by Ben & Ben

SCORPIO (October 23-November 21)

Napakaharot mo naman, sister. Hirap mo ka-bonding. Pati sa tropa na dapat kaibigan mo lang, kinikilig ka. Naku, tigil mo na ‘yan. Baka mamaya mag-level up ka into delulu person.

Tandaan, hindi porke pinakitaan ka nang kabutihan ay bet ka na. Malay mo naman, wala lang sa kanya ‘yun. Ikaw lang tong maglalagay ng meaning. Sabi nga sa accounting, “Do not assume unless otherwise stated.”

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 29

Song of the Day: Pwede Ba by Lola Amour

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Sabi ng universe, magpahinga ka. Bakit ayaw mong makinig? Kaya mo na ba buto mo? Chareng.

Mami, mahirap kapag ‘yang katawan mo bigla kang binawian. Iyak malala ka talaga pag siya na ang nag-decide na mag-leave ka sa work. Saan ka ba takot? For sure your work mates will step up kapag wala ka. Magpahinga ka. Periodt.

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 7

Song of the Day: Nararamdaman by Better Days

CAPRICORN (December 22-January 19)

Hindi porke ka-zodiac sign n’yo si Papa Jesus e mag-a-attitude kayo dyan. Emz.

Mi, makinig naman kayo sa iba n’yong kasamahan. It doesn’t mean naman na porke may suggestion sila ay kinakalaban ka na agad. Working as a team nga kayo di ba? edi sana individual kung ayaw mo makinig. Panget kalaro.

Lucky Color: Teal

Lucky Number: 16

Song of the Day: Alas Dose by Cup of Joe

AQUARIUS (January 20-February 18)

Taray naman ng beshy ko na yan. Mapapa-sana all na lang talaga ang madlang pipol sa pagka-winner mo in life.

Deserve na deserve mo ‘yan. Basta huwag ipapasok sa ulo ang yabang. Stay grounded, mga kekisaurs!

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 18

Song of the Day: Babalik Sa ‘yo by Moira dela Torre

PISCES (February 19-March 19)

Huwag ka kasing paligoy-ligoy sa nararamdaman mo. Kaya ka nasasaktan e. Ayun na ‘yung chance, sis. Tinanong ka na kung anong gusto mo. Bakit ang sagot mo “Hindi ko alam” kahit alam naman natin parehas na alam mo ang sagot.

O, huwag kang umiwas. Kinakausap pa kita. Bakit pabebe tayo? 2023 na. Sabi nga ng frenny ko, “say what you mean and mean what you say”. Ayusin mo ‘yan bago pa mawala. Iniinis mo ko talaga. Hmp.

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 22

Song of the Day: Umaasa by Calein

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday, memsk! Nawa’y ma-enjoy n’yo ang inyong kaarawan sa kabila ng malulan na weather at sana may ka-cuddle para mas bongga. Siyempre pwede kayong lumamang this week kasi birthday n’yo. Next week, tama na kayo. Chikaaaa.

Small steps man yan, ang mahalaga umuusad ka. Muli, maligayang kaarawan!!!!! Sending pasabog na confetti with matching balloons!!

Lucky Color: Gold

Lucky Number: 30

Song of the Day: Raining in Manila by Lola Amour

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Other ChiKapalaran:
ChiKapalaran (June 26-July 2,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (July 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

ChiKapalaran (July 10-16, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (June 12-18,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending