Janno napamura nang mabiktima ng prank call nina Aiko, Gelli at Carmina Bandera

Janno napamura nang mabiktima ng prank call nina Aiko, Gelli at Carmina

Therese Arceo |July 20,2021
share this

Janno napamura nang mabiktima ng prank call nina Aiko, Gelli at Carmina

Therese Arceo July 20,2021 - 07:08 PM

MULING nagkita-kita ang tatlong magkakaibigang sina Aiko Melendez, Carmina Villaroel-Legaspi at Gelli de Belen-Rivera matapos kumalat ang isyu na hindi raw sila okay ngayon.

May mga netizens kasi ang nakapansin na tila M.I.A. o missing in action si Aiko sa mga ganap ng kanyang mga kaibigan.

Matatandaan na matagal nang best of friends sina Aiko, Carmina, at Gelli. Sa katunayan, binansagan pa nila ang mga sarili na “Power Four” kasama si Candy Pangilinan.

Nawindang naman sina Carmina at Gelli nang malaman na may isyu sa kanila dahil okay na okay naman daw ang kanilang samahan.

Nilinaw rin ni Aiko na hindi ito totoo at ang dahilan raw ng kanyang pagiging M.I.A. ay dahil naghigpit muli ang gobyerno dahil sa pandemya at walang choice kundi sumunod sa health protocols.
Ngayon na lang ulit nagpasya ang tatlo na magkita-kita nang personal dahil fully vaccinated na ang mga ito at mas naging maluwag na ang gobyerno sa implementasyon ng mga protocols.

At dahil nga na-miss nila ang isa’t isa, naisip ng tatlo na maglaro ng “Spin the Wheel” kung saan ang matuturo ay may kaukulang dare na gagawin.

Kabilang na nga si Janno Gibbs sa mga nabiktima sa dare ng tatlo.

Isa kasi sa mga naging dare ni Carmina ay ang tumawag sa isang contact na nagsisimula sa “J” ang pangalan upang i-prank ito at sabihin ang mga linyang, “Ano? Mga bata lang natakasan ka pa? Habulin mo ang mga bata at siguraduhin mong walang makakatakas.”

Si Janno nga ang napili nina Gelli at Aiko na biktimahin ni Carmina. Noong una ay ‘di pa nga sumasagot si Janno kaya tinawagan na lang nila ito gamit ang phone ni Gelli.

Tila wala namang reaksyon si Janno sa ginawa ni Carmina. At tanging “Oh?” lamang ang sagot nito.

Nang i-reveal naman nila na prank lamang ito, isang malakas na tawanan naman ang ginawa ng tatlo matapos marinig ang sinabi ni Janno. “Dinig ako? Mga p*t*ng i*a n’yong tatlo,” ani Janno.

Bukod kay Janno, isa rin sa mga biktima ay ang asawa ni Gelli na si Ariel Rivera kung saan pinakanta nila ito at ang kaibigang si Peter Seranno na na-prank dahil sa diumano’y pagsusuplong nito kay Aiko sa pulis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending