ChiKapalaran (April 10-17, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (April 10-17, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

|April 10,2023
facebook
share this

ChiKapalaran (April 10-17, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

- April 10, 2023 - 06:54 AM

ChiKapalaran (April 10-17, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

HELLO, mga ka-Bandera! Here’s your ChiKapalaran expert ready to report on duty!

Nakapag-nilay nilay na ba ang lahat? Nakapag-repent at reflect ba o baka naman nag-foodtrip at beach hopping lang? Kung anuman ang naging trip mo this long weekend, ok lang ‘yan! Deserve mo ang magpahinga!

For sure, ito ang Monday na gustong gusto ng lahat dahil walang pasok! Korique? Korique! Para sa mga alipin ng salapi, isipin mo na lang, double pay yan! Dagdag ipon para sa future plans.

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay.

Positive vibes and good news lang for today’s vidyow. Deadma sa mga negatrona. We deserve good thoughts this week! Lezzgow!

ARIES (March 21-April 19)
Don’t be scared at go get that tagumpay, bessy! Now is the perfect time para sunggaban mo ang mga opportunities na inilatag ng universe sa ‘yo.

Ito na ang sagot sa lahat ng “when kaya” mo! Ilaban mo na at paniguradong maiuuwi mo ang korona. You have what if takes to be successful. Dali, go! Ilaban mo ‘yan!

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 31
Song of the day: Nakikinig Ka Ba Sa Akin by Ben & Ben

TAURUS (April 20-May 20)
Masyado mo nang pinapairal ang utak ko mo, sizt! Ngayon na ang tamang panahon para pakinggan kung ano ang sinasambit ng iyong puso.

Maraming mga pagbabago na hindi mo ine-expect na darating ngayong linggo. Hindi mo kailangang pag-isipan masyado kung anong dapat gawin o piliin. Puso tayo this time. Walang talo sa mga desisyong mula sa puso. Nandyan na ang mga biyaya, tiwala lang!

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 9
Song of the Day: Pasilyo by Sunkissed Lola

GEMINI (May 21-June 20)
Inis ka na ba sa boss, ka-work, o friend mo? Sawang sawa ka na ba sa pagiging manipulative sad person niya? Naku, i-cut off mo na yan. Wag mo na pag-isipan. Later on, you’ll realize na sobrang daming energy ang nawala sa ‘yo kakasama sa taong ito.

Pero kung wala ka namang kakilalang ganito, baka ikaw pala ang tinutukoy ng baraha. Sana nagamit mo ang Holy Week break para makapag-nilay nilay sa buhay. Be, character development for 2023, bet?

Lucky Color: Orange
Lucky Number: 15
Song of the Day: Uhaw by Dilaw

CANCER (June 21-July 22)
Finally ay naipon mo na lahat ng lakas ng loob na kailangan mo para i-grab ang opportunity na ilang beses nang nagpaparamdam sa ‘yo! Go besh. Support kita dyan! Sa lahat ng desisyon mo, isa yan sa mga tamang ginawa mo! Proud of you!

Lucky Color: Maroon
Lucky Number: 11
Song of the Day: Ako Naman Muna by Angela Ken

LEO (July 23-August 22)
Go! Ipaglaban mo lang ang tama kahit na nakakairita ang mga nasa paligid. Pero huwag natin paiiralin ang emosyon this time. Be logical, mare!

Basta lagi mong tandaan, hindi kabawasan ang ipaglaban ang nararapat lalo na kung masyado ka nang inaabuso ng iba. Ano to? Charity na lang palagi?

Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 3
Song of the Day: Patawarin by Fred Engay

VIRGO (August 23-September 22)
Sana ay ginamit mo ang Holy Week break para makapagpahinga dahil masyado ka nang nag-ooverthink lately. Nakakaloka ka naman kasi, mamser. Kinarir mo ang pag-iisip. Masteral yarn?

Pahinga ka muna sa mga thoughts mo. Ikaw rin ang may kasalanan bakit ka nasasaktan kaka-overthink mo. Amaccana, bhiE!

Lucky Color: Magenta
Lucky Number: 29
Song of the Day: Binhi by Arthur Nery

LIBRA (September 23-October 22)
Mukhang nasa tamang landas ka ngayon sa career na tinatahak mo, Libra! Congrats! Sa taas ng inflation ngayon, mukhang isa ka sa mga makakaluwag-luwag dahil pabor ang universe sa salary increase mo.

Kaya sana ‘wag mong maisip na tamarin dahil hindi ka pa mayaman pero on the way ka na! Chill!

Lucky Color: Lavander
Lucky Number: 15
Song of the Day: Tila by Clara Benin

SCORPIO (October 23-November 21)
Mami, hindi naman masama g mag-express ng gratefulness sa buhay? Bakit hindi mo subukan? Sige ka, baka magalit sa ‘yo si Donnalyn Bartolome! Eme! Quiet na nga pala siya.

Going back, maging grateful ka sa mga bagay sa paligod at huwag puro kanegahan ang itanim sa isip. Hindi ka farmer, sister! Umayos ka. Baka ma-elbow kita!

Lucky Color: Gray
Lucky Number: 8
Song of the Day: Huwag Ka Sanang Magagalit by Unique Salonga

SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Mami, nabudol ka ba? Huwag ka na mag-alala, ibabalik ng universe sa ‘yo ng triple ang mga nawala sa ‘yo. Hindi mo deserve ang malako pero minsan sa buhay, hindi talaga yan maiiwasan. Ang perfect mo na masyado kung sakali. Di pwede ‘yun. Baka kuyugin ka ng iba pang zodiac signs, sige.

Basta wait ka lang, ayuda is on the way na, Ka-Bandera!

Lucky Color: Brown
Lucky Number: 13
Song of the Day: Tila Tala by Syd Hartha

CAPRICORN (December 22-January 19)
Ilang signs pa ba ang kailangan para naman tigilan mo na ang pag-stay dyan sa toxic environment mo? Takot ka bang lumabas sa comfort zone mo?

Huwag mong antayin na masyado ka na nilang na-drain at ang maging pabaon na lang sa ‘yo ay trauma at anxiety. Hindi nakaka-healthy. Draft your resignation letter, print sa office, send sa boss. Move on! Universe got you, mare!

Lucky Color: Magenta
Lucky Number: 21
Song of the Day: Sana by Libre

AQUARIUS (January 20-February 18)
Palagan mo na ‘yang taong yan! Oo, ‘yang unang taong naisip mo, siya ang tinutukoy ko. Masyadong demanding sa ‘yo, kakatapos lang ng Holy Week, gusto ka na agad magkasala.

Sige, patulan mo! Akala ata n’ya, kaya ka niya e. Pagbigyan mo! Let them taste their own medicine para mapirmi! Irita!

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 24
Song of the Day: Kahit Ayaw Mo Na by This Band

PISCES (February 19-March 19)
Time to shine, mare! It’s showtime! Ikaw naman ang bunot ni universe para sumaya! Basta be responsible, sis ah! Hindi porke masaya, go lang nang go. Be mindful of your actions pa rin para tuloy tuloy ang ligaya!

Lucky Color: Black
Lucky Number: 19
Song of the Day: Binibini by Zack Tabudlo

FOR TODAY’S BIRTHDAY CELEBRATOR
Maligayang kaarawan, mga mamser! Ang regalo ng universe sa ‘yo ay isang paalala na huwag masyadong tapangan sa buhay at magpaka-softie muna sa mga desisyon sa buhay.

Shot not puno ka muna this time. Huwag mo masyadong itodo ang pagiging risk taker, masasaktan ka lang. Birthday mo pa naman!

Lucky Color: Red
Lucky Number: 10
Song of the Day: Paraluman by Adie

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Past ChiKapalaran:
ChiKapalaran (April 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (March 27-April 2, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending