ChiKapalaran (June 26-July 2,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (June 26-July 2,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - June 26, 2023 - 06:44 AM

ChiKapalaran (June 26-July 2,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

GANDANG morning, mga Ka-Bandera! Rise and shine! Nakapagpahinga ba nang maayos? Bangon na! Magbasa ka na ng ChiKapalaran para maging maganda ang start ng iyong araw!

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Tama? Korakak!

ARIES (March 21-April 19)

Lunes na Lunes, may gusto tayong patunayan, te? Hanap gulo yarn? Well, oks lang naman na ipaglaban ang tama pero make sure to know your limit at dapat walang maaapakan na tao.

Hindi rin nakaka-fulfill mapatunayang magaling ka pero marami namang naaapektuhan. Beh, dapat maganda tayo in and out. Kuha mo?

Lucky Color: Indigo

Lucky Number: 20

Song of the day: Karma by Taylor Swift

TAURUS (April 20-May 20)

You deserve peace kaya choose yourself today, bhie! Lumayo ka sa mga bagay o lugar na magdudulot lang ng stress sa ‘yo. Huwag nang nakikisali sa mga bangayan. Or baka gusto mo talagang mag-part time referee kaya makulit ka? Magkano ba bigayan? Eme.

Kapag nararamdaman mo nang hindi maganda ang aura ng isang bagay o ng isang tao sa ‘yo, iwas na. Don’t let them destroy your peace. Wag masyadong bibo kid.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 26

Song of the Day: Lover by Taylor Swift

GEMINI (May 21-June 20)

Kakahanap mo ng “the one”, nalagpasan mo na ang taong handang gawin ang lahat makita ka lang na masaya.

Besh, kaya ka napupunta sa maling tao e, paborito mo ang kulay pula. Dasurv mo tuloy ang sakit. Huwag kasi tayong perfectionist. Ikaw nga hindi perfect e. Piliin mo ‘yung taong pipiliin ka without a doubt kasi kung hindi, self-love malala ka talaga after.

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 15

Song of the Day: Set Me Free by Taylor Swift

 

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (June 5-11,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

 

CANCER (June 21-July 22)

Yes naman for the continuous growth. Go lang nang go basta makatutulong sa iyong paglago bilang isang indibidwal! Lalim non de baaa?

Tuloy mo lang ‘yan at huwag titigil to try and learn different things. Dahil sa buhay, mas wagi ka kapag marami kang alam!

Lucky Color: White

Lucky Number: 22

Song of the Day: Cardigan by Taylor Swift

LEO (July 23-August 22)

Naghahanap ka ng inspirasyon dahil medyo nababawasan ang motivation mo sa work? Parating na ito. ‘Yun nga lang may pera ka ba para um-attend ng concert? Kimmy!

Sizt, sa buhay, hindi talaga palaging gusto mo ang isang bagay lalo na kung trabaho pero hangga’t maaari, mahali mo ito. Unless bet mo nang mag-resign pero di mo gagawin dahil sa inflation. Naku, umamin ka na!

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 19

Song of the Day: Enchanted by Taylor Swift

VIRGO (August 23-September 22)

Find the balance in every situation. Kaya kung sa tingin mo ay puro givesung ka at wala ka pang natatanggap pabalik, mag-isip ka na. Forda user ba ang ferson? Kasi hindi naman dapat one-sided ang pgmamahal.

Hindi lang ito romantically ah. Pwede ring towards your friends and families. Huwag mong antaying maubos ka kakabigay sa iba. Hindi nakaka-pretty. Magtira para sa sarili.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 11

Song of the Day: Cruel Summer by Taylor Swift

LIBRA (September 23-October 22)

Yes naman sa pagiging mamamayang lumalaban ng patas! Isang masigabong palakpakan para sa ating beshywap!

Ituloy mo lang ang pagiging fair at just mindset mo. It will lead you to places, sabi ng universe. Marami na sa mundo ang mapagsamantala. Kaya kahit mahirap, patuloy ka pa ring lumaban ng patas! Punitin ang sedula! Chareng.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 8

Song of the Day: Our Song by Taylor Swift

Baka Bet Mo:  ChiKapalaran (May 15-21, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

SCORPIO (October 23-November 21)

Forda real talk lang tayo mga kumare ah. Tigil na natin ang pagiging mamaru ah? Gusto mo palagi kang nasusunod. Bakit hindi ka nagpresidente? Chos.

Mii, hindi palaging tama ka at hindi palaging nasa taas ka. Matuto kang makinig sa iba at itigil ang dunung-dunungan school of acting. Di yan nakaka-healthy.

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 14

Song of the Day: Love Story by Taylor Swift

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Kapag nakakaramdam ka na ng pagod, matuto kang magpahinga. Hindi ka superhero. Isa lang ang buhay mo. Walang mother chinese garter na kapag na-dead ka ay pwede kang i-revive ulit.

Always listen to your body. Huwag mong antayin na singilin ka niya nang bonggang-bongga! Ikaw rin. Iyak malala ka dyan. Give yourself a break.

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 28

Song of the Day: Style by Taylor Swift

CAPRICORN (December 22-January 19)

Congrats dahil alam mo ang gusto mo at firm ka sa desisyon mo. Tama ‘yan. Sabi ng universe, gawin mo lang ang mga alam mong dapat at makakamit mo rin ang dreams mo in life. Soon, maibabbandera mo rin ang mga achievements mo in life!

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 25

Song of the Day: Teardrops on my Guitar by Taylor Swift

AQUARIUS (January 20-February 18)

Mga mami, it’s time to check your environment. Time to cut-off people na walang ibang ginawa sa buhay mo kundi magdulot ng stress at problema.

Itong mga taong to ang hihila sa ‘yo pababa kaya habang maaga pa, let go mo na. Minsan nasa paligid rin natin kung bakit do tsyo umaasenso in life.

Lucky Color: Teal

Lucky Number: 17

Song of the Day: Better Man by Taylor Swift

PISCES (February 19-March 19)

Ikaw ba ang taong ayaw magpahinga? Tropa ba kayo ni Sagi? Kukulit n’yo eh.

Take things slow, mars. Hindi naman mauubos ang trabaho pero for sure, ikaw unti-unting mauupos kakawork. Magpahinga ka. Walang nagbabawal sa ‘yo. Hindi ka pusa na may 9 lives. Ready ka na ba mag-hi kay Lord?

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 9

Song of the Day: Snow on the Beach by Taylor Swift

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Talaga namang happy na, birthday pa! Bubuhos ang mga blessings na matatanggap mo ngayong linggo! Sakto, malapit na ang sahod, treat yourself kasi deserve mo!

Ipagpatuloy mo lang ang pagkamit ng iyong pangarap at ilaban mo hanggang dulo dahil sabi nga ni Rufa Mae, “Go go go! Todo Na ‘To!” Nawa’y maging masaya ka, pag hindi, efi dinaya!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 23

Song of the Day: Cornelia Street By Taylor Swift

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Other ChiKapalaran:
ChiKapalaran (May 1-7, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (April 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending