ChiKapalaran (October 16-22,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (October 16-22,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo |October 16,2023
facebook
share this

ChiKapalaran (October 16-22,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - October 16, 2023 - 08:42 AM

ChiKapalaran (October 16-22,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
GOOD morning, mga Ka-Bandera! It’s Monday again. Tandaan, 70 days na lang Pasko na! And as always, ChiKapalaran got chu!

Narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Fighting!

ARIES (March 21-April 19)

Hindi ka naman nagpapautang pero bakit ninanakawan ka ng credit? Chareng but hehe, I remember so many people! Basta beshy, be alert lang sa mga nakakasalamuha mo sa bawat araw. Minsan akala mo kaibigan, ‘yun pala data gathering ang peg kaya ka nilalapitan.

Maraming user-friendly sa paligid, ‘yung super friendly pero gagamitin ka lang for their own good. Mag-ingat!

Lucky Color: Violet
Lucky Number: 3
Song of the Week: Taralets by Imago

TAURUS (April 20-May 20)
Kung ang buhay mo ay magiging pelikula, kailangan mong kumuha ng maraming extra dahil palagi ka na lang napaliligiran ng mga “Marites”.

Lahat ay nakatutok sa pa-grand rdveal ng dyowa mo kahit na ang totoo, ikaw rin ay waiting kung kailan darating si Mr. Right, chareng. Don’t worry, makakatagpo ka rin ng mamahalin magiging plus one mo lagi sa bawat ganap. Isang taimtim na dasal lang.

Lucky Color: Green
Lucky Number: 17
Song of the Week: Gemini by Spongeca

GEMINI (May 21-June 20)

Tama muna tayo sa pagiging adult at huwag munang mag-isip at mag-decide ukol sa mga bagay bagay sa ngayon. Back track ka muna kung ito nga ba ang landas na plano mo para sa life. Kaya mo yan. Ikaw pa ba? Doble kara ka nga di ba? Charot.

Lucky Color: Red
Lucky Number: 5
Song of the Week: Prinsesa by 6cyclemind

CANCER (June 21-July 22)

Susubukin ng lahat ng tao sa paligid ang pasensya mo. Gulatin mo sila, magwala ka kahit wala pa silang ginagawa. Echos!

Maraming ituturo ang universe sa myo ngayong linggo. Siguraduhin magbaon ng mahabang pang-unawa dahil student ang peg mo for today’s vidyow.

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 23
Song of the Week: Narda by Kamikazee

LEO (July 23-August 22)

Hindi naman Pasko pero bakit masyado kang pinagpala this week? ‘Wag kakalimutang maging grateful sa bawat blessings at ‘wag kakalimutang mag-share siyempre. Hindi tayo magiging selfish, ok?

Laging tandaan na ang taong mapagbigay ay mas lalo pang pinagpapala. Amen? Amen!

Lucky Color: Brown
Lucky Number: 25
Song of the Week: Pagdating Ng Panahon by Ice Seguerra

 

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (October 9-15,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

 

VIRGO (August 23-September 22)

Mag-ingay para sa pagpasok sa iyong clout chaser era, bessy! For da upgrade na ang atake mo dahil sawang-sawa ka nang magtago sa dilim kaya naman unti unti mo nang ina-unleash ang pagiging si Jollibee mo.

Oks lanc yan, this is your opportunity para makaahon sa kahirapan. Basta pag may sponsorship ka na, send PR package ah? Char.

Lucky Color: Black
Lucky Number: 7
Song of the Week: Sugod by Sandwich

LIBRA (September 23-October 22)

Ang bills ay hindi nauubos pero ang pera mo kaunti na lang. Hindi sapat na nasa isip mo lang ang gusto mong changes. Make a move! Labas sa comfort zone mo kung bet mong magbago talaga ang life.

Kayang-kaya mo yan. Ikaw pa ba?

Lucky Color: Purple
Lucky Number: 27
Song of the Week: Kahit Pa by Hale

SCORPIO (October 23-November 21)

Kung nakita mo na ang prospect mo, it’s not bad to make a first move. Ang ego natin ay minsan ibinababa natin for true love.

Nasa point ka na ng buhay na hindi ka na into playing games at dahil nga nag-uumapaw ang pagmamahal na meron ka, bet mong mahanap ang taong para sa ‘yo.

Lucky Color: White
Lucky Number: 8
Song of the Week: Alipin by Shamrock

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Gets naman na dapat hungry pa rin tayo sa knowledge and skills pero ikaw papunta ka na sa part na hindi na justifiable ang sctions. Chill.

Slow down. May deadline ka ba? May nag-aabang bang taxi sa lobby? Nalalapit na ba ang end of the world? Mars, grabe ka naman dyan sa part na hindi ka makuntento sa buhay mo. Life is short so don’t make it shorter. Baka mamaya sa ospital na ang maging meet up n’yo ng friends mo kaka-work hard mo sa life.

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 11
Song of the Week: So Sick by Ne-yo

CAPRICORN (December 22-January 19)

Litong-lito ka ba sa sitwasyon mo sis? Gamitin mo na ang paladesisyon skills mo sa buhay at pumili kung ano bang gusto mo talaga.

Mukhang walang plano si universe na i-assist ka kaya ikaw na bahala, bhie. Napapagod rin daw siya. Malaki ka na, kaya mo na yan!

Lucky Color: Green
Lucky Number: 2
Song of the Week: You Got It All by MYMP

AQUARIUS (January 20-February 18)

Sabi nila, “Time is the ultimate truth teller” at mukhang this is your moment na! At ito na nga rin ang magpapalaya sa ‘yo.

Make friends with Toni Fowler and play her music. Mukhang kakailanganin mo ng lemon dahil gusto mo ng tequila. Hahaha. Masakit now, magaan later. Basta kung ano man yan, sabi nila, ang mabigat, gumagaan pag binibitawan.

Lucky Color: Orange
Lucky Number: 9
Song of the Week: MPL by Toni Fowler

PISCES (February 19-March 19)

Time to bounce back from your setback, ka-Bandera! This is your time para mag-heal sa mga unsaid traumas. Ito na ang moment to recover sa lahat ng sakit na ipinadama sa ‘yo.

Choose yourself this time. Kaya mo to.

Lucky Color: Indigo
Lucky Number: 21
Song of the Week: Beer by Itchyworms

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS
Happy birthday sa inyo mga sismars! Another year older but not wiser? Chareng. Nawa’y kasabay ng pagtanda ay isabay rin ang pagiging matured. Pwede ba ‘yun?

It’s ok to be childish pero sana ay huwag naman all the time. Anyways, enjoy your day, mga accla!

Lucky Color: Maroon
Lucky Number: 30
Song of the Week: HBD by Donnalyn Bartolome

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

Iba Pang ChiKapalaran:
ChiKapalaran (September 25-October 1, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

ChiKapalaran (October 2-8,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending