ChiKapalaran (June 5-11,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
GOOD morning, mga Ka-Bandera! Happy pride month! Bangon na, mga badeeeng! Lunes na naman. So siyempre, here’s your ChiKapalaran!
Nawa’y nakapag-beauty rest ka nitong weekend at easyhan mo lang this week dahil siyempre, long weekend is waving! Huwag papa-stress! Deadma sa mga panget na bashers.
As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Tru? Tru!
ARIES (March 21-April 19)
Take it slow, marekoy! Bakit naman nagmamadali tayo sa buhay? May time limit ka ba? May taxi ba sa lobby? May sundo?
Hingang malalim muna. Breathe in, and out, and let it all out. Chareng. Tandaan, hindi kasalanan maging mabagal. Dahan-dahan sa pangarap. Mahirap pag kalusugan ang kalaban.
Lucky Color: Black
Lucky Number: 1
Song of the day: So slow by Freestyle
TAURUS (April 20-May 20)
In order to have peace, be at peace pero dahil winawarshock ka, saktan mo na! Chareng.
Mars, tama na ang kaka-subtweet at kausapin mo nang mahinahon ang nagpapakulo ng dugo mo. Sabi nga sa paborito kong podcast, “communication is the key” para maging maayos ang buhay pero kung hindi naman maayos kausap yang nang-iimbyerna sa ‘yo, sikuhin mo na. Dasurv.
Lucky Color: White
Lucky Number: 28
Song of the Day: Gento by SB19
GEMINI (May 21-June 20)
Besh, napaka-workaholic naman natin for today’s vidyow. Hindi na natutuwa ang katawan mo sa ginagawa mo sa buhay.
Gets naman na marami kang goals sa buhay. Sino bang wala? Pero kalmahan mo lang. Kung maka-work, ikaw ba tagapagmana? Pahinga ka rin minsan. Bili ka milktea tsaka burger. Eme.
Lucky Color: Orange
Lucky Number: 3
Song of the Day: Paubaya by Moira dela Torre
CANCER (June 21-July 22)
Sabi nila, imagination mo ang limit pero sabi ng universe, amaccana!
Sis, know your limits and also, impose limits. Aba, hindi porke mabait ka e ito-tolerate mo lang ang kagaspangan ng ugali ng iba. Gumanti ka. Sabi nga nila, don’t get mad. Get even! 2023 na. Hindi na uso ang bidang inaapi.
Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 4
Song of the Day: Dadalhin by Regine Velasquez
LEO (July 23-August 22)
Yes. Consistent tayo sa pagiging bibo kid. Pero gurl, balewala ang pagiging creative kung hanggang talking stage ka lang. Dapat after mo na-visualize, put an effort para mag-materialize! Hindi puro kuda.
Work muna before kuda, mare. Saka na ang angas pag achieve na ang goals. Let them know na you are better than that. Okaaaay?
Lucky Color: Blue
Lucky Number: 14
Song of the Day: Hindi Tayo Pwede by The Juans
VIRGO (August 23-September 22)
Balita ko nawawalan ka raw ng gana at tiwala sa sarili na malalagpasan mo ang mga kinakaharap mong pagsubok? I think tama na ang self-doubt.
Kaya mo yan. Hindi ka pinalaki ng sexbomb para bumawi. Isang get get aw naman dyan! Trust yourself, mars.
Lucky Color: Green
Lucky Number: 21
Song of the Day: Teka Lang by Emman
Baka Bet Mo: ChiKapalaran (May 29-June 4,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
LIBRA (September 23-October 22)
Besh, totoo ba ang balita na balak mong maging bayani? Dyusme, balak mo pa atang magkaroon ng sariling rebulto bilang tagasalo sa lahat ng problema ng mga nakapaligid sa ‘yo.
Time to choose yourself, mami. Piliin mo kung sinong mga tao ang sinasalba mo. Hindi ka lifeguard. Baka kakasalba mo sa kanila, ikaw naman ang malunod. Tama na. 2023 na. Dapat matuto silang mag-swimming sa agos ng life.
Lucky Color: Sky Blue
Lucky Number: 12
Song of the Day: Masyado Pang Maaga by Ben & Ben
SCORPIO (October 23-November 21)
From 1-10, gaano ka-indecisive yarn? Sizt, hindi lang sa ‘yo umiikot ang mundo kaya wala nang bawian kung nakapag-decide ka naman na. Touch move ka dyan. Dapat sa una pa lang inisip mo na agad nga desisyon mo sa buhay.
Kung magkamali, edi charged it to experience. Minsan kailangan mo ring manindigan. It will help you grow.
Lucky Color: Beige
Lucky Number: 13
Song of the Day: Urong Sulong by Regine Velasquez
SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Girl, 2023 na. Don’t let your fears hinder your future. Bakit ka ba natatakot? Nakakita ka ba ng multo sa corridor? O wala ka lang tiwala sa sarili mo?
Hindi ikaw yan, mars! Ilaban mo yan. Huwag kang matakot sumubok. Ang buhay ay isang malaking lotto, hindi ka mananalo kung hindi ka tataya. Sabi ni universe, it’s time. Jump!
Lucky Color: Gray
Lucky Number: 29
Song of the Day: You’re On Your Own Now by Taylor Swift
CAPRICORN (December 22-January 19)
Nakapag-muni muni na ba ang lahat? Ok lang naman na ma-miss mo ang isang tao. Siyempre naging mahalaga siya sa ‘yo peri huwag mo nang balikan. Ok na e. Nakausad ka na. Bakit ka pa babalik sa toxic na set-up?
Ok lang magbaliktanaw pero bawal na mag-U turn. Move forward. May darating na para sa ‘yo. Wait ka lang sa waiting shed. Eme.
Lucky Color: Red
Lucky Number: 18
Song of the Day: Mabagal by Daniel Padilla
AQUARIUS (January 20-February 18)
Kanya-kanyang timing yan. Huwag kang mainggit sa iba kung nagiging successful na sila. Sa halip, maging masaya ka for them. Darating rin ang tamang timing for you kaya huwag mong sukuan ang laban.
Mas magaan sa dibdib kung walang inggit at galit. Trust the process. Nauna lang sila peri hindi ibig sabihin, huli ka na.
Lucky Color: Indigo
Lucky Number: 8
Song of the Day: Bulong by December Avenue
PISCES (February 19-March 19)
Hingang malalim, beshywaps. Why panic? It’s organic. Chareng. Kung nalilito ka at medyo tingin mo ay may mali sa mga ginagawa mo, wag kang magpanic. Imbes, isipin mo kung saan ka nagkamali at gawan mo ng remedyo.
Easy ka lang. Baka kaka-panic mo mawalan ka ng hininga dyan. Gawan ng paraan. Universe gotchu!
Lucky Color: Lilac
Lucky Number: 19
Song of the Day: Binhi by Arthur Nery
THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS
Happy birthday, mga nakshies! Ang sabi ni universe, it’s ok to celebrate pero piliin kung sino nga ba ang dapat isama pagdiriwang.
May mga tao kasi na nandyan lang kapag masaya prro kapag hirap ka na, wala silang pakialam. It’s time for you to cut off people, ka-Bandera. It’s hard pero it will be fine. Shot!!!
Lucky Color: Purple
Lucky Number: 6
Song of the Day: Lips of An Angel by Hinder
Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.
Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.
Related Chika:
ChiKapalaran (May 15-21, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
ChiKapalaran (May 1-7, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.