ChiKapalaran (September 4-10, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (September 4-10, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo |September 04,2023
facebook
share this

ChiKapalaran (September 4-10, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - September 04, 2023 - 07:00 AM

ChiKapalaran (September 4-10, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

RAINY morning, ka-Bandera. Nawa’y maayos ang inyong lagay sa kabila ng hagupit ng bagyong Hanna. Huwag mag-alala dahil hatid namin ang inyong horoscope sa ChiKapalaran na paniguradong bubuo sa inyong linggo.

September na. Ready ka na bang mangaroling? O baka naman sa sobrang bored mo ay nakapag-grocery ka na para sa noche buena? Kimmy!

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Arat na!

ARIES (March 21-April 19)

Ano ang atake natin ngayon, mare? Bakit malungkot ang beshy ko? Haha. Sarili dapat ang inuuna kaya wag jang mag-overthink kung ginawa ko ang isang bagay para sa sarili mo.

Huwag lang puro pagtapal about material things at i-prioritize mo rin ang feelings mo.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 10

Song of the Week: We Belong by Toni Gonzaga

TAURUS (April 20-May 20)

Bakit ka stressed, accla? Dapat deadma na sa bashers lalo na kung hindi mo naman sila kasing ganda.

May mga bagay na pinoproblema at may mga bagay na pinapalipas. Hayaan mo na yang taong iniinis ka. Bored lang yan. Kukunin rin ni San Pedro yan. Eme!

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 21

Song of the Week:

GEMINI (May 21-June 20)

Mars, gulatin mo ‘yung mga walang bilib sa ‘yo, bilhin mo na ‘yung matagal mo nang gustong bilhin.

Hindi naman porke hindi priority ‘yang gusto mo ay ise-set aside mo na. Minsan kailangan rin nating i-reward ang sarili natin lalo na kung alam natin na deserve naman.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 18

Song of the Week: Jealous by Nina

CANCER (June 21-July 22)

Sizt, nasobrahan ka ata sa self-love lately? Masyado mong pinapaniwala ang sarili mo na very very important ferson ka sa buhay ng iba at leading to delulu era ka na?

Check the label rin, sizt. Baka mamaya maimbyerna na lang ang kasamahan mo sa ‘yo at masampolan ka sa pagiging delusional mo. Time check ka muna!

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 4

Song of the Week: Through the Rain by Mariah Carey

LEO (July 23-August 22)

Sizt, si Hanna ‘yung bagyo pero parang gusto mo ikaw ang sentro? Ano pagbibida-bida yan?

Ok lang naman i-mask ang feelings lalo na kung sa tingin mo ay hindi ito makkatulong sa ‘yo pero medyo tagilid rin ‘yung gagawin mong main character palagi sarili mo na kahit spotlight na dapat ng iba, ipinupunta mo pa sa ‘yo. Tamaccana, oki?

Lucky Color: Green

Lucky Number: 28

Song of the Week: Ngiti by Ronnie Liang

Baka Bet Mo:  ChiKapalaran (August 21-27, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

VIRGO (August 23-September 22)

Bakit ba masyado kang obsessed sa pagiging perfect? Hindi mo ba natutunan noong elementary ang famous line na “Nobody’s Perfect?” Stop ka na.

Kahit anong pilit mo, hindi naman palaging aayon sa ‘yo ang universe. Pero kung yan talaga ang trip mo, bahala ka na. Kwento mo ‘yan, siyempre bida ka dyan.

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 16

Song of the Week:

LIBRA (September 23-October 22)

Sa ngayon, focus on yourself. Healing takes time kaya naman huwag ka na masyadong mag-overthink at isipin mo na lang kung paano ka magiging ok.

Hindi biro ang mga dagok lately kaya naman deserve mo ang pahinga. You got this, little soldier!

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 20

Song of the Week:

SCORPIO (October 23-November 21)

You are not alone marecakes kaya huwag tayong maging feeling loner. Gets naman na minsan mas masaya talaga ang gawin ang mga bagay bagay na mag-isa pero kung kailangan mo ng tulong, huwag mahihiyang magsabi.

Marami ang mga willing na magbigay ng tulong. Two heads are better than one! Make meaningful connections, sizt!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 13

Song of the Week: Closed You and I by Gino Padilla

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Mami, gawin mo na! Go! Ilaban mo na yan! Huwag mo na ‘yang patagalin! Sabi nga ni universe, push!

Sundin mo na ang puso mo at for the sake of your happiness and better mental health, laban! Boom karakaraka!

Lucky Color: White

Lucky Number: 27

Song of the Week: Mahal na Mahal by Sam Concepcion

CAPRICORN (December 22-January 19)

Huwag mong hayaan ang sarili mo na makahon sa isang lugar o isang bagay. Laging piliing lumabas sa comfort zone.

Hindi man madali pero ipagpapasalamat ng future self mo ang hindi pagpapasindak sa takot at ang pilit na pag-achieve ng mga bagay na hindi mo akalaing kaya mo pala. Gulatin mo lagi ang sarili mo. You got this!

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 22

Song of the Week: Destiny by Jim Brickman ft. Jordan Hill and Billy Porter

AQUARIUS (January 20-February 18)

Sis! Ito na ‘yun! Sa itinagal-tagal ng idinasal mo gabi-gabi, finally! Abot kamay mo na anv lahat.

Huwag mo lang kalilimutan ang mga taong naging parte ng pag-abot mo sa pangarap mo pati na rin ang mga naging payo nila. Hindi magiging madali ang next chapter ngunit paniguradong malaking tulong Ng mga advice nila para makapagpatuloy ka. Aja, besh!

Lucky Color: Teal

Lucky Number: 5

Song of the Week: The Only One by REYNE

PISCES (February 19-March 19)

Hayaan mo na ‘yun. Tapos naman na. Huwag mo na masyadong dibdibin. Hindi man pabor sa ‘yo ang pagkakataon ngayon, malay mo sa susunod, ikaw naman ang panalo. Kanya-kanyang episode lang ‘yan sa buhay.

At habang inaantay mo ang blessing na para sa ‘yo, maging masaya ka muna sa success ng iba. Cheer up! Ang para sa ‘yo ay paparating na. Tiwala lang, mag-TikTok ka muna.

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 3

Song of the Week: Starting Over Again by Toni Gonzaga

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday, beshie! May mga bagay na sa ngayon ay kinukuwestiyon mo kung para nga ba talaga sa ‘yo pero huwag kang mag-alala dahil kung ano man ang natatanggap mo, deserve mo!

Enjoy your special day at palagi mong tatandaan na you are worth it! Tama? Tama!

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 12

Song of the Week: You Are My Song by Regine Velasquez

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iba Pang ChiKapalaran:
ChiKapalaran (July 31-August 6, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (August 7-13, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending