Signal no. 1 nakataas sa bahagi ng Luzon, bagyong Dodong mananalasa sa Cagayan area –PAGASA
LIMANG lugar sa Luzon ang itinaas sa “Tropical Wind Signal no. 1,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kabilang sa listahan ng 11 a.m. weather bulletin ngayong July 14 ang Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, at Benguet.
Gayundin ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at ang northern portion ng Pangasinan, partikular na ang mga bayan ng San Nicolas, San Manuel, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Sual, Labrador, Lingayen, Agno, Binmaley, Dagupan City, San Jacinto, Mangaldan, at Anda.
Kwento ng PAGASA, kagabi lamang naging bagyo ang binabantayang Low Pressure Area at ito raw ay dalawang beses nang tumama sa kalupaan ng Isabela.
Baka Bet Mo: PAGASA: Asahan ang 3 hanggang 4 na bagyo ngayong Hulyo
“Alas otso kagabi naging bagyo ang Low Pressure Area na nandito sa silangan ng Luzon,” sey ni Weather Specialist Benison Estareja.
Patuloy pa niya, “As of 3 in the morning ay nag-landfall agad ang Tropical Depression Dodong dito po sa bayan ng Dinapigue sa Isabela, and as of 4 in the morning po ay nandito na siya sa bayan ng San Mariano dito rin po sa probinsya ng Isabela.”
Base sa report, huling namataan ang bagyo sa vicinity ng Allacapan, Cagayan.
Tagalay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour.
Ang kilos ng bagyo ay may bilis na 45 kilometers per hour papunta sa hilagang kanluran.
Ayon sa weather specialist, “Inaasahan po sa mga susunod na oras ay tatawirin ang malaking bahagi ng Northern Luzon itong si Tropical Depression Dodong.”
Dahil sa bagyo, asahan ang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at northern portion ng Aurora.
Uulanin din ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at ang nalalabing bahagi ng Central Luzon dulot ng pinagsamang epekto ng bagyo at Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Dahil pa rin sa Habagat, makakaranas naman ng minsanang pag-ulan ang Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula at natitirang bahagi ng Mindanao.
Sinabi ng PAGASA na inaasahang lalabas ng ating bansa ang bagyo bukas ng hapon o gabi.
Read more:
KZ, TJ alay sa isa’t isa ang mga kantang “Dodong” at “Inday”
‘Single mom’ na nag-viral matapos magnakaw ng handa para sa anak, walang katotohanan?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.