ChiKapalaran (September 18-24, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (September 18-24, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo |September 18,2023
facebook
share this

ChiKapalaran (September 18-24, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - September 18, 2023 - 07:06 AM

ChiKapalaran (September 18-24, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

HELLO, ka-Bandera! Simula na ng countdown to Christmas. Nakapaglabas ka na ba ng Christmas tree? Na-check mo na ba ang mga parol? Pero bago mo ibandera ang mga Christmas decors mo, basahin mo muna ang ChiKapalaran mo for this week.

And always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Positive vibes at good news lang ang hatid natin this week.

Kaya taralets, basa na ng ChiKapalaran!

ARIES (March 21-April 19)

Communication is the key, mars! So anong inaarte mo dyan? Hindi ka pinalaking ganyan ng SexBomb kaya tigilan mo na yan at ayusin n’yo ang awayan n’yo ng dyowa/bestfriend mo.

Huwag mo silang iwasan. Harapin at kausapin mo. Kasi kung iiwasan mo lang sila, mas palalakihin mo lang ang gulo. Tingin mo na worth it yan para sa sakit ng ulo?

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 9

Song of the Week: Flowers by Miley Cyrus

TAURUS (April 20-May 20)

Panibagong opportunity ang darating sa life mo kaya go push na! Take the leap, mare! Gulatin mo sila, mag-resign ka bigla! Go lang nang go!

Minsan lang darating ang oportunidad na ito kaya explore! Wala namang masama kung susubukan mo ang mga bagay dahil mag-iiwan rin ito ng mga aral at memories na paniguradong dadalhin mo for life! Enjoy the ride!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 18

Song of the Week: Habang Buhay by Zack Tabudlo

GEMINI (May 21-June 20)

Nag-iisip ka ba on whether to let go or hold on? Whether tao, feelings, o bagay man yan, i-let go mo na.

If you think it doesn’t spark joy anymore (Marie Condo ka, gurl?) pakawalan mo na. Malay mo naman, they are also waiting for you to let go. Hindi kayo ang may problema.

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 25

Song of the Week: Dati-Dati by Sarah Geronimo

CANCER (June 21-July 22)

Laban o bawi? Atras l-abante? Hirap na hirap mag-decide yarn? Ang maipapayo ko lang, kahit gaano ka ka-comfortable sa isang bagay o isang sitwasyon kung hindi ka na masaya, leave.

You are what you tolerate. Kung sa tingin mo, ok lang manatili sa comfort zone mo dahil pamilyar ka na sa proseso, pinagkakaitan mo ang sarili mong matuto.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 30

Song of the Week: Musika by Dionela

LEO (July 23-August 22)

Ang positibong pananaw mo in life ang magdudulot sa ‘yo ng success in the near future! Tuloy mo lang ‘yan, mare. You are born to succeed so go lang, mumsh.

Pasasaan ba’t makakamit mo rin ang lahat ng desire ng iyong puso. Basta huwag gagawa ng ikasasama ng iba. Ayaw ng universe ‘yan!

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 5

Song of the Week: Gusto Ko Nang Bumitaw by Morisette

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (September 4-10, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

VIRGO (August 23-September 22)

Besh, may darating na malaking dagok sa buhay mo kaya dapat msging handa ka. Dapat ay ready ka with your short-term at long-term plans.

Hindi kasi sigurado kung gaano katagal ang epekto ng paparating na pagsubok. Mas ok na ang ready ka. And always choose yourself whatever happens, ok? You’ll make it, promise!

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 27

Song of the Week: Gento by SB19

LIBRA (September 23-October 22)

Learn to control yourself, Libra! Asan ang disiplina natin dyan? Huwag na nating hayaan na ang iba pa ang magsabi ng mali sa atin lalo na kung napapansin mo naman nang hindi maganda ang ginagawa mo.

Mas okay nang self-aware at may self-discipline tayo kaysa makarinig ka pa ng mga hindi magagandang words sa iba lalo na’t wala naman silang ambag sa life mo. Work it out, mate!

Lucky Color: Indigo

Lucky Number: 12

Song of the Week: Paninindigan Kita by Ben&Ben

SCORPIO (October 23-November 21)

Isang masigabong palakpakan na may kasamang sigawan! Congrats, mare! Ginagalingan mo in life!

Hands down ako sa sipag mo sa buhay sa kabila ng naparami mong responsibilidad sa buhay. Kaya naman hindi na kataka-taka na naa-achieve mo ang mga pangarap mo sa buhay. Good job! Huwag lalaki ang ulo.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 3

Song of the Week: Lagi by Skusta Clee

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Ready ka na ba sa bagong chapter na kakaharapin mo? Nako, mars! Oras na para harapin ang bagong plot twist in life.

For the mean time, try mo munang hanapin ang sarili mo bago mo harapin ang bagong chapter ng kwento ng buhay mo. Kailangang alam na alam mo na ang gusto mo in life at kung anong magpapasaya sa ‘yo dahil wala nang atrasan kapag nag-next level ka na.

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 24

Song of the Week: Pagsamo by Arthur Nery

CAPRICORN (December 22-January 19)

Uyy, gets naman na nakakatakot ang mag-isa at maiwan pero darating talaga sa life na maiiwan ka at mag-isang kakaharapin ang bagong ganap sa buhay.

Masakit man pero ito ang reyalidad ng buhay. Turn this sad story to a wonderful success story! Huwag mong iwan ang sarili mo kahit iniwan ka na ng lahat. Oki?

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 16

Song of the Week: Mahika by Adie

AQUARIUS (January 20-February 18)

Walang perpektong bagay sa mundo. Kahit gaano pa yan takpan ng pera at karangyaan, for sure ay hindi ito 100% perfect unless ikaw si Lord.

So it’s ok to enhance your skills and improve the way you view things in life. Kung sa tingin mo, makakatulong ang pagpapagupit at pagpapakulay o pagpapa-tattoo para sa ikasasaya ng puso mo, go! Support! You do you.

Lucky Color: Lilac

Lucky Number: 28

Song of the Week: Fallen by Lola Amour

PISCES (February 19-March 19)

Bakit ang lungkot mo na naman, mars? Sino nanakit sa ‘yo? Tara, ako na sasapak. Kung ano man ang pinagdaraanan mo, dasurv. Chareng.

Ok lang yang mga mali mong desisyon sa buhay. Kung nagkamali ka man, edi lesson learned. Basta huwag mong masyadong isipin na porke ganyan ang nangyari ay wala nang igaganda pa ang susunod. Trust the process, mars.

Lucky Color: Maroon

Lucky Number: 17

Song of the Week: Teka Lang by Emman

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday, mga Ka-Bandera! Sana ay may mga nabawas na sa inyong checklist lalo na’t nalalapit na ang pagtatapos ng taon.

Nawa’y habaan n’yo pa ang pasensya n’yo para sa katuparan ng pangarap n’yo! Universe got your back, mga mamser! Basta galingan n’yo lang in life. Sabi nga nila, good things come to those who wait and persevere!

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 8

Song of the Week: Patawarin by Fred Engay

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
ChiKapalaran (August 21-27, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (August 14-20, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending