ChiKapalaran (November 13-19, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (November 13-19, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo |November 13,2023
facebook
share this

ChiKapalaran (November 13-19, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - November 13, 2023 - 07:17 AM

ChiKapalaran (November 13-19, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

GOOD morning, mga Ka-Bandera! Ilang linggo na lang, Pasko na! Sana’y nakapagpahinga ka nang maayos, Na-miss mo ba ang ChiKapalaran? Na-miss mo ba ang ChiKapalaran? We got chu!

Narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Arat na!

ARIES (March 21-April 19)

Hindi masasagot ng isa pang pagkakamali ang naunang pagkakamali kaya tigil mo na ‘yan, accla.

Matuto kang tanggapin ang consequences ng mga maling gawi mo sa life. Ginawa mo ‘yan e. Dapt panindigan mo. Kung dadagdagan mo ng isa pang mali, hindi ka ba natatakot sa mas malaking balik? Ngayon pa lang, itama mo na yan. Huwag mo nang hintayin na balikan ka nang malala.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 6

Song of the Week: B.A.B.A.Y by Yeng Constantino

TAURUS (April 20-May 20)

Mami, dapat deadma lang sa bashers lalo na kung hindi mo naman sila kasing ganda. Chrue? Chrue!

Piliin mo lang ang mga bagay na dapat pinoproblema at mga dapat hinahayaan na lang. Kung may mga taong iniinis ka, bored lang ‘yan. Malay mo, bukas o sa makalawa, kunin na rin yan ni San Pedro. Kimmmmy!!

Lucky Color: Green

Lucky Number: 19

Song of the Week: Ere by Juan Karlos

GEMINI (May 21-June 20)

Beshy, hindi sapat na i-add to cart mo lang yan. Checkout mo na ‘yan agad! Gulatin mo ang mga taong walang bilib sa ‘yo! Chareng.

Minsan sa buhay, kailanga mo ring bigyan ng reward ang sarili mo dahil deserve mo rin ang sumaya, kahit pa sa pinakamababaw na paraan. Ang importante, hindi galing sa nakaw ang pera mo unlike others. Eme!

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 15

Song of the Week: Buko by Jireh Lim

CANCER (June 21-July 22)

Bhie, masyado ka na atang nakakalimot at puro na lang self-love lately at nakalimutan mo nang may laan si Lord para sa ‘yo.

Naku! Huwag mo naman sanang hayaan na lagpasan ka ng pagkakataon na makita ang tamang tao para sa ‘yo dahil sa kaka-“single is life” mo. Lumabas ka. Matuto kang lumandi uli! Goooo!

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 23

Song of the Week: Ayokong Tumanda by Itchyworms

 

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (October 16-22,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

 

LEO (July 23-August 22)

Mars, bakit naman Jollibee ang atake mo for today’s vidyow? Tandaan mo, hindi ikaw ang bida para sumaya ang lahat!

Tamaccana, accla. Pwede bang ipagpiban muna natin ang pagiging bibo? Day-off muna tayo. Oks ba yun? Itulog mo na muna yan.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 8

Song of the Week: Ikaw Lamang by Silent Sanctuary

VIRGO (August 23-September 22)

From 1-100, gaano tayo ka-perfectionist? Hindi ka ba aware sa famous line na “Nobody’s perfect”?

Tandaan mo na hindi palaging nakaayon sa atin ang universe. Pero kung ‘yan naman ang trip mo sa buhay, go lang. Siyempre dapat bida ka sa kwento ng buhay mo. Char!

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 13

Song of the Week: Hiling by Mark Carpio

LIBRA (September 23-October 22)

Healing takes time, sis. Focus ka lang sa sarili mo. Huwag mong masyadong ino-overthink ang mga bagay bagay at ang dapat mong i-prioritize ay ang paghilom mo.

Alam naman nating hindi biro ang iyong mga pinagdaanan. Ipahinga mo ‘yan. You’ve got this.

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 10

Song of the Week: Heaven Knows by Orange & Lemons

SCORPIO (October 23-November 21)

May mga bagay na mas masaya naman talagang gawin mag-isa pero huwag mong kalilimutan na may mga taong handa kang puntahan sa oras na kailangan mo ng tulong.

Huwag kang mahihiyang magsabi. Tandaan mo na, two heads are better than one! Make meaningful connections and memories.

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 9

Song of the Week: Iris by Goo Goo Dolls

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Mami, gawin mo na! Go! Ilaban mo na yan! Huwag mo na ‘yang patagalin! Sabi nga ni universe, push!

Sundin mo na ang puso mo at for the sake of your happiness and better mental health, laban! Boom karakaraka!

Lucky Color: White

Lucky Number: 27

Song of the Week: Mahal na Mahal by Sam Concepcion

CAPRICORN (December 22-January 19)

Kahit gaano man kahirap ang buhay, lagi mong pipilling i-challenge ang sarili mo. Always go out of your comfort zone, oks?

Hindi madali ang magiging proseso pero paniguradong papasalamatan mo ang sarilo mo kapag na-achieve mo ang mga bagay na hindi mo inaakalang keri mo pala. Kaya mo yan. Ikaw pa ba?

Lucky Color: Lavander

Lucky Number: 14

Song of the Week: You’re Losing Me by Taylor Swift

AQUARIUS (January 20-February 18)

Sa itinagal-tagal ng idinasal mo gabi-gabi, finally! Abot kamay mo na ang lahat. Sana ay huwag mong kalilimutan ang mga taong naging parte ng pag-abot mo sa mga pangarap mo.

Hindi magiging madali ang next chapter ngunit paniguradong malaking tulong Ng mga payo nila para makapagpatuloy ka. Laban, besh!

Lucky Color: Gold

Lucky Number: 15

Song of the Week: Oks Lang Ako by J Roa

PISCES (February 19-March 19)

Tapos na. Hayaan mo na ‘yun. Huwag mo na masyadong dibdibin. Hindi man pabor sa ‘yo ang pagkakataon ngayon, malay mo sa susunod, ikaw naman ang panalo.

Kanya-kanyang episode lang ‘yan sa buhay. Habang inaantay mo ang blessing na para sa ‘yo, maging masaya ka muna sa success ng iba. Ang para sa ‘yo ay paparating na. Tiwala lang, mag-TikTok ka muna. Charot.

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 5

Song of the Week: We Belong by Toni Gonzaga

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday, beshie! Enjoy your special day! Palagi mo sanang tandaan na you are always worth it, no matter what.

May mga bagay man na kinukuwestiyon mo pero huwag kang mag-alala dahil kung ano man ang natatanggap mo, deserve mo!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 12

Song of the Week: Birthday by Katy Perry

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Iba Pang ChiKapalan:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

ChiKapalaran (October 2-8,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (October 9-15,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending