ChiKapalaran (May 15-21, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (May 15-21, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo |May 15,2023
facebook
share this

ChiKapalaran (May 15-21, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - May 15, 2023 - 07:36 AM

ChiKapalaran (May 15-21, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

GOOD morning, mga Ka-Bandera! Kami na ang babati sa ‘yo dahil wala kang matatanggap mula sa kanya kahit ano pang antay mo. Chareng! Ok lang kahit wala kang bebe. Nandito naman ang ChiKapalaran para samahan ka.

Lunes na naman pero masaya dapat tayo today dahil sweldo day! Groceries and bills are waving at you. Pero bago ka pa ma-stress, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. We got chu!

ARIES (March 21-April 19)
Mare, may magbabalik sa iyong buhay. Hindi ito ex-landi kundi utang na matagal mo nang hindi nababayaran.

Hindi ka na makakatakas this time dahil hahabulin ka nito hanggang sa dulo ng walang hanggan. Kaya habang may extra ka pa, magbayad ka na para peaceful ang pagtulog sa gabi.

Lucky Color: Maroon
Lucky Number: 12
Song of the day: Magbalik by Callalily

TAURUS (April 20-May 20)
From 1-100, gaano ka kagastos? Nako, sis! Iwasan mo na ang pagiging impulsive mo dahil hindi nakaka-pretty ‘yang pagiging gastusera. Pati tuloy budget mo para sa ibang bagay, nagagalaw mo na.

Palala nang palala ang inflation, magpatalo ka mami. Masyado kang competitive. This is your sign na mag-ipon.

Lucky Color: Black
Lucky Number: 8
Song of the Day: Price Tag by Jessie J

GEMINI (May 21-June 20)
Bakit ka nagmumukmok dyan? Anong kaartehan yan? Bumangon ka dyan at ayusin ang mga desisyon sa buhay. Marami pang tao ang darating sa buhay mo kaya huwag mong iyakan ang taong ikaw mismo ang sinayang.

Lumabas ka. Hang-out with friends. Mag-sign up sa dating up. Masyado nang magulo ang mundo para maging malungkot. Landi lang nang landi! Mahahanap mo rin ang taong para sa ‘yo.

Lucky Color: Green
Lucky Number: 21
Song of the Day: Shake It Off by Taylor Swift

CANCER (June 21-July 22)
Saan ba ang dream destination mo? Go mo na yan this year dahil doon mo rin makikilala ang future dyowa mo!

Kaya kung ako sa ‘yo, i-file mo na ang natitira mong vacation leave at mag-flysung ka na pa-Boracay o Siargao para sa afam! I-angat ang bandera ng Pilipinas.

Lucky Color: Gray
Lucky Number: 17
Song of the Day: Amakabogera by Maymay Entrata

LEO (July 23-August 22)
Sa mga single na Leo dyan, ito na ang time para magmaganda dahil may darating sa buhay nyo hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlong candidate na magpapatibok ng puso mo.

So take your time na mamili at i-test mo silang lahat kung sino ba talaga ang makaka-jive mo. Piliing mabuti kung sino ang the one dahil yan rin ang magiging greatest heartbreak mo kung hindi ka mag-iingat.

Lucky Color: Red
Lucky Number: 5
Song of the Day: Mahal Ko o Mahal Ako by KZ Tandingan

VIRGO (August 23-September 22)
Nako, ka-Bandera, mukhang paladesisyon ang chikapalaran mo today. Oras na raw kasi para ikaw naman ang mag-first move sa kalandian mo.

Tama na ang pagpapabebe, sis. Ayaw yan ng universe. Ilabas mo na ang pangmalakasang outfit at simulan mo na ang umawra. Waiting na si Kupido kung kanino ka ipapana.

Lucky Color: Orange
Lucky Number: 23
Song of the Day: Yakap sa Dilim by Orange and Lemons

LIBRA (September 23-October 22)
Kakasabi mo na hindi ka ready mag-commit, talagang hindi ka makakaranas ng commitment dahil aayawan ka na ng mga possible landi mo!

Oras na para magseryoso kung gusto mong makaranas ng true love. Stop na sa mga no strings attached, tumatanda ka na.

Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 4
Song of the Day: Time In by Yeng Constantino

SCORPIO (October 23-November 21)
Yes naman sa pagiging fresh, mareng Scorpio. Taylor Swift ka dyarn? Amoy baby powder ang ferson!

Makakahanap ka ng bagong tao at magkakaroon kayo ng kakaibang koneksyon. Mahahanap niyo sa isa’t isa ang bagay na matagal n’yo nang ipinagdarasal kaya sis, go mo na yan! Laban!

Lucky Color: White
Lucky Number: 27
Song of the Day: You Are The One by Toni Gonzaga

SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Kung ayaw kang pansinin, huwag mo na ring pansinin! Gantihan mo! Eme! Pero siyempre, kung ayaw talaga sa atin bakit pa tayo mag-e-effort atag-i-invest ng oras?

Kung ako sa ‘yo, imbes na inaantay mo ang message niya, mag-focus ka na lang sa sarili at sa iba pang nagpapasaya sa ‘yo like friends. Hindi pa bet ng universe na pumasok ka sa relasyon. Sarili daw muna bago landi.

Lucky Color: Brown
Lucky Number: 16
Song of the Day: Love Yourself by Justin Bieber

CAPRICORN (December 22-January 19)
Ang pagmamahal ay mapagpalaya, bakit masyado mo namang pinaghihigpitan ang partner mo sa mga bagay na magpapasaya sa kanya?

Kung ako sa ‘yo, oras na para mag-reflect at isipin kung worth it ba yang pagiging mahigpit mo dahil for sure pag nasakal yan, iiwan ka nyan. Gusto mo ba ‘yun? Di ba hindi? Kaya ayudsin mo mga desisyon mo sa buhay.

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 2
Song of the Day:

AQUARIUS (January 20-February 18)
Sana all sinagot na ang answered prayer! Ayon sa message ng universe, on the way na ang matagal mo nang inaasahan na true love. Well, long overdue naman na talaga kaya deserve na deserve mo. Madidiligan ka na mars, congrats!

Pero siyempre, may mga struggles along the way. Tatagan mo lang ang loob mo dahil magiging masaya ein kayo sa huli eventually.

Lucky Color: Indigo
Lucky Number: 25
Song of the Day: Uhaw by Dilaw

PISCES (February 19-March 19)
Mamsh, tropa talaga kayo ni Taurus no? Parehas kayong impulsive. Nakakaloka! Anak ba kayo ni Henry Sy? O baka naman parte kayo ng Royal family?

Tigilan na ang pagbilo ng mga bagay ma hindi mo naman kailangan. Sa umpisa ka lang naman happy dyan. Sa huli itatambak mo lang. Be wise sa pag-spend. Maraming taong nagugutom, isipin mong maigi ang mga desisyon sa buhay.

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 28
Song of the Day: Billionaire by Bruno Mars

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS
Congratulations, mamser! Plus one ka na naman sa edad! Sana iwasan na ang pagiging immature sa mga bagay bagay at huwag na ring magparinig sa Facebook ng mga cravings dahil walang bibili niyan para sa ‘yo. Magtrabaho ka. Chareng.

Kidding aside, deserve mo ang isang masarap na food kaya go na! Ipa-deliver mo na yan. Keber na sa mga bashers. Birthday mo, ikaw ang bida for today!

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 19
Song of the Day: Teach Me How To Dougie ny Cali Swag District

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

Other ChiKapalaran:
ChiKapalaran (May 8-14, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

ChiKapalaran (May 1-7, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (April 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending