ChiKapalaran (October 2-8,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (October 2-8,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo |October 02,2023
facebook
share this

ChiKapalaran (October 2-8,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - October 02, 2023 - 09:56 AM

ChiKapalaran (October 2-8,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

MAGANDANG araw, mga Ka-Bandera! Excited na ba kayong malaman ang inyong ChiKapalaran for this week?

Lo and behold dahil narito ang ang inyong resident chikadora na magbibigay kulay sa inyong magulo ngunit makulay na buhay.

Sana ay talagang nakapagpahinga ka ngayong weekend kahit na mabilis lang naubos ang iyong sahod kakabayad ng bills. Ok lang yan. Ang mahalaga, lumalaban. Can I get an eme up in here?

ARIES (March 21-April 19)

Bakit ka naman in a hurry, marecakes? May time limit ka ba sa buhay? May sundi ka bang taxi sa lobby?

Take it slow at hingang malalim muna. Enjoyin mo lang ang buhay dahil may kanya-kanya tayong timeline. Hayaan mo silang mauna. Ang importante, kayo kayo p rin ang magkakasama sa finish line. Chill coz you are doing fine.

Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 11
Song of the Week: Jeepney by Spongecola

TAURUS (April 20-May 20)

In order to have peace, be at peace pero dahil winawarshock ka, saktan mo na! Chareng.

Mare, ready mo na ang revenge outfit mo dahil oras na para gumanto sa taong palihim kang sinisiraan.

Aba, ang tawag dyan ay insecure at hindi natin pipiliin ang kapyapaan for chudei! Walang communication is the key! I-warshock ang mga panget na bashers!

Lucky Color: Red
Lucky Number: 9
Song of the Week: Sugod by Sandwich

 

GEMINI (May 21-June 20)

Make sure na binibigyan mo ng tamang oras ang mga taong mahalaga sa iyong buhay. Hindi sapat na alam nilang mahalaga sila sa ‘yo. Dapat ay iparamdam mo rin.

Kalmahan mo ang pagiging workaholic. I-balanse ang buhay. Life is short kaya dapat make more memories with them!

Lucky Color: Black
Lucky Number: 13
Song of the Week: Kung Wala Ka by Hale

CANCER (June 21-July 22)

Sabi nila, imagination mo ang limit pero sabi ng universe, amaccana!

Know your limits, accla. Hindi porke hindi ka pinapansin at pinapatulan, e sisige ka lang nang sige. Hiwag masyadong nagmamaganda dahil hindi ka ganon, chareng.

Baka magulat ka na lang bigla pag pumalag yang inaaway mo. Tandaan, napupuno rin sila.

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 14
Song of the Week: Someday by Nina

 

LEO (July 23-August 22)

Balewala ang pagiging creative kung hanggang talking stage ka lang. Dapat after mo na-visualize, put an effort para mag-materialize! Hindi puro kuda.

Work muna before kuda, mare. Saka na ang angas pag achieve na ang goals. Let them know na you are better than that. Okaaaay?

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 14
Song of the Week: Jopay by Mayonnaise

 

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (September 25-October 1, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

 

VIRGO (August 23-September 22)

Balita ko nawawalan ka raw ng gana at tiwala sa sarili na malalagpasan mo ang mga kinakaharap mong pagsubok?l Amaccana, accla.

Kaya mo yan. Hindi ka pinalaki ng sexbomb para bumawi. Isang get get aw naman dyan! Trust yourself, mars.

Lucky Color: Green
Lucky Number: 21
Song of the Week: Ikaw Lamang by Silent Sanctuary

 

LIBRA (September 23-October 22)

Balak mo bang maging bayani? Dyusme, balak mo pa atang magkaroon ng sariling rebulto bilang tagasalo sa lahat ng problema ng mga nakapaligid sa ‘yo.

Time to choose yourself, mami. Piliin mo kung sinong mga tao ang sinasalba mo. Hindi ka lifeguard. Baka kakasalba mo sa kanila, ikaw naman ang malunod. Tama na. 2023 na. Dapat matuto silang mag-swimming sa agos ng life.

Lucky Color: Sky Blue
Lucky Number: 12
Song of the Week: Torete by Moonstar 88

 

SCORPIO (October 23-November 21)

From 1-10, gaano ka-indecisive yarn? Sizt, hindi lang sa ‘yo umiikot ang mundo kaya wala nang bawian kung nakapag-decide ka naman na. Touch move ka dyan. Dapat sa una pa lang inisip mo na agad nga desisyon mo sa buhay.

Kung magkamali, edi charged it to experience. Minsan kailangan mo ring manindigan. It will help you grow.

Lucky Color: Beige
Lucky Number: 13
Song of the Week: Silvertoes by Parokya Ni Edgar

 

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Don’t let your fears hinder your future. Bakit ka ba natatakot? Nakakita ka ba ng multo sa corridor? O wala ka lang tiwala sa sarili mo?

Ilaban mo yan. Huwag kang matakot sumubok. Ang buhay ay isang malaking lotto, hindi ka mananalo kung hindi ka tataya. Sabi ni universe, it’s time. Go na!

Lucky Color: Gray
Lucky Number: 9
Song of the Week: Same Ground by Kitchie Nadal

 

CAPRICORN (December 22-January 19)

Ok lang naman na ma-miss mo ang isang tao. Siyempre naging mahalaga siya sa ‘yo pero huwag mo nang balikan. Ok na e. Nakausad ka na. Bakit ka pa babalik sa toxic na set-up?

Ok lang magbaliktanaw pero bawal na mag-U turn. Move forward. May darating na para sa ‘yo. Wait ka lang sa waiting shed. Eme.

Lucky Color: Red
Lucky Number: 27
Song of the Week: Ulan bu Cueshe

 

AQUARIUS (January 20-February 18)

Kanya-kanyang timing yan. Huwag kang mainggit sa iba kung nagiging successful na sila. Sa halip, maging masaya ka for them. Darating rin ang tamang timing for you kaya huwag mong sukuan ang laban.

Mas magaan sa dibdib kung walang inggit at galit. Trust the process. Nauna lang sila pero hindi ibig sabihin, huli ka na.

Lucky Color: Maroon
Lucky Number: 18
Song of the Week: Yakap sa Dilim by Orange and Lemons

 

PISCES (February 19-March 19)

Why panic? It’s organic. Chareng. Kung nalilito ka at medyo tingin mo ay may mali sa mga ginagawa mo, hingang malalim. Isipin mo muna kung saan ka nagkamali at gawan mo ng remedyo.

Easy ka lang. Baka kaka-panic mo mawalan ka ng hininga dyan. Gawan ng paraan. Universe gotchu!

Lucky Color: Lilac
Lucky Number: 19
Song of the Week: One Look by Kjwan

 

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday, mga nakshies! Ang sabi ni universe, it’s ok to celebrate pero piliin kung sino nga ba ang dapat isama sa importanteng ganap ng iyong buhay.

May mga tao kasi na nandyan lang kapag masaya prro kapag hirap ka na, wala silang pakialam. It’s time for you to cut off people, ka-ChiKapalaran. It’s hard pero it will be fine. Shot!!!

Lucky Color: Purple
Lucky Number: 26
Song of the Week: Sanctuary by Callalily

 

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iba pang ChiKapalaran:
ChiKapalaran (September 18-24, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (September 4-10, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending