ChiKapalaran (April 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (April 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo |April 03,2023
facebook
share this

ChiKapalaran (April 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - April 03, 2023 - 06:55 AM

ChiKapalaran (April 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

HELLO, ka-Bandera! Happy 1st Monday of the month! Ngayon ang simula ng Mahal na Araw. It’s time to reflect and repent sa lahat ng mga kasalanang nagawa, intentionally or unintentionally man.

As always, narito ang iyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay.

Tara na at simulan ang linggong ito sa ChiKapalaran para sa nag-uumapaw na positive vibes na hatid ng ating mga baraha.

ARIES (March 21-April 19)

Bes, huwag ka nang mag-overthink. Hindi bagay sa ‘yo. Hayaan mo na ‘yun, ang mahalaga, nagawa mo ang best mo. E ano kung hindi nila na-appreciate? Ang mahalaga, you don’t lose yourself in pleasing other.

Magiging successful ka rin tapos hu u na sila after! Parang ‘di ka naman nag-grade 2 n’yan!

Lucky Color: White

Lucky Number: 11

Song of the day: Pasensya Ka Na by Silent Sanctuary

TAURUS (April 20-May 20)

You’re workmate is not your friend kaya ‘wag kang masyadong mag-open up ng mga nararamdaman mo. May mga tao dyan na naghihintay lang ng tamang moment para itulak ka sa kabiguan.

Well, on the brighter side, isang magandang balita ang matatanggap mo today. Hindi man super bongga, at least may rason para ngumiti ka. Di ka na magiging choosy dyan, bhiE!

Lucky Color: Black

Lucky Number: 2

Song of the Day: Champagne Supernova by Oasis

GEMINI (May 21-June 20)

Ipagpatuloy mo lang ‘yang maganda mong ginagawa kahit na ang reason mo sa pagbabago ay ang “Dirty Linen” at “The Glory” na napanood mo.

Eventually, kahit mali naman ang naging simula mo, magiging maganda rin ang outcome nito. Sabi nga nila, change is coming. Keep it up, bessy!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 24

Song of the Day: Kahit Kailan by South Border

CANCER (June 21-July 22)

Someone will come into your life pero hindi ito possible dyowa a! Darating siya sa buhay mo para maging boss mo at eventually maging mentor mo. Embrace it wholeheartedly. Hindi lahat ay mapalad na mabigyan ng gagabay at tututok sa ‘yo para sa career growth mo.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 5

Song of the Day: Jopay by Mayonnaise

LEO (July 23-August 22)

BhiE, bakit ba puro pera na lang ang ginagawa mong solusyon sa lahat ng bagay? Kahit ba mataas ang inflation ngayon, may mga problema na ang sagot ay aksyon at hindi pamumudmod ng salapi.

Wala ka naman sa Philippines Top 1%. Tigil mo na ‘yan. Mag-ipon ka pero kung ayaw mo, sa akin mo na lang ipadala. Hindi naman ako tatanggi! Kimmy!

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 17

Song of the Day: Pangarap Lang Kita by Parokya Ni Edgar

VIRGO (August 23-September 22)

Ang dami nating talak about others sa Twitter ah. Ang side line mo ba ay maging ranterist? Eme.

Ok lang nmaan mag-rant. Valid ang feelings mo pero huwag mo naman gawing personality. Kung may problema, learn to communicate. Pag ayaw pa rin talaga, ipakulam mo na. Chariz!

Lucky Color: Magenta

Lucky Number: 23

Song of the Day: All Too Well (Taylor’s Version) by Taylor Swift

LIBRA (September 23-October 22)

Yes naman, patingin nga ng mukhang committed dyan. Edi sana ol na lang po, ano?

Well, wala ka namang masyadong problema this week. Nanatili ka lang loyal sa partner mo, magiging masaya ang buhay mo!

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 4

Song of the Day: Alapaap by Eraserheads

SCORPIO (October 23-November 21)

Masyado kang maraming gusto sa buhay kaya hindi sapat sa ‘yo ang manatili sa Pinas kaya gagawin mo ang lahat para makapunta ng ibang bansa.

Wala namang masama kung pipiliin mongagtrabaho doon basta huwag mong kakalimutan kung saan ka nagmula. Basta size 9 ako a!

Lucky Color: Green

Lucky Number: 20

Song of the Day: Pinoy Ako by Orange and Lemons

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Holy Week ngayon kaya huwag mong idamay ang ibang tao sa pagiging workaholic mo.

I-try mong magnilay-nilay this week kasi kakautos mo sa ibang katrabaho mo na excited na magbakasyon, baka ikaw na ang ipako nila sa krus. Reflect reflect rin. Hindi ka tagapagmana, amaccana!

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 9

Song of the Day: Migraine by Moonstar 88

CAPRICORN (December 22-January 19)

Beshy, gamitin mo ang super long weekend para magmuni-muni sa buhay. Siguraduhin mo lang na after mo mag-reflect ay may gagawin kang aksyon para ma-solve ang mga katanungan mo sa buhay.

Huwag kang matakot. Kung magkamali ka man, edi congrats! Charge it to experience. Ganon talaga ang buhay, minsan parang life.

Lucky Color: Maroon

Lucky Number: 15

Song of the Day: Rainbow by Sourh Border

AQUARIUS (January 20-February 18)

Alam kong plano mong mag-resign. O, kinakausap kita ‘wag mo kong iwasan. Wala namang masama sa pagre-resign kung feeling mo ay stagnant na ang iyong career.

At yang career shift na iwino-worry mo? Naku! Kaya mo yun at iyon ang mas makatutong sa ‘yo para maging financially stable, ilaban mo na! Go, mami!

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 8

Song of the Day: Pagdating ng Panahon by Ice Seguerra

PISCES (February 19-March 19)

Mami!! Di na kita ma-reach! Sakit mo sa leeg tingalain.

Congratulations dahil nag-level up ka na talaga! Hindi na ikaw yung batang umiiyak sa CR dahil nasabihan ng “never enough” ng boss mong napakatamad. Happy for you! Keep slaying, bessy! Isang flip nga ng hair dyan! Pak!

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 29

Song of the Day: Sandalan by 6Cyclemind

FOR TODAY’S BIRTHDAY CELEBRATOR

Happy Birthday sa inyo mga kapatid! Ang regalo sa ‘yo ng universe ay assurance kaya naman kung ano mang kinatatakutan mo, elbow mo na yan! Deadma na lang sa bashers! Grab that opportunity!

Basta shot puno pa rin tayo kahit anong mangyari! Deserve mong sumaya!

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 17

Song of the Day: Summer Song by Silent Sanctuary

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

Past ChiKapalaran:
ChiKapalaran (March 27-April 2, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending