ChiKapalaran (May 8-14, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (May 8-14, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo |May 08,2023
facebook
share this

ChiKapalaran (May 8-14, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - May 08, 2023 - 06:45 AM

ChiKapalaran (May 8-14, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
RISE and shine, mga Ka-Bandera! Kumusta naman ang inyong weekend? Nawa’y nakapagpahinga kayo nang matiwasay dahil as usual, Lunes na naman! Trabaho and school works are waving at you. But don’t worry because ChiKapalaran is here to help you start your week right! Bet?

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay.

Real talk lang ang hatid ng ating ChiKapalaran for this week at please hydrate yourselves and don’t forget your sunscreen. Sobrang init. Hindi nakaka-pretty.

ARIES (March 21-April 19)

Puro na lang sabi ng “Gusto ko nang magkajowa” pero wiz naman ang pag-reply kapag may nag-chat sa kanya. Kaya mo pa ba, mars? Ano ba talaga ang gusto mo in life? Dyowa ba talaga or additional followers lang sa social media as a clout chaser? Eme.

Kung bet mo na talaga ng jowa, go get one! Hindi ka na bumabata. Ilaban mo na at isuko mo na ang bandila ng singlehood.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 28

Song of the day: Love the Way You Lie by Rihanna

TAURUS (April 20-May 20)

Sabi nila, be true to yourself and to other people around you dahil mahirap ang magpanggap. Totoo naman talaga. Pero mas madali kasi itong sabihin kaysa gawin.

Siyempre nag-o-overthink ka dahil iniisip mo kung matatanggap ka ba ng taong mahal mo for being true or kung dapat ba na i-tame mo nang kaunti ang ugali mo para mag-swak sa standards ng iba.

Sa ngayon, gawin mo lang kung saan ka magiging komportable. Pag-isipan mong mabuti. Kung magiging totoo ka at hindi niya matanggap, edi at least thank you, next! Chareng.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 13

Song of the Day: Push My Luck by Chainsmokers

GEMINI (May 21-June 20)

Mami, nawa’y tama ang mga desisyon mo sa buhay at kaya mo itong mapanindigan. Sige, ilaban natin ang paniniwalang “Walang maling desisyon, hindi mo lang talaga ito kayang panindigan” to justify your katangahan.

Basta, huwag mo akong sisihin dahil hi, it’s you. You’re the problem. It’s you. Emz. Don’t worry, another lesson learned yan kung failed man. Charge it to experience na lang.

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 12

Song of the Day: How Do I Breathe by Mario

CANCER (June 21-July 22)

Yes, going strong ang relasyon nila. Nawa’y lahat ang tugon naming lahat. Basta ilaban n’yo lang at palaging piliin kung ano bang tama para mas lalong mapanatiling ok ang relasyon.

Kung single ka naman at looking for dyowa, on the way na ‘yung para sa ‘yo. Na-late lang kasi nasira ‘yung MRT na sinasakyan. Naglakad at naligaw sa maling tao. Pero ayan na, papunta na siya sa ‘yo. Be ready!

Lucky Color: Black

Lucky Number: 7

Song of the Day: Go On Girl by Neyo

LEO (July 23-August 22)

As may main character syndrome na naman ang atake mo dyan, mars. Parang nakakatamad basahin ang baraha para sa horoscope mo this week.

Sana ma-try mo ring mag-lie low at huwag maging feeling bida for today’s vidyow. Hindi lang ikaw ang favorite ni Lord. Compromise rin, keri boom?

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 2

Song of the Day: Statue by Lil Eddie

VIRGO (August 23-September 22)

Okay lang naman na mas mahal mo ang sarili mo kaysa sa ibang tao, pero minsan may mga desisyon tayong dapat gawin at malking factor ang pag-check kung ito ba ay makakaapekto rin sa partner at sa pamilya mo.

Communicate properly para naman maiwasan ang bangayan. Ikaw naman kasi, masyado mong sineryoso ang self-love, naging insensitive ka na sa feelings niya tuloy.

Lucky Color: White

Lucky Number: 9

Song of the Day: Toxic by Britney Spears

LIBRA (September 23-October 22)

Alam mo, tigil-tigilan mo ang pagiging bratinella mo sa tropa mo dahil kahit gaano ka kamahal ng mga yan, kapag napagod sila, paalam outside world talaga magiging bet mo.

It’s okay naman to choose yourself. Yun naman talaga ang dapat. Pero huwag naman yung kung ano na lang ang gusto mo, yun lang ang ginagawa mo kahit na nakaka-offend na sa iba. Find the balance between loving yourself and respecting other people.

Lucky Color: Maroon

Lucky Number: 11

Song of the Day: Always Be My Baby by David Archuleta

SCORPIO (October 23-November 21)

Kung hindi maayos ang pundasyon ng relasyon n’yo, talagang hindi ito tatagal kahit ilang tapal pa ng effort ang gawin mo.

Masakit pero way na siguro ito ng universe para ipaalala sa ‘yo na deserve mo rin maging happy pero desisyon mo pa rin if go ka lang dyan or susugal ka sa iba. Choose your fighter.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 3

Song of the Day: Flowers by Miley Cyrus

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Tama na sa love, usapang buhay naman. Kahit na gaano kahirap ang buhay sa ngayon at kahit gaano pa kalaki ang bills na dahil sa paggamit ng aircon, huwag kang mangungutang.

Again, it’s a no dahil paniguradong mas mahihirapan ka kung yan ang gagawin mo. Nagkakaintindihan ba tayo?

Lucky Color: Indigo

Lucky Number: 6

Song of the Day: Sandali lang by Silent Sanctuary

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (May 1-7, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

CAPRICORN (December 22-January 19)

Ano bang ikinatatakot mo sa pagkakaroon ng jowa? Alam kong bet mo na kaya sunggab na! Huwag matakot masaktan. Parte yan ng pagmamahal.

You’ll find someone na super love ka, huwag mong palagpasin, ok?

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 27

Song of the Day: Someday by Nina

AQUARIUS (January 20-February 18)

Mi, ang pride ay sabon pero pwede rin kasing taas ng sa ‘yo. Go at mag-sorry sa bebe mo bago ka pa ngumuwa kapag umalis yan. Ikaw rin!

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 1

Song of the Day: Even If by Sam Concepcion

PISCES (February 19-March 19)

Go lang sa pagtaas ng standards and never put that down just because hindi ito ma-reach ng taong gusto mo.

Kaya mo nga yan sinet para maging smooth ang buhay tapos tatanggap ka ng tao ni kalahati hindi pasok sa standards mo? Haaay. No. Text ONANAY STOP to 2366.

Lucky Color: Teal

Lucky Number: 10

Song of the Day: When I Was Your Man by Bruno Mars

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday, mga Ka-Bandera! Anong handa natin d’yan? Handa na ba kayong mag-move on sa maling tao? Chareng.

Nawa’y maging masaya ang inyong mga kaarawan dahil sabi ni universe, siya na ang bahalang tumupad sa mga pangarap n’yo pero siyempre, kilos-kilos pa rin. Sabi nga nila, ang taong masipag, pagtanda pagod. Char.

Lucky Color: Red

Lucky Number: 23

Song of the Day: Happier by Ed Sheeran

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

Previous ChiKapalaran:
ChiKapalaran (April 24-30, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

ChiKapalaran (April 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending