ChiKapalaran (May 1-7, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (May 1-7, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo |May 01,2023
facebook
share this

ChiKapalaran (May 1-7, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - May 01, 2023 - 06:27 AM

ChiKapalaran (May 1-7, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
HELLO, Ka-Bandera! Buwan na ng Mayo! May 1 and only bebe ka na ba? Chariz. Don’t worry, kung wala pa ang THE ONE for you, narito naman ang ChiKapalaran para gabayan ka sa linggong ito!

Siyembre bukod sa ito ang unang araw ng May, ito rin ang araw ng mga manggagawa! Nawa’y nakuha mo today ang pahingang kinakailangan mo dahil dasurv na dasurv mo yan!

Siyempre, hindi lang maayos na pahinga ang ating dasurv. Nawa’y ibigay rin sa atin ng universe ang competitive salary and benefits na kasing competitive natin! Amen? Amen!

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay.

Positive vibes at good news lang ang hatid ng ating ChiKapalaran for this week at please hydrate yourselves! Sobrang init. Sabi nga ni Mimiyuuuh, drink your water bhiE.

ARIES (March 21-April 19)
Communication is the key, mars! So bakit ka natatakot na kausapin siya para ayusin ang gusot n’yo? Hindi ka pinalaking ganyan ng Sexbomb kaya tigilan mo na yan at ayusin n’yo ang awayan n’yo ng dyowa/bestfriend mo.

Huwag mong iwasan. Harapin mo. Kasi kung patuloy kang iiwas, mas palalakihin mo lang ang gulo. Tingin mo na worth it yan para sa sakit ng ulo?

Lucky Color: Violet
Lucky Number: 9
Song of the day: Narda by Kamikazee

TAURUS (April 20-May 20)
Isang opportunity ang darating sa buhay mo kasabay ng pagsisimula ng buwan ng Mayo, sizt! Kaya take the leap at huwag kang matakot! Go lang nang go!

Minsan lang darating ang oportunidad na ito kaya explore! Wala namang masama kung susubukan mo ang mga bagay dahil mag-iiwan rin ito ng mga aral at memories na paniguradong dadalhin mo for life! Laban mo na ‘yan! Enjoy the ride!

Lucky Color: Red
Lucky Number: 18
Song of the Day: Sige by 6cyclemind

GEMINI (May 21-June 20)
Nag-iisip ka ba on whether to let go or to hold on? Whether tao, feelings, o bagay man yan, pakawalan mo na. Huwag ka nang mag-overthink.

If you think it doesn’t spark joy anymore (Marie Condo ka, gurl?) pakawalan mo na. Malay mo naman, they are also waiting for you to let go. Hindi kayo ang may problema. May mga taong pinagtatagpo lang pero hindi meant maging parte ng buhay. Shot puno!

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 25
Song of the Day: Magbalik by Callalily

CANCER (June 21-July 22)
Laban o bawi? Atras abante? Mii, hirap na hirap mag-decide, yarn?

Ang maipapayo ko lang, kahit gaano ka ka-comfortable sa isang bagay o isang sitwasyon pero tingin mo ay naaabuso ka na o hindi ka na masaya, leave. You are what you tolerate. Kung sa tingin mo, ok lang mabayili dahil pamilyar ka na sa proseso, pinagkakaitan mo ang sarili mong matuto.

Be it sa work, life, or love, always choose what’s good for you!

Lucky Color: Black
Lucky Number: 30
Song of the Day: Hari ng Sablay by Sugarfree

LEO (July 23-August 22)
Ang positibong pananaw mo in life ang magdudulot sa ‘yo ng success in the near future! Tuloy mo lang ‘yan, mare. You are born to succeed so go lang, mumsh. Pasasaan pa’t makakamit mo rin ang lahat ng desirecng iyong puso. Basta huwag gagawa ng ikasasama ng iba. Ayaw ng universe ‘yan!

Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 5
Song of the Day: Kahit Pa by Hale

VIRGO (August 23-September 22)
Besh, may darating na malaking dagok sa buhay mo so you better plan ahead. Dapat ay ready ka with your short-term at long-term plans.

Hindi kasi sigurado kung gaano katagal ang epekto ng paparating na pagsubok. Mas ok na ang ready ka. And always choose yourself whatever happens, ok? You’ll make it, promise!

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (April 24-30, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Lucky Color: Orange
Lucky Number: 27
Song of the Day: Jeepney by Spongecola

LIBRA (September 23-October 22)
Learn to control yourself, Libra! Asan ang disiplina natin dyan? Huwag na nating hayaan na ang iba pa ang magsabi ng mali sa atin lalo na kung napapansin mo naman nang hindi maganda ang ginagawa mo.

Mas okay nang self-aware at may self-discipline tayo kaysa makarinig ka pa ng mga hindi magagandang words sa iba lalo na’t wala naman silang ambag sa life mo. Work it out, mate!

Lucky Color: Indigo
Lucky Number: 12
Song of the Day: Kisapmata by Rivermaya

SCORPIO (October 23-November 21)
Isang masigabong palakpakan na may kasamang sigawan! Congrats, mare! Ginagalingan mo in life!

Hands down ako sa sipag mo sa buhay sa kabila ng naparami mong responsibilidad sa buhay. Kaya naman hindi na kataka-taka na naa-achieve mo ang mga pangarap mo sa buhay. Good job! Huwag lalaki ang ulo.

Lucky Color: Green
Lucky Number: 3
Song of the Day: Pangarap Lang Kita by Parokya Ni Edgar

SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Ready ka na ba sa bagong chapter na kakaharapin mo? Naku, mars! Oras na para harapin ang bagong plot twist in life.

For the mean time, try mo munang hanapin ang sarili mo bago mo harapin ang bagong chapter ng kwento ng buhay mo.

Kailangang alam na alam mo na ang gusto mo in life st kung anong magpapasaya sa ‘yo dahil wala nang atrasan kapag nag-next level ka na. So sis, go, soul searching na sa Boracay!

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 24
Song of the Day: Pare Ko by Eraserheads

CAPRICORN (December 22-January 19)
Uyy, gets naman na nakakatakot ang mag-isa at maiwan pero darating talaga sa life na maiiwan ka at mag-isang kakaharapin ang bagong ganap sa buhay.

Masakit man pero ito ang reyalidad. Mayroon talagang mauuna pero hindi naman ibig sabihin na naiwan ka ay hanggang doon ka na lang. Turn this sad story to a wonderful success story! Huwag mong iwan ang sarili mo kahit iniwan ka na ng lahat. Oki?

Lucky Color: Brown
Lucky Number: 16
Song of the Day: Alipin by Shamrock

AQUARIUS (January 20-February 18)
Walang perpektong bagay sa mundo. Kahit gaano pa yan takpan ng pera at karangyaan, for sure ay hindi ito 100% perfect unless ikaw si Lord.

So it’s ok to enhance your skills and improve the way you view things in life. Kung sa tingin mo, makakatulong ang pagpapagupit at pagpapakulay para sa ikasasaya ng puso mo, go! Support! You do you.

Lucky Color: Lilac
Lucky Number: 8
Song of the Day: Torete by Moonstar88

PISCES (February 19-March 19)
Bakit ang lungkot mo na naman, mars? Sino nanait sa ‘yo? Tara, ako na sasapak.

Kung ano man ang pinagdaraanan mo, dasurv. Chareng. Ok lang yang mga mali mong desisyon sa buhay. Kung nagkamali ka man, edi lesson learned. Basta huwag mong masyadong isipin na porke ganyan ang nangyari ay wala nang igaganda pa ang susunod. Trust the process, mars. Ulit sa simula, little steps! Aja!

Lucky Color: Maroon
Lucky Number: 8
Song of the Day: Lintik by Brownman Revival

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS
Happy birthday, mga Ka-Bandera! Sana ay may mga nabawas na sa inyong checklist lalo na’t napakaraming nagdaang long weekend.

Speaking of long weekend, nawa’y habaan n’yo pa ang pasensya n’yo para sa katuparan ng pangarap n’yo! Universe got your back, mga mamser! Basta galingan n’yo lang in life. Sabi nga nila, good things come to those who wait and persevere!

Lucky Color: Gray
Lucky Number: 17
Song of the Day: Akap by Imago

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

Previous ChiKapalaran:
ChiKapalaran (April 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (April 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

ChiKapalaran (April 10-17, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending