PAGASA: Asahan ang 3 hanggang 4 na bagyo ngayong Hulyo
TATLO hanggang apat na bagyo ang inaaasahang mananalasa sa ating bansa ngayong buwan ng Hulyo.
Ayon ‘yan mismo sa latest report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kamakailan lang.
“Pagsapit ng buwan ng Hulyo, posible po ang three to four na bagyo na papasok ng PAR,” sey ng weather bureau sa isang press briefing.
Paliwanag pa ng ahensya, “Posible itong mag landfall sa mainland Luzon o Eastern Visayas or mag enhance ng habagat.”
Baka Bet Mo: Heaven Peralejo payag bang makatrabaho ang ex-dyowang si Jimuel Pacquiao?
Bagamat may darating na mga sama ng panahon, tiniyak naman ng weather forecaster na si Rhea Torres na ang unang linggo ng buwan na ito ay magiging maaliwalas at maganda ang panahon.
“Ngayon po ay wala tayong mino-monitor na low pressure area o bagyo sa loob at labas ng Philippine area of responsibility, and in the next two to three days ay wala rin tayong nakikitang sama ng panahon na makaka-apekto sa alin mang bahagi ng ating bansa,” saad niya.
Pero paalala rin ng weather forecaster na magdala pa rin ng payong dahil posible pa rin ang mga mahihinang ulan sa ilang lugar.
Ito ay dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat na patuloy pa ring umiiral sa ating bansa.
Mararanasan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Read more:
Janno napamura nang mabiktima ng prank call nina Aiko, Gelli at Carmina
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.