Actor-director Ricky Rivero pumanaw na sa edad 51: 'Asawa pahinga ka na, wala ka nang sakit na mararamdaman' | Bandera

Actor-director Ricky Rivero pumanaw na sa edad 51: ‘Asawa pahinga ka na, wala ka nang sakit na mararamdaman’

Ervin Santiago |July 16,2023
facebook
share this

Actor-director Ricky Rivero pumanaw na sa edad 51: ‘Asawa pahinga ka na, wala ka nang sakit na mararamdaman’

Ervin Santiago - July 16, 2023 - 12:04 PM

Actor-director Ricky Rivero pumanaw na sa edad 51: 'Asawa pahinga ka na, wala ka nang sakit na mararamdaman'

Ricky Rivero

SUMAKABILANG-BUHAY na ang aktor at direktor na si Ricky Rivero ilang buwan matapos siyang ma-stroke. Siya ay 51 years old.

Kinumpirma ng partner ni Ricky ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook account ng aktor ngayong araw, July 16.

“Good morning po inyong lahat maraming salamat po sa tumulong sa asawa ko na c Ricky ngayon po wala na po c Ricky S. Rivero namayapa na po.

“Salamat sa walang sawang tulong sa asawa ko,” ang mensahe ng asawa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricky S. Rivero (@rickyrivero)


Sa isa pa niyang FB post, mababasa ang kanyang pamamaalam sa pinakamamahal niyang partner.
“Asawa pahinga ka na Wala kanang sakit mararamdaman salamat sa isang taong pagsasama isang taong pag-aaway isang taong isang taong kasiyahan madaming salamat sa lahat asawa. Mahal na mahal kita Ricky S Rivero,” pahayag pa nito.

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ni Ricky kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw.

Baka Bet Mo: Ricky Davao, Jackie Lou Blanco wala pang balak mag-file ng annulment kahit may kanya-kanyang buhay na

Ngunit kung matatandaan, na-stroke nga siya noong Mayo at na-confine sa Philippine Heart Center. Una siyang na-stroke noong 2015 pero naka-revover din si Ricky matapos sumailalim sa ilang buwang gamutan.

Base sa ulat, ibuburol ang labi ni Ricky sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Balak din umano ng kanyang pamilya na ipa-cremate ang kanyang labi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricky S. Rivero (@rickyrivero)


Unang nakilala si Ricky Rivero sa youth-oriented variety show ni Kuya Germs na “That’s Entertainment” at lumabas din sa mga programa noon ng GMA at ABS-CBN.

Naging unit director din siya para sa mga seryeng “Forevermore” (2014) nina Liza Soberano at Ernique Gil, “Mula Sa Puso” (2011) nina Lauren Young, JM De Guzman at Enrique Gil, at “Kokey” (2007).

Ang pinakahuling proyekto niya bilang direktor ay horror-comedy na”D’ Aswang Slayerz” starring Mel Martinez.

Ricky Lee sa nakukuhang atensiyon bilang National Artist: Tuwing lumalabas ako nahihiya na ‘ko… malaking ‘hassle’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ricky Davao pinatunayang walang senior-senior sa pag-ibig, 1 year nang maligaya sa piling ng non-showbiz dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending