Dating aktor na naging politiko inabandona ang ka-live in na kapapanganak pa lang | Bandera

Dating aktor na naging politiko inabandona ang ka-live in na kapapanganak pa lang

Reggee Bonoan |November 16,2019
facebook
share this

Dating aktor na naging politiko inabandona ang ka-live in na kapapanganak pa lang

Reggee Bonoan - November 16, 2019 - 12:05 AM

INIWAN na pala ng dating aktor ang kanyang live-in partner na kailan lang nanganak dahil may bago na itong dyowa na mas bata. May dalawa na silang anak ngayon.

Ayon sa aming source, awang-awa ang mga kaibigan ng aktor sa iniwang ina ng mga anak dahil wala nga itong trabaho. Tumigil muna siya sa pagwo-work para maging maybahay at alagaan ang mga anak nila.

“Dati nang naghiwalay, nagkaayos lang ulit kasi kumandidato si _____ (dating aktor) tapos nu’ng manalo, tuluyan nang iniwan si _____ (ex-live in partner),” sambit ng aming source.

Nabuking ng dating partner ng dating aktor ang pambababae niya kaya sa galit ay pinagbuntunan nito ang mga sasakyan at pinagbabangga kaya mas lalong nagalit ang ama ng kanyang mga anak.

Sabi pa ng aming source, nagbibigay ng sustentong P1,500 kada buwan ang dating aktor para sa dalawang anak niya sa dating partner kaya hindi nito alam kung paano ito pagkakasyahin dahil kulang pang pambili ng diapers at gatas para sa dalawang bata.

Sakit na raw ng dating aktor ang pambababae kaya nahiwalay din siya sa dati niyang mga nakarelasyon na naanakan din niya pero ni singkong duling ay hindi nagbigay ng sustento.

Nang huli naming makausap ang dating aktor ay nabanggit niyang for keeps na ang karelasyon niya noon dahil tumatanda na rin siya at gusto na niya ng tahimik na buhay. Na hindi naman nangyari.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending