ChiKapalaran (July 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (July 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - July 03, 2023 - 06:42 AM

ChiKapalaran (July 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

RISE and shine, madlang ka-Bandera! Tapos na ang buwan ng Hunyo. Nakaanim na buwan na tayo, kumusta naman ang goals sa buhay? Ok lang kung hindi mo pa naa-achieve ang lahat. Mahaba pa ang taon, ang mahalaga, umuusad. Huwag kang mag-alala, ChiKapalaran got chu!

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay.

 

ARIES (March 21-April 19)

From 1-10, gaano tayo ka-productive todaaay? Forda grind ang mga fersons! Good yan! Tuloy-tuloy mo lang ang pagsusumikap mo sa buhay basta huwag kalilimutang magpahinga pa rin, ok?

Mukha ring smooth lang ang ganap sa relasyon nyo ng dyowa mo dahil parehas kayo ng mindset. Laban para sa nakakalokang ekonomiya!

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 11
Song of the day: Akala by Marion Aunor

TAURUS (April 20-May 20)

Sizt, it’s time to take a risk. Matagal mo nang dini-delay ang pagtanggap ng opportunity na ibinibigay sa ‘yo. Sige ka, baka magtampo ang universe!

Wala ka namang dapat ikatakot dahil nasa tamang daan ka. Oras na para lumabas sa comfort zone mo kung gusto mo mag-grow. Let go, mare. Move on na sa bagong chapter ng buhay. Kaya mo ‘yan!

Lucky Color: Black
Lucky Number: 20
Song of the Day: Rainbow by Southborder

GEMINI (May 21-June 20)

Bakit ka nagpapa-stress sa buhay eh nasa healthy relationship ka naman? Gusto mo lang ba maki-join sa hype?

Huwag mong palakihin ang problema kaka-overthink mo. Mahal ka nu’n. Busy lang siya ngayon pero ikaw pa rin ang bebe niya, tanong mo pa kay Skusta Clee. Chareng.

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 15
Song of the Day: Zebbiana by Skusta Clee

CANCER (June 21-July 22)

Sana ol may mabuting dyowa. Paalala ko lang na huwag na ‘yang pakawalan dahil sa mundo ng red flags, isa ang dyowa mo sa rare finds.

Well, ang dapat mong intindihin ngayon ay ang work dahil may promotion na magaganap. Make sure na kasali ka! Go beshy!

Lucky Color: Orange
Lucky Number: 22
Song of the Day: Imahe by Magnus Haven

LEO (July 23-August 22)

Yes, kabilang ang Leo sa mga may kwentong maganda at swerte sa dyowa! Paano ba naman kasi, sa isang tingin pa lang ay alam n’yo na agad kung anong gusto ng bawat isa. Hindi rin kayo toxic sa relasyon n’yo kaya naman talagang happy ang life.

Pero kahit na masaya ka sa iyong lovelife, wag mong kakalimutan na health matters. Bantayan mo ang lifestyle mo dahil napapailing na sa ‘yo ang universe. Kuha mo?

Lucky Color: White
Lucky Number: 19
Song of the Day: Sige by 6 Cyclemind

VIRGO (August 23-September 22)

Minsan bumusina rin tayo sa mga pinagsasasabi natin. Kasi kahit sabihin mong hindi mo intensyong makasakit, makakasakit ka pa rin kung hindi ka magiging sensitive sa sinasabi ng iba.

Kung patuloy ka naman sa ganyang ganap, paniguradong away lang ang kalalabasan at walng papanig sa ‘yo. Kaya sana bawasan mo na ang pagiging mahadera.

Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 11
Song of the Day: The Day You Said Goodnight by Hale

LIBRA (September 23-October 22)

May regalo sa ‘yo ang universe na for sure ay talagang ikaka-happy mo! Paano ba naman kasi, matagal mo na ring pinapatunayan na deserve mo ito kaya now is the time for you to shine bright like a diamond. Eme.

Basta kapag may kumatok sa pinto, pagbuksan mo! Pati mga bintana, para dire-diretso ang pasok ng swerte! Well deserved!

Lucky Color: Red
Lucky Number: 8
Song of the Day: Tadhana by Up Dharma Down

SCORPIO (October 23-November 21)

Nasa phase ka ng buhay na perfect na ang lahat. May maayos kang work, may mapagmahal na dyowa, may masayang support system.

Huwag mo nang isipin ang mga masasamang salita na ibinabato nila sa ‘yo. Mas kilala mo ang sarili mo.

Lucky Color: Gray
Lucky Number: 14
Song of the Day: A Love To Share by Rivermaya

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Communication is the key pero wag kang mag-subtweet sa Twitter para magparinig sa dyowa mo. Idaan mo sa maayos na usapan, mars.

Kung sa tingin mo ay na-offend ka talaga sa ginawa niya, communicate properly. Hindi naman mareresolba ang mga bagay kung palaging kikimkimin unless balak mong maging sexbomb na sasabog na lang bigla. Di magandang trip yan, beshy.

Lucky Color: Gold
Lucky Number: 3
Song of the Day: Sleep Tonight by December Avenue

CAPRICORN (December 22-January 19)

Taray naman ng mga sismars ko! Check na check lahat ng mga nasa bucket list. Well, dasurb naman lalo na’t talagang pinaghirapan mo ang lahat. Hindi ka rin nakakalimot na magpasalamat kaya talagang pinagpapala ka.

Basta keep up the good work. Dasurb na dasurb!

Lucky Color: Indigo
Lucky Number: 15
Song of the Day: Will You Ever Learn by Typecast

AQUARIUS (January 20-February 18)

Sana ol may dilig. Halaman ka bhie? HAHA. Bakit naman po masyado kang nakakalamang? Chareng.

Basta huwag kalilimutang maging responsable kung ayaw mong magkaroon ng delay sa mga goals n’yo. Wag puro saya at sarap, mahirap na pag nagkaroon ng responsibilidad tapos hindi ka pa handa. Ayaw natin yan!

Lucky Color: Violet
Lucky Number: 7
Song of the Day: Director’s Cut by Kamikazee

PISCES (February 19-March 19)

Express your feelings, mare! Go and confess kung ano man ang nararamdaman mo.

Inaantay ka lang niyang maunang magsabi pero matagal na niyang alam na may something ka sa kanya. Di ka naman mare-reject kasi malandi rin siya. Eme! Basta go lang nang go. Ilaban mo na yan para makuha mo na ang korona! Go, mami!

Lucky Color: Indigo
Lucky Number: 29
Song of the Day: Alipin by Shamrock

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday, beshy! Sana masaya ka ngayon sa iyong kaarawan! Huwag kang masyadong mag-overthink sa sa future mo. Universe got chu! Just do your best and it will lead you to places! Magbubunga rin ang iyong paghihirap. Trust the process.

Lucky Color: Beige
Lucky Number: 24
Song of the Day: Walang Hanggan by Quest

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
ChiKapalaran (June 26-July 2,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (June 5-11,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending