ChiKapalaran (April 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! Bandera

ChiKapalaran (April 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo |April 17,2023
share this

ChiKapalaran (April 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - April 17, 2023 - 06:35 AM

ChiKapalaran (April 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

IT’S MONDAY again, Ka-BANDERA! Excited ka na ba sa long weekend? Hephephep! Bago ka mag-aya ng barkada papuntang beach, domestic o international travel, simpleng staycation at inuman lang, o kung ano mang trip mo, basahin muna kung anong ChiKaPalaran mo!

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay.

Positive vibes and good news lang for today’s vidyow. Deadma sa mga bashers. Huwag papatinag para iwas imbyerna sa long weekend. Lezzgow!

ARIES (March 21-April 19)
Huy, bhiE. Balita ko masyado ka raw nag-o-overthink. Be it at work or personal matters, always remember na ikaw lang, sapat na! May kasama pang mwa mwa!

Imbes na mag-overthink, embrace those changes! Sakyan mo ang agos! Huwag kang papatalo, bhiE. Mas maganda ka dyan! Hindi ka para mag-self doubt. Ilaban mo, mars! Fighting!

Lucky Color: Purple
Lucky Number: 11
Song of the day: Huling Sandali by December Avenue

TAURUS (April 20-May 20)
Sizt, tama na ang pagpapahalaga sa ibang tao na hindi naman deserving ng oras, atensyon at pagmamahal coming from you. Masyado ka nang invested dyan. Lugi ka na nga, tinotodo mo pa. Amanna!

What if, what if lang naman? Focus ka muna sa self mo. Minsan kasi sa sobrang pagmamahal natin sa iba, nakakalimutan nating magtira. Oh, di na ko mag-e-emote, baka ibalik pa ang “Maalaala Mo Kaya”. Basta sa ngayon, #SelfLove ka muna!

Lucky Color: Teal
Lucky Number: 22
Song of the Day: Byahe by JRoa

GEMINI (May 21-June 20)
Mami, wala namang pa-talent portion si mayor pero parang lagi mong ginagalingan. Gets ko naman na lately ay parang madaming problema ang sumusubok sa ‘yo pero hindi lahat ‘yun kailangang pagtuunan ng pansin. May mga problema na pinapalampas at pinapalaya na lang dahil wala nang solusyon.

Wag mong galingan at subukang ayusin lahat. Tao ka. May limit. Itulog mo na lang yan.

Lucky Color: Burgundy
Lucky Number: 19
Song of the Day: Torete by Moonstar 88

CANCER (June 21-July 22)
Lagot ka, mami! Pinapatawag ka ni Donnalyn. Balita raw niya hindi ka grateful. Chos!

Sis, matuto ka namang maging thankful kHit feeling mo may mga pagkakataon na hindi maayos ang ganap sa life. Huwag feeling main character. Baka masabunutan kita dyan. Hmp!

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 26
Song of the Day: Yakap Sa Dilim by Orange & Lemons

LEO (July 23-August 22)
Isang paalala lang naman ang nais kong tandaan mo, may mga bagay na dapt ipaglaban at may mga bagay na pansamantalang binibitawan

Hindi lahat ay dapat nating pagtuunan ng pansin. Tiwala lang, magiging maayos rin ang lahat. Isang mahigpit na yakap, ka-Bandera!

Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 24
Song of the Day: Gitara by Parokya Ni Edgar

Previous ChiKapalaran: ChiKapalaran (April 10-17, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

VIRGO (August 23-September 22)
Panahon ba talaga ng mga martyr ngayon? Parang isinabuhay n’yo na ng mga Taurus maging shungaers eh.

Sis, ang validation at assurance ay hindi lang nagmumula sa ibang tao. Ikaw mismo sa sarili mo, kayang-kaya mong gawin ‘yun. Oo, masarap maramdamang may dyowa ka pero kung palaging pagkwestiyon sa sarili ang kapalit nito? Di worth it. Mami, huwag manlimos ng pagmamahal sa iba. Darating ang tamang tao. Marami pang tao sa mundo, may kapareha ka panigurado.

Lucky Color: White
Lucky Number: 5
Song of the Day: Tensionado by Soapdish

LIBRA (September 23-October 22)
CONGRATULATIONS, MARE!!!! GRADUATE KA NA WITH FLYING COLORS MULA SA KATANGAHAN.

It’s time for the moving on stage na. Sobrang proud kami sa ‘yo kasi hindi lang bare minimum ang deserve mo kaya tama ang decision to let go. Focus sa goals, focus sa healing, focus sa mas better version ng sarili mo na ipinagkait noong hindi mo pa siya binibitawan. Yakap! Aja!

Lucky Color: Brown
Lucky Number: 17
Song of the Day: Jopay by Mayonnaise

SCORPIO (October 23-November 21)
Minsan lakas rin ng amats mo, mami. Minsan ang overthinker mo. Madalas, hindi ka na nag-iisip. Why naman po ganern?

Be sensitive sa feelings ng iba. Not because things are working on your side, ay may karapatan ka nang manghamak ng iba. Panget mo kalaro. Sana hindi masarap ulam mo later. Hmp.

Lucky Color: Black
Lucky Number: 29
Song of the Day: Babalik Sa ‘Yo by Moira dela Torre

SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Besh! There’s no point in blaming yourself sa mga bagay na maski ikaw, hindi mo ginusto. Learn to be kind to yourself.

You deserve to be happy kaya step forward ka na from the past. Lakad at huwag hihinto dahil maraming magagandang bagay ang naghihintay sa ‘yo. Go besh! Little steps!

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 27
Song of the Day: Burnout by Sugarfree

CAPRICORN (December 22-January 19)
Learn to unlearn things gaya yang pagiging toxic mo. Uso character development, mami. Hindi pa naman huli ang lahat kaya naman simulan mo na ngayon.

Try new routines. Habang maaga pa, baguhin mo na dahil hindi nakaka-pretty ang pagiging problematic. Okaaay?

Lucky Color: Red
Lucky Number: 7
Song of the Day: Paninindogan Kita by Ben&Ben

AQUARIUS (January 20-February 18)
Sizt, ang init ng panahon, parang ikaw. Sabi nga ni Vice Ganda, chill! Hindi lahat masusulusyunan ng init ng ulo kaya tigil-tigilan mo yan kung ayaw mong ipa-Tulfo ka ka o mag-viral sa social media sa pagiging aggressive mo.

Uso character development, Aquarius. Baka pag naasar sa ‘yo ang madlang pipol, malublob ka pa sa aquarium. Bili ka ng yelo sa tindahan baka kumalma ka.

Lucky Color: Gray
Lucky Number: 23
Song of the Day: Kilometro by Sarah Geronimo

PISCES (February 19-March 19)
Sure ka na ba sa desisyon mo, sister? O baka naman nape-pressure ka lang sa environment na ginagalawan mo?

Take the long weekend para makapag-isip isip. Isang malaking commitment yang kakaharapin mo kaya dapat handa ang buong sistema mo at hindi lang dahil iyon ang bulong ng tao sa paligid mo. May oras pa. Pag-isipan mong mabuti.

Lucky Color: Beige
Lucky Number: 15
Song of the Day: Simpleng Tao by Gloc 9

FOR TODAY’S BIRTHDAY CELEBRATOR
Happy Birthday to youuuuuuuu, sismars! For today’s vidyow, ikaw ang sentro ng atensyon kaya do your best para lamangan si Jollibee! Dahil ngayong araw, allowed kang maging bida-bida! Hahaha

Enjoy your day. Manood ka na ng 1st Summer MMFF!

Lucky Color: Green
Lucky Number: 3
Song of the Day: Mapa by SB19

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Other ChiKapalaran:
ChiKapalaran (March 27-April 2, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (April 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending