ChiKapalaran (June 12-18,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (June 12-18,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - June 12, 2023 - 06:50 AM

ChiKapalaran (June 12-18,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
GOOD morning, mga Ka-Bandera! Happy Independence Day! Malaya ka nga ba talaga? Oops. Don’t worry, ChiKapalaran is here to remind you na maging malaya… sa stress, sa maling environment, at siyempre sa maling tao.

Gamitin ang holiday na ito para magpahinga at mag-recharge para naman matigil na ang kakapantasya mo na mag-resign pero hindi mo naman ginagawa. True? True. Chareng.

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Tru? Tru!

ARIES (March 21-April 19)

Bakit naman nakasimangot ka? Lunes na Lunes, mars. Bakit parang Biyernes Santo yang fez mo? Chair up este cheer up.

Ikaw naman kasi, kaka-grind mo sa trabaho, hindi mo na in-enjoy ang pagbabakasyon. Easyhan mo lang. Baka maaga mo makita si Lord, sige ka. Eme!

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 30

Song of the day: Pink Venom by BlackPink

TAURUS (April 20-May 20)

Ilaban natin ang pagiging hardheaded, bessywap! Alam naman nating lahat na hindi siya ang para sa ‘yo pero sige. Ipilit natin tapos pag nasaktan, isisi natin sa iba. Tama? Tanga!

Kung magiging masaya ka dyan, sige, i-bandera mo ang pagmamahal mo sa kanya. Kung masaktan ka man, sa huli pa naman ‘yon. Support!

Lucky Color: Green

Lucky Number: 27

Song of the Day: Butter by BTS

GEMINI (May 21-June 20)

Let’s go mga doble kara, it’s your season! It’s time to step up, hindi ‘yung sayaw na film, wag kang ano.

Magulo na ang paligid kaya it’s time para naman pagitnaan mo na ang nag-uumpugang bato sa paligid mo bago pa mahuli ang lahat. Kaya mo yan, as a gemini, we believe in your duality. Cheka!

Lucky Color: White

Lucky Number: 14

Song of the Day: Set Me Free by Twice

CANCER (June 21-July 22)

From the scale of 1-100, gaano ka ka-emosyonal sa buhay? Huwag mo nang iyakan ang mga bagay na hindi naman worth it.

Hindi nga niya inisip na masasaktan ka sa desisyon niya, pero iniisip mo pa rin kung ok lang ba siya. Martyr ka? Osiya! Palitan mo si Rizal. Gigil mo ko e.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 21

Song of the Day: Teddy Bear by STAYC

LEO (July 23-August 22)

It’s time na para makinig kay Rendon Labador, sis. Iwan mo na lahat ng hindi naniniwala sa potensyal mo. Sabi nga ni Rendon, “Focus sa goals, iwan pati pamilya”. Chos.

Kilos na. Ang pangarap ay mananatiling pangarap kung hindi mo ito gagawan ng aksyon.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 17

Song of the Day: Cheshire by ITZY

VIRGO (August 23-September 22)

Stop, look, and itigil mo na ang kakatagay. Bukod sa nakakasama ‘yan sa atay, panigurado pati bulsa mo damay!

Mag-ipon ka naman bessy. Huwag mong sayangin ang mga plano ng universe para sa ‘yo! Maraming mga blessings ang naghihintay sa ‘yo oras na magseryoso ka sa buhay.

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 11

Song of the Day: OMG by NewJeans

LIBRA (September 23-October 22)

Ang beshy ko naman, masyadong ginagalingan ang pagiging peacemaker sa barkada.

Tama yan. Since nasa iyo ang timbangan, go at i-weigh mo lahat ng mga bagay na makakabuti at hindi sa ‘yo at sa mga tao sa paligid mo para naman mabawasan mga maling desisyon sa mundo.

Lucky Color: Red

Lucky Number: 8

Song of the Day: Beatbox by NCT Dream

SCORPIO (October 23-November 21)

Ang pangarap mo ba ay magbato este maging bato? Ayaw mo kasing ipakita kung anong totoong nararamdaman mo. Nako, mars. Paano ka maiintindihan kung ikukubli mo lang lahat sa loob mo?

Communication is the key mars. Express your emotions. Hindi manghuhula yang mga nakapaligid sa ‘yo.

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 24

Song of the Day: Cupid by Fifty Fifty

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Kung ano man yan, basta pinagtuunan mo ng panahon at paniniwala, it will happen. Manifestation works! Basta sabayan mo lang ng pagsisikap, makakamtam mo yan.

We believe in you at nakikita ng universe ang effort mo.

Lucky Color: Purple

Lucky Number: 19

Song of the Day: Flower by Jisoo

CAPRICORN (December 22-January 19)

Ang sabi nila, you are what you tolerate. So sa tingin mo ba, dyan sa ginagawa mo e magdudulot ng maganda sa buhay mo?

Time to reevaluate your life decisions, Capri! Nakaka-kalahati na tayo sa 2023, may progress na ba?

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 29

Song of the Day: Nanana by GOT7

AQUARIUS (January 20-February 18)

Kung ano man yang iniinom mo, ipasa mo naiinggit ako. Chareng.

Sis, sabi ni universe, kung ano man daw yang nasa puso mo, sundin mo na daw. Wag nang magdalawang isip. Suportado ka raw niya. This is your time kaya irampa mo na yan, ikaw na ang inaantay para sa korona!

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 6

Song of the Day: When I Move by KARA

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (May 1-7, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

PISCES (February 19-March 19)

Para ka namang hindi nag-grade 2 bhe. Naiinis na dyowa mo sa ‘yo. Ano ba ang problema at natatakot ka? I-explain mo kaya at huwag kang mag-self isolate.

Magagawan naman ng paraan, sabi ng mga baraha. Sige na, huwag na magtago sa kwarto at harapin ang problema. Sa ‘yo to. Huwag mong sukuan ang pangarap mo. Gets?

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 15

Song of the Day: Giddy by Kep1er

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Isamg maligaya at mapayapang kaarawan sa inyo, mga ka-Bandera! Sana kasing init ng lava ng Mayon Volcano ang matanggap mong blessings at pagmamahal.

Sana huwag mo akong kalimutan sa handaan. Lumpia lang naman ang hiling ko char.

Magiging ok ka rin. Laban para sa pangarap di ba? Malapit mo na nang makamtan ang mga deserve mo sa buhay. Go lang nang go!

Lucky Color: Teal

Lucky Number: 12

Song of the Day: Birthday by Red Velvet

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Related Chika:
ChiKapalaran (June 5-11,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (May 8-14, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

ChiKapalaran (May 15-21, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending