Aktor dalawang beses tinanggihan ng mga kaparehang aktres, ano kaya ang problema? | Bandera

Aktor dalawang beses tinanggihan ng mga kaparehang aktres, ano kaya ang problema?

Reggee Bonoan |July 15,2023
facebook
share this

Aktor dalawang beses tinanggihan ng mga kaparehang aktres, ano kaya ang problema?

Reggee Bonoan - July 15, 2023 - 08:14 PM

Aktor dalawang beses tinanggihan ng mga kaparehang aktres, ano kaya ang problema?
GUSTO naming balikan ang blind item namin dito sa BANDERA tungkol sa aktres na kaya pala natagalan siyang sagutin ang alok ng producer/director na pelikulang pagsasamahan nila ng guwapong aktor ay dahil hindi pala nito bet.

Inabot ng ilang buwan ang paghihintay ng producer/director sa aktres kaya’t nag-isip na ng plan B na either ibang aktres at aktor na lang ang bibida sa pelikula nila at nagtagumpay naman.

Isang award winning actor kasi ang gustong makasama ng aktres at pangarap daw niya ito, pero hindi nagtagpo ang kanilang schedule kaya ibang aktor ang inihain na inayawan niya.

Nairita ang isa sa producer sa aktres kaya ang ending, pinakawalan na siya at naghanap ng ibang aktres na bida at muling inialok ang aktor na tinanggihan ng naunang aktres, hindi rin pala gusto.

At para magkaayos na ay kumuha na ng ibang aktor at hayun, swak na sa panlasa ng aktres ang bagong aktor na inihain sa kanya kaya’t nagsisimula na silang mag-shoot ng serye.

Napaisip kami sa aktor na dalawang beses tinanggihan ng magkaibang aktres, ano bang mayroon ito at inayawan siya.

“Kulang siya sa acting. Wala pa kasing project na tumatak sa tao, maliban sa nakakabit ang pangalan niya s aka-loveteam niya,” sabi naman ng producer/director sa amin.

Napaisip kami, ay oo nga!

* * *

Hindi lamang isa kundi dalawang bigating teleserye agad ang unang pasabog ng ABS-CBN Entertainment at TV5 sa hapon sa pamamagitan ng “Pira-Pirasong Paraiso” at “Nag-Aapoy Na Damdamin” na magsisimula nang umere sa Hulyo 25 (Martes).

Tampok sa inaabangang co-production venture ng ABS-CBN at TV5 ang mga sariwang kwento na may kinalaman sa sikreto ng pamilya, paghihiganti, at pagmamahal na tiyak na bibihag sa puso ng mga manonood.

Susubukin ng masalimuot na nakaraan ang totoong pagkatao ng mga karakter nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson sa drama seryeng “Pira-Pirasong Paraiso.”

Iikot ang kwento nito sa mga magkakapatid na pinaghiwalay at inabandona ng kanilang sariling pamilya noong sila ay bata pa lamang. Magiging tanging misyon ng panganay na si Diana (Charlie) na hanapin ang dalawa pa niyang kapatid na sina Amy at Beth para magkasama sila muli. Ngunit mananaig ang sakim at paghihiganti sa kanilang mga puso at malilihis sila sa katotohanan tungkol sa tunay nilang pagkatao.

Ang “Pira-Pirasong Paraiso” ay mula sa direksyon nina Raymund B. Ocampo at Roderick Lindayag sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment. Pagbibidahan din ito nina KD Estrada, Ronnie Alonte, at Joseph Marco, kasama sina Sunshine Dizon, Markus Paterson, Epy Quizon, Art Acuña, at may special participation din ni Snooky Serna.

Giyera naman sa pagitan ng dalawang power couple ang bubungad sa “Nag-Aapoy Na Damdamin” tampok sina JC de Vera, Ria Atayde, Tony Labrusca, at Jane Oineza.

Iikot ang kwento nito sa matinding tunggalian nina Philip (JC) at Lucas (Tony), mga kasinungalingan na magdadamay sa mga babae sa kanilang buhay na sina Olivia/ Claire (Jane) at Melinda (Ria), at paghihinganti na isinumpa ni Philip sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Kasama rin sina Joko Diaz, Kim Rodriguez, Maila Gumila, Carla Martinez, Aya Fernandez, at Nico Antonio sa serye na mula sa direksyon nina FM Reyes at Benedict Mique sa ilalim ng JRB Creative Production.

Tutukan ang “Pira-Pirasong Paraiso” (3pm) at “Nag-aapoy na Damdamin” (3:50pm) Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5 simula Hulyo 25 (Martes). Mapapanood din ang “Pira-Pirasong Paraiso” tuwing Sabado, 2:50pm.

Related Chika:
Kilalang aktor ‘mabaho’ raw at maraming demand, production staff naimbyerna

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dating aktor na naging politiko inabandona ang ka-live in na kapapanganak pa lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending