ChiKapalaran (September 25-October 1, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (September 25-October 1, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo |September 25,2023
facebook
share this

ChiKapalaran (September 25-October 1, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - September 25, 2023 - 07:00 AM

ChiKapalaran (September 25-October 1, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

WHAT’S up, mga ka-Bandera? Ready na ba kayong magbasa ng ChiKapalaran?

It’s Libra season, mga accla! Panahon na ng mga taong hindi marunong mag-commit pero napakagaling lumandi. Tama? Tama!

Lunes na naman. Malapit na ang sahod. Mawala ka. Sa ngayon, water mukbang muna hanggang katapusan. Chareng.

Naritong muli ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. We got chu!

ARIES (March 21-April 19)

Mare, may magbabalik sa iyong buhay. Hindi ito ex-landi kundi utang na matagal mo nang hindi nababayaran.

Hindi ka na makakatakas this time dahil hahabulin ka nito hanggang sa dulo ng walang hanggan. Kaya habang may extra ka pa, magbayad ka na para peaceful ang pagtulog sa gabi.

Di ba gusto mo ng come back na malupit? Be careful what you wish for dahil isang malaking red flag sa buhay mo pero gustong gusto mo ang manunumbalik sa buhay mo.

Susubukan ng universe kung marupok ka pa rin. Huwag kang bibigay. Hindi ka pinalaki ng sexbomb para bumawi.

Lucky Color: Red

Lucky Number: 15

Song of the Week: Stars by Callalily

TAURUS (April 20-May 20)

From 1-100, gaano ka kagastos? Nako, sis! Iwasan mo na ang pagiging impulsive mo dahil hindi nakaka-pretty ‘yang pagiging gastusera. Pati tuloy budget mo para sa ibang bagay, nagagalaw mo na.

Hindi porke malapit nang mag-Pasko ay paptunayan mo kung gaano ka kagastador. Iwasan mo yang pagiging impulsive mo, hindi yan nakaka-pretty.

Palala nang palala ang inflation, huwag kang masyadong maging palaban. Magpatalo ka na, mami. Masyado kang competitive. This is your sign na mag-ipon.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 9

Song of the Week: Money by Lisa

GEMINI (May 21-June 20)

Lumabas ka. Hang-out with friends. Mag-sign up sa dating app. Masyado nang magulo ang mundo para maging malungkot. Landi lang nang landi! Mahahanap mo rin ang taong para sa ‘yo.

Hindi mo deserve ang magmukmok kaya bangon bangon rin pag may time at humanap ng harot para sa masayang buhay! Eme!

Lucky Color: Black

Lucky Number: 12

Song of the Week: Style by Taylor Swift

CANCER (June 21-July 22)

Kung ako sa ‘yo, i-file mo na ang natitira mong vacation leave at mag-flysung ka na pa-Boracay o Siargao para sa afam! I-angat ang bandera ng Pilipinas.

Oras na para maghanap ng the one. Time is ticking, maiiwanan ka kaya go na!

Lucky Color: White

Lucky Number: 27

Song of the Week: Chinito by Yeng Constantino

LEO (July 23-August 22)

Naghahanap ka ba ng sign kung sino ang dapat sagutin sa mga manliligaw mo? Wow. Sana all ay madaming suitors!

Take your time na mamili at i-test mo silang lahat kung sino ba talaga ang makaka-jive mo. Piliing mabuti kung sino ang the one dahil yan rin ang magiging greatest heartbreak mo kung hindi ka mag-iingat.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 25

Song of the Week: Tulad Mo by TJ Monterde

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (September 18-24, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

VIRGO (August 23-September 22)

Oras na raw kasi para ikaw naman ang mag-first move sa kalandian mo. Tama na ang pagiging pabebe.

Ayaw yan ng universe. Ilabas mo na ang pangmalakasang outfit at simulan mo na ang umawra. Waiting na si Kupido kung kanino ka ipapana. Basta wear sunscreen mga bhie.

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 27

Song of the Week: Hanggang Kailan by Orange and Lemons

LIBRA (September 23-October 22)

Kakasabi mo na hindi ka ready mag-commit, talagang hindi ka makakaranas ng commitment dahil aayawan ka na ng mga possible landi mo!

Oras na para magseryoso kung gusto mong makaranas ng true love. Stop na sa mga “no strings attached”, tumatanda ka na. Amaccana accla!

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 21

Song of the Week: Rampa by Vice Ganda

SCORPIO (October 23-November 21)

Makakahanap ka ng bagong tao at magkakaroon kayo ng kakaibang koneksyon. Mahahanap niyo sa isa’t isa ang bagay na matagal n’yo nang ipinagdarasal kaya sis, go mo na yan! Laban!

Basta ako, sana all na lang talaga.

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 7

Song of the Week: How To Love by Lil Wayne

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Imbes na inaantay mo ang message niya, mag-focus ka na lang sa sarili at sa iba pang nagpapasaya sa ‘yo like friends. Hindi pa bet ng universe na pumasok ka sa relasyon. Sarili daw muna bago landi.

Bukod pa rito, malapit na ang Pasko, gastos lang yan. Ibili mo na lang ng panghanda ang dapat pambili ng regalo sa kanya.

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 26

Song of the Week: Miss Independent by Ne-Yo

CAPRICORN (December 22-January 19)

Bakit masyado mo namang pinaghihigpitan ang partner mo sa mga bagay na magpapasaya sa kanya?

Oras na para mag-reflect at isipin kung worth it ba yang pagiging mahigpit mo dahil for sure pag nasakal yan, iiwan ka nyan. Gusto mo ba ‘yun? Di ba hindi? Kaya ayusin mo mga desisyon mo sa buhay.

Ang pagmamahal ay mapagpalaya. Kung hindi ganon ang pagmamahal mo, baka mamura ka ng partner mo. Chareeeeng!

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 12

Song of the Week: Set You Free by MYMP

AQUARIUS (January 20-February 18)

Ayon sa message ng universe, on the way na ang matagal mo nang inaasahan na true love. Well, long overdue naman na talaga kaya deserve na deserve mo. Madidiligan ka na mars, congrats! KIMMY!

May mga struggles along the way. Tatagan mo lang ang loob mo dahil magiging masaya rin kayo sa huli eventually.

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 4

Song of the Week: Lucky by Jason Mraz

PISCES (February 19-March 19)

Mamsh, tropa talaga kayo ni Taurus no? Parehas kayong impulsive. Nakakaloka! Anak ba kayo ni Henry Sy? O baka naman parte kayo ng royal family?

Tigilan na ang pagbili ng mga bagay ma hindi mo naman kailangan. Sa umpisa ka lang naman happy dyan. Sa huli itatambak mo lang. Be wise sa pag-spend. Maraming taong nagugutom, isipin mong maigi ang mga desisyon sa buhay.

Lucky Color: Maroon

Lucky Number: 16

Song of the Week: Billionaire by Bruno Mars

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Congratulations, mamser! Plus one ka na naman sa edad! Deserve mo ang isang masarap na food kaya go na! Ipa-deliver mo na yan. Deadma na sa mga bashers. Birthday mo, ikaw ang bida for today!

Pero sana iwasan na ang pagiging immature sa mga bagay bagay at huwag na ring magparinig sa Facebook. Wala siyang pake sa ‘yo HAHAHAHAH. Sa tru lang.

Lucky Color: Red

Lucky Number: 19

Song of the Week: Birthday by Katy Perry

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iba Pang ChiKapalaran:
ChiKapalaran (September 4-10, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (August 21-27, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending