ChiKapalaran (May 29-June 4,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (May 29-June 4,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - May 29, 2023 - 06:45 AM

ChiKapalaran (May 29-June 4,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
GOOD morning, mga Ka-Bandera! It’s Monday again. Nakapagpahinga ka ba nitong weekend? Nawa’y nasa maayos kayong mga lagay! Huwag kayong mag-alala, ChiKapalaran got chu!

Bukod diyan, nalalapit na ang sweldo kaya huwag ka nang malungkot! Makakakain ka na ulit ng masarap… after magbayad ng bills. Eme!

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Fighting!

ARIES (March 21-April 19)
Mars, mukhang malapit kayo ngayon sa mga magnanakaw… ng credit. Ops. I remember so many people chareng. Kailangan mong maging alert sa paligid dahil may mga taong magpapanggap na hanga sila sa ‘yo pero ang totoo, balak nilang nakawin ang work mo.

Tandaan, ang corporate world ay isang malaking Quiapo, lagot ka kay Rendon este maraming snatchers, baka agawan ka. Kaya ingat at bawasan ang pagiging funny, funnywalain.

Lucky Color: Violet
Lucky Number: 3
Song of the day: Alipin by Shamrock

TAURUS (April 20-May 20)
Naku, sis. Wala na. Hindi ka na makakatakas. Napaliligiran ka na ng mga Marites. Kailangan mo na talagang i-reveal kung sino ang nagpapasaya sa iyong buhay.

At kung wala pa, huwag ka namang mapagod sa mga friends mong waiting sa magiging “plus one” mo. Pero don’t worry, sa ngayon ay swerte kang makatagpo ng mamahalin kaya for sure, sa next kasal na pupuntahan mo, may partner ka na. I-novena mo na yan!

Lucky Color: Green
Lucky Number: 17
Song of the Day: Taralets by Imago

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (May 1-7, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

GEMINI (May 21-June 20)
Oo, gets naman namin na panahon mo to pero this time, kinakailangan mo munang magmuni-muni at maging mapag-isa. Me time ganern.

Tama muna tayo sa pagiging adult at huwag munang mag-isip at mag-decide sa ngayon. Back track ka muna kung ito nga ba ang landas na plano mo para sa life. Kaya mo yan. Ikaw pa ba. Pabida ka eh. Charot.

Lucky Color: Red
Lucky Number: 5
Song of the Day: Gemini by Spongecola

CANCER (June 21-July 22)
For today’s vidyow, ang regalo sa ‘yo ng universe ay mga modules. Chareng! Ang plano kasi ng universe ay turuan ka ng maraming lessons ngayong week na babago sa buhay mo.

Kaya for sure pagod ka this week dahil may pa-training ang mundo pero siyempre, wala kang choice. Ang mahalaga, may matutunan. Laban lang sabi ng Sexbomb!

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 23
Song of the Day: Doo Bi Doo by Kamikazee

LEO (July 23-August 22)
As may main character issue, ikaw ang bida for today’s ganap. Maiiput ka sa dalawang tao at kinakailangan mong mag-decide kung sino nga ba dapat ang piliin. Be firm sa desisyon, sister. Harapin mo to. Huwag mong iwasan.

Lucky Color: Brown
Lucky Number: 25
Song of the Day: Prinsesa by 6Cyclemind

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (May 8-14, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

VIRGO (August 23-September 22)
Bhie, bakit naman for da clout chasing ang mga taong nakapaligid sa ‘yo? Welll, time to upgrade na at dapat maingusan mo ang mga clout chasers of the century.

Sabi ni universe, it’s your time to shone so embrace mo na ang opportunity at ikaw na ang maging cloutchaser. EME! Make it or break it, mars!

Lucky Color: Black
Lucky Number: 7
Song of the Day: Pagdating Ng Panahon by Ice Seguerra

LIBRA (September 23-October 22)
Ay, sis? Until when po tayo magiging komportable sa iyong buhay? Aba, galaw galaw! Bilis! Labas sa comfort zone mo kung bet mong magbago talaga ang life.

Hindi sapat na nasa isip mo lang ang gusto mong changes. Make a move!

Lucky Color: Purple
Lucky Number: 27
Song of the Day: Jeepney by Spongecola

SCORPIO (October 23-November 21)
Nasa point ka na ng buhay na hindi ka na into playing games at dahil nga nag-uumapaw ang pagmamahal na meron ka, bet mong mahanap ang taong para sa ‘yo.

Paalala ko lang, kung nakita mo na ang prospect mo, it’s not bad to make a first move. Ang ego natin ay minsan ibinababa natin for true love. Okaaaay? Go. Chat mo na siya!

Lucky Color: White
Lucky Number: 8
Song of the Day: Sugod by Sandwich

SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Ang taong hindi kontento, hindi contented! Charot. Ay mars, grabe ka naman dyan sa part na hindi ka makuntento sa buhay mo.

Gets naman na dapat hungry pa rin tayo sa knowledge and skills pero ikaw papunta ka na sa part na hindi na justifiable ang sctions. Chill. Slow down. May deadline ka ba?

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 11
Song of the Day: Kahit Pa by Hale

CAPRICORN (December 22-January 19)
Litong-lito ka ba sa sitwasyon mo sis? Gamitin mo na ang paladesisyon skills mo sa buhay at pumili kung ano bang gusto mo talaga.

Mukhang walang plano si universe na i-assist ka kaya ikaw na bahala, bhie. Napapagod rin daw siya. Malaki ka na, kaya mo na yan!

Lucky Color: Green
Lucky Number: 2
Song of the Day: Jumbo Hotdog by Maskulados

AQUARIUS (January 20-February 18)
Sabi nila, “Time is the ultimate truth teller” at mukhang this is your moment na! At ito na nga rin ang magpapalaya sa ‘yo.

Make friends with Toni Fowler and play her music. Mukhang kakailanganin mo ng lemon dahil gusto mo ng tequila. Hahaha. Masakit now, magaan later. Basta kung ano man yan, sabi nila, ang mabigat, gumagaan pag binibitawan.

Lucky Color: Orange
Lucky Number: 9
Song of the Day: Beer by Itchyworms

PISCES (February 19-March 19)
Time to bounce back from your setback, ka-Bandera! This is your time para mag-heal sa mga unsaid traumas. Ito na ang moment to recover sa lahat ng sakit na ipinadama sa ‘yo.

Choose yourself this time. Kaya mo to.

Lucky Color: Indigo
Lucky Number: 21
Song of the Day: Ewan by Imago

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS
Another year older but not wiser? Chareng. Happy birthday sa inyo mga sismars! Nawa’y kasabay ng pagtanda ay isabay rin ang pagiging matured. Pwede ba ‘yun?

Osiya, i-push mo na ang bonggang party mo pero hinay ka pa rin. May mga bagong achievements ka naman para maging proud sa sarili pero may pagka-immature tayo ng beri light. Adjust rin, mga mi.

Lucky Color: Maroon
Lucky Number: 30
Song of the Day: Penge Naman Ako N’yan by Itchyworms

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
ChiKapalaran (May 15-21, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending